2 Corinto 8:1-2
Ang Biblia (1978)
8 Bukod dito, mga kapatid, ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa mga iglesia ng (A)Macedonia;
2 Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang katuwaan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob.
Read full chapter
2 Corinto 8:1-2
Ang Biblia, 2001
Tungkol sa Pagbibigay
8 Ngayon,(A) nais naming malaman ninyo, mga kapatid, ang biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa mga iglesya ng Macedonia;
2 kung paanong sa matinding pagsubok ng kapighatian, ang kasaganaan ng kanilang kagalakan at ang kanilang labis na kahirapan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob.
Read full chapter
2 Corinto 8:1-2
Ang Dating Biblia (1905)
8 Bukod dito, mga kapatid, ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa mga iglesia ng Macedonia;
2 Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang katuwaan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob.
Read full chapter
2 Corinto 8:1-2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Bukas-Palad na Pagbibigay
8 Ngayon naman, (A) nais naming malaman ninyo, mga kapatid, ang tungkol sa biyaya ng Diyos na ibinigay sa mga iglesya ng Macedonia. 2 Bagama't dumaranas sila ng napakatinding pagsubok at halos nakalubog sa kahirapan, sila'y may nag-uumapaw na kagalakang namahagi ng yaman ng kanilang kagandahang-loob.
Read full chapter
2 Corinto 8:1-2
Ang Salita ng Diyos
Pinayuhan ni Pablo ang mga Tao na Magbigay nang Maluwag
8 Mga kapatid, ibig naming malaman ninyo na ang biyaya ng Diyos ay ipinagkaloob sa mga iglesiya sa Macedonia.
2 Ang dinanas nilang paghihirap na naging pagsubok sa kanila ay nagdulot ng kasaganaan ng kanilang kagalakan sa gitna ng matinding karukhaan. At ito ay lalong sumagana sa matapat na pagbibigay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 1998 by Bibles International