Add parallel Print Page Options

Ang tanging alam ko ay nakarating ako sa Paraiso, at narinig ko roon ang mga kamangha-manghang bagay na hindi kayang ipaliwanag at hindi dapat sabihin kahit kanino. Maipagmamalaki ko ang karanasan kong iyon. Pero kung tungkol sa aking sarili, wala akong maipagmamalaki maliban sa aking mga kahinaan. At kung magmamalaki man ako, hindi ako magmimistulang hangal, dahil totoo naman ang aking sasabihin. Pero hindi ko ito gagawin dahil baka sumobra ang palagay ng ilan sa akin kaysa sa nakikita nila sa aking pamumuhay.

Read full chapter

ay tinangay at dinala sa Paraiso. Nakarinig siya roon ng mga salitang hindi mabigkas at hindi ipinahihintulot na sabihin ng tao. Ipagmamalaki ko ang taong iyon, at hindi ang aking sarili. Ang tanging maipagmamalaki ko ay ang aking mga kahinaan. Kung naisin ko mang magmalaki ay hindi ako magiging hangal, sapagkat ako'y magsasabi ng katotohanan. Ngunit iniiwasan ko ito upang walang sinumang mag-isip tungkol sa akin nang higit kaysa kanyang nakikita o naririnig sa akin.

Read full chapter