Add parallel Print Page Options

Ang Pangitain ni Pablo at ang Tinik na Ibinigay ng Diyos sa Kaniya

12 Ang magmalaki ay hindi kapakinabangan sa akin. Paparito ako sa mga pangitain at mga pahayag ng Panginoon.

May alam akong isang lalaki na na kay Cristo. Hindi ko alam kung ito ay sa katawan o wala sa katawan, ang Diyos ang siyang nakakaalam. Labing-apat na taon na ang nakalipas, ang lalaking ito ay inagaw paitaas sa ikatlong langit. May alam akong isang lalaki. Kung ito ay sa katawan o wala sa katawan hindi ko alam, ang Diyos ang nakakaalam. Siya ay inagaw paitaas sa paraiso at nakarinig ng mga salitang hindi mabibigkas. Hindi ito ipinahihintulot na sabihin sa tao. Magmamalaki ako patungkol sa lalaking ito, ngunit hindi ako magmamalaki patungkol sa aking sarili maliban sa aking kahinaan. Ito ay sapagkat ibig ko mang magmalaki, ako ay hindi magiging hangal dahil totoo ang aking sasabihin. Magtitiis na lang ako at baka may mag-isip sa akin nang higit pa sa nakikita niya sa akin o anumang naririnig patungkol sa akin.

Upang hindi ako magmataas dahil sa kalakhan ng mga pahayag sa akin, ibinigay sa akin ang tinik sa laman. Ito ay sugo ni Satanas na magpapahirap sa akin upang hindi ako magmataas. Dahil dito, ipinamanhik ko nang tatlong ulit sa Panginoon na ito ay maalis sa akin. Sinabi niya sa akin: Sapat sa iyo ang aking biyaya dahil ang aking kapangyarihan ay nalulubos sa kahinaan. Kaya nga, lalo akong magmamapuri sa aking kahinaan upang manahan sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. 10 Kaya nga, ako ay malulugod sa mga kahinaan, sa mga panlalait, sa pangangailangan, sa pag-uusig, sa kagipitan alang-alang kay Cristo sapagkat kung kailan ako mahina, saka ako malakas.

Ang Pagmamalasakit ni Pablo sa mga Taga-Corinto

11 Sa pagmamalaki natulad ako sa isang hangal, kayo ang nagtulak sa akin sapagkat dapat ipinagmapuri ninyo ako. Hindi naman ako nahuhuli sa mga napakadakilang apostol kahit na ako ay wala naman.

12 Tunay na ang mga tanda ng apostol ay ginawa sa inyo sa lahat ng pagtitiis, sa mga tanda at sa kamangha-manghang mga gawa at mga himala. 13 Saan kayo nakakababa sa ibang mga iglesiya, maliban na lamang sa hindi ko pagiging pabigat sa inyo? Patawarin ninyo ako sa kamalian kong ito.

14 Narito, sa ikatlong pagkakataon handa akong pumunta sa inyo at hindi ako magiging pabigat sa inyo sapagkat hindi ko hinahangad ang mga bagay na nasa inyo kundi kayo. Ang mga anak ay hindi nag-iipon para sa mga magulang kundi ang mga magulang para sa mga anak. 15 Higit akong maligaya na gugugol at lubos na magpagugol para sa inyong kaluluwa, kahit na kung sagana ang pag-ibig ko sa inyo, ay kakaunti ang pag-ibig sa akin. 16 Magkagayunman, hindi ako naging pabigat sa inyo, subalit sa pagiging tuso, nalinlang ko kayo. 17 Nagsa­mantala ba ako sa inyo sa pamamagitan ng sinuman sa kanila na isinugo ko sa inyo? 18 Ipinamanhik ko kay Tito at isinugo kasama niya ang isang kapatid. Nagsamantala ba sa inyo si Tito? Hindi ba namuhay kami sa iisang espiritu? Hindi ba namuhay kami sa gayunding mga hakbang?

19 Muli, iniisip ba ninyo na kami ay nagtatanggol ng aming sarili sa inyo? Sa harap ng Diyos, kami ay nagsasalita kay Cristo. Minamahal, ginagawa namin ang lahat ng mga bagay para sa inyong ikatitibay. 20 Ito ay sapagkat sa pagdating ko, natatakot ako na hindi ko kayo masumpungan tulad ng ibig ko. Natatakot ako na masumpungan ninyo ako tulad ng hindi ninyo ibig sa akin. Baka magkaroon ng paglalaban-laban, inggitan, poot, pakiki­pagtunggalian, paninirang puri, pagsisitsit,[a] pagmama­­­lakihan at kaguluhan. 21 Baka sa pagdating ko, ibaba ako ng Diyos sa harapan ninyo at ako ay manangis dahil sa kanila na nagkasala roon. Hindi sila nagsisi sa karumihan at pakikiapid at kahalayan na kanilang ipinamuhay.

Footnotes

  1. 2 Corinto 12:20 Ito ay ang walang pigil na pagdadala ng lahat ng uri ng usapin.

Mga Pangitain at Pahayag

12 Kailangang ako'y magmalaki, kahit wala akong pakinabang dito. Ngunit tutuloy na rin ako tungkol sa mga pangitain at mga pahayag ng Panginoon. May kilala akong isang lalaking na kay Cristo, na dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakalilipas. Hindi ko alam kung siya noon ay nasa katawan, o wala sa katawan. Ang Diyos ang nakakaalam. At alam kong ang taong iyon—kung nasa katawan man, o wala sa katawan, hindi ko alam, ang Diyos ang nakaaalam— ay tinangay at dinala sa Paraiso. Nakarinig siya roon ng mga salitang hindi mabigkas at hindi ipinahihintulot na sabihin ng tao. Ipagmamalaki ko ang taong iyon, at hindi ang aking sarili. Ang tanging maipagmamalaki ko ay ang aking mga kahinaan. Kung naisin ko mang magmalaki ay hindi ako magiging hangal, sapagkat ako'y magsasabi ng katotohanan. Ngunit iniiwasan ko ito upang walang sinumang mag-isip tungkol sa akin nang higit kaysa kanyang nakikita o naririnig sa akin. At upang hindi ako magmayabang dahil sa mga kahanga-hangang bagay na ipinahayag sa akin, binigyan ako ng isang tinik sa laman na nagsilbing sugo ni Satanas upang ako'y pahirapan. Ito nga'y upang hindi ako magmayabang. Tatlong ulit akong nakiusap sa Panginoon tungkol dito na sana'y iwan na ako nito. Ngunit sinabi niya sa akin, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang kapangyarihan ko ay lubos na nahahayag sa kahinaan.” Dahil dito, masaya kong lalong ipagmamalaki ang mga kahinaan ko upang manatili sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. 10 Kaya, alang-alang kay Cristo, ako'y may kasiyahan sa gitna ng mga kahinaan, mga panlalait, mga paghihirap, mga pag-uusig, at mga kasawian. Sapagkat kung kailan ako mahina, noon naman ako malakas.

Ang Pagmamalasakit ni Pablo sa mga Taga-Corinto

11 Naging hangal ako! Ngunit itinulak ninyo ako na magkagayon. Dapat sana'y pinuri ninyo ako, sapagkat hindi naman ako páhuhulí sa magagaling na mga apostol na iyon, kahit na ako'y walang kabuluhan. 12 Ang mga pagkakakilanlan ng isang tunay na apostol ay buong sikap kong ipinakita sa inyo sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at ng mga gawang makapangyarihan. 13 Paano nga kayo nalamangan ng ibang iglesya, maliban sa ako'y hindi naging pabigat sa inyo? Patawarin ninyo ako sa pagkakamaling ito! 14 Ngayon, sa ikatlong pagkakataon ay handa akong pumunta sa inyo. At hindi ako magiging pabigat sa inyo, sapagkat hindi ko hinahangad ang anumang mayroon kayo, kundi kayo mismo. Sapagkat hindi ang mga anak ang may tungkuling mag-impok para sa mga magulang, kundi ang mga magulang para sa kanilang mga anak. 15 Malaking kasiyahan sa akin ang gumastos at gastusin para sa inyo. Mababawasan ba ang pagmamahal ninyo sa akin habang lalo ko kayong minamahal? 16 Hindi ako naging pasanin sa inyo. Ngunit ako raw ay tuso at nabitag ko kayo sa daya. 17 Nilinlang ko ba kayo sa pamamagitan ng mga taong sinugo ko sa inyo? 18 Pinakiusapan ko si Tito na pumunta riyan at sinugo ko siyang kasama ng isang kapatid. Pinagsamantalahan ba kayo ni Tito? Hindi ba't pareho lamang ang aming pag-iisip? Hindi ba't pareho lamang ang aming mga hakbang?

19 Marahil, matagal na ninyong iniisip na ipinagtatanggol lang namin sa inyo ang aming mga sarili. At bilang mga na kay Cristo, nagsasalita kami sa harapan ng Diyos. Mga minamahal, ginagawa namin ang lahat ng mga ito upang kayo'y maging matatag. 20 Natatakot ako na baka madatnan ko kayo sa kalagayang hindi ko maiibigan, at ako naman ay nasa kalagayang hindi rin ninyo maiibigan. Baka madatnan ko kayong nag-aaway, nagseselosan, magkakagalit, nagkakanya-kanya, nagsisiraan, nagtsitsismisan, nagpapayabangan, at nagkakagulo. 21 Natatakot ako na sa muli kong pagdating ay ipahiya ako ng Diyos sa harapan ninyo, at kailangan kong magdalamhati dahil sa maraming dati nang nagkasala at hindi pa nagsisisi sa nagawa nilang karumihan, pakikiapid, at kahalayan.

The Vision of Paradise

12 It is [a]doubtless not profitable for me to boast. I will come to (A)visions and (B)revelations of the Lord: I know a man (C)in Christ who fourteen years ago—whether in the body I do not know, or whether out of the body I do not know, God knows—such a one (D)was caught up to the third heaven. And I know such a man—whether in the body or out of the body I do not know, God knows— how he was caught up into (E)Paradise and heard inexpressible words, which it is not lawful for a man to utter. Of such a one I will boast; yet of myself I will not (F)boast, except in my infirmities. For though I might desire to boast, I will not be a fool; for I will speak the truth. But I refrain, lest anyone should think of me above what he sees me to be or hears from me.

The Thorn in the Flesh

And lest I should be exalted above measure by the abundance of the revelations, a (G)thorn in the flesh was given to me, (H)a messenger of Satan to [b]buffet me, lest I be exalted above measure. (I)Concerning this thing I pleaded with the Lord three times that it might depart from me. And He said to me, “My grace is sufficient for you, for My strength is made perfect in weakness.” Therefore most gladly (J)I will rather boast in my infirmities, (K)that the power of Christ may rest upon me. 10 Therefore (L)I take pleasure in infirmities, in reproaches, in needs, in persecutions, in distresses, for Christ’s sake. (M)For when I am weak, then I am strong.

Signs of an Apostle

11 I have become (N)a fool [c]in boasting; you have compelled me. For I ought to have been commended by you; for (O)in nothing was I behind the most eminent apostles, though (P)I am nothing. 12 (Q)Truly the signs of an apostle were accomplished among you with all perseverance, in signs and (R)wonders and mighty (S)deeds. 13 For what is it in which you were inferior to other churches, except that I myself was not burdensome to you? Forgive me this wrong!

Love for the Church

14 (T)Now for the third time I am ready to come to you. And I will not be burdensome to you; for (U)I do not seek yours, but you. (V)For the children ought not to lay up for the parents, but the parents for the children. 15 And I will very gladly spend and be spent (W)for your souls; though (X)the more abundantly I love you, the less I am loved.

16 But be that as it may, (Y)I did not burden you. Nevertheless, being crafty, I caught you by cunning! 17 Did I take advantage of you by any of those whom I sent to you? 18 I urged Titus, and sent our (Z)brother with him. Did Titus take advantage of you? Did we not walk in the same spirit? Did we not walk in the same steps?

19 (AA)Again, [d]do you think that we excuse ourselves to you? (AB)We speak before God in Christ. (AC)But we do all things, beloved, for your edification. 20 For I fear lest, when I come, I shall not find you such as I wish, and that (AD)I shall be found by you such as you do not wish; lest there be contentions, jealousies, outbursts of wrath, selfish ambitions, backbitings, whisperings, conceits, tumults; 21 lest, when I come again, my God (AE)will humble me among you, and I shall mourn for many (AF)who have sinned before and have not repented of the uncleanness, (AG)fornication, and lewdness which they have practiced.

Footnotes

  1. 2 Corinthians 12:1 NU necessary, though not profitable, to boast
  2. 2 Corinthians 12:7 beat
  3. 2 Corinthians 12:11 NU omits in boasting
  4. 2 Corinthians 12:19 NU You have been thinking for a long time that we

Paul’s Vision and His Thorn

12 I must go on boasting.(A) Although there is nothing to be gained, I will go on to visions and revelations(B) from the Lord. I know a man in Christ(C) who fourteen years ago was caught up(D) to the third heaven.(E) Whether it was in the body or out of the body I do not know—God knows.(F) And I know that this man—whether in the body or apart from the body I do not know, but God knows— was caught up(G) to paradise(H) and heard inexpressible things, things that no one is permitted to tell. I will boast about a man like that, but I will not boast about myself, except about my weaknesses.(I) Even if I should choose to boast,(J) I would not be a fool,(K) because I would be speaking the truth. But I refrain, so no one will think more of me than is warranted by what I do or say, or because of these surpassingly great revelations.(L) Therefore, in order to keep me from becoming conceited, I was given a thorn in my flesh,(M) a messenger of Satan,(N) to torment me. Three times I pleaded with the Lord to take it away from me.(O) But he said to me, “My grace(P) is sufficient for you, for my power(Q) is made perfect in weakness.(R)(S) Therefore I will boast all the more gladly about my weaknesses, so that Christ’s power may rest on me. 10 That is why, for Christ’s sake, I delight(T) in weaknesses, in insults, in hardships,(U) in persecutions,(V) in difficulties. For when I am weak, then I am strong.(W)

Paul’s Concern for the Corinthians

11 I have made a fool of myself,(X) but you drove me to it. I ought to have been commended by you, for I am not in the least inferior to the “super-apostles,”[a](Y) even though I am nothing.(Z) 12 I persevered in demonstrating among you the marks of a true apostle, including signs, wonders and miracles.(AA) 13 How were you inferior to the other churches, except that I was never a burden to you?(AB) Forgive me this wrong!(AC)

14 Now I am ready to visit you for the third time,(AD) and I will not be a burden to you, because what I want is not your possessions but you. After all, children should not have to save up for their parents,(AE) but parents for their children.(AF) 15 So I will very gladly spend for you everything I have and expend myself as well.(AG) If I love you more,(AH) will you love me less? 16 Be that as it may, I have not been a burden to you.(AI) Yet, crafty fellow that I am, I caught you by trickery! 17 Did I exploit you through any of the men I sent to you? 18 I urged(AJ) Titus(AK) to go to you and I sent our brother(AL) with him. Titus did not exploit you, did he? Did we not walk in the same footsteps by the same Spirit?

19 Have you been thinking all along that we have been defending ourselves to you? We have been speaking in the sight of God(AM) as those in Christ; and everything we do, dear friends,(AN) is for your strengthening.(AO) 20 For I am afraid that when I come(AP) I may not find you as I want you to be, and you may not find me as you want me to be.(AQ) I fear that there may be discord,(AR) jealousy, fits of rage, selfish ambition,(AS) slander,(AT) gossip,(AU) arrogance(AV) and disorder.(AW) 21 I am afraid that when I come again my God will humble me before you, and I will be grieved(AX) over many who have sinned earlier(AY) and have not repented of the impurity, sexual sin and debauchery(AZ) in which they have indulged.

Footnotes

  1. 2 Corinthians 12:11 Or the most eminent apostles