Add parallel Print Page Options

10 Kaya nga, ako ay malulugod sa mga kahinaan, sa mga panlalait, sa pangangailangan, sa pag-uusig, sa kagipitan alang-alang kay Cristo sapagkat kung kailan ako mahina, saka ako malakas.

Ang Pagmamalasakit ni Pablo sa mga Taga-Corinto

11 Sa pagmamalaki natulad ako sa isang hangal, kayo ang nagtulak sa akin sapagkat dapat ipinagmapuri ninyo ako. Hindi naman ako nahuhuli sa mga napakadakilang apostol kahit na ako ay wala naman.

12 Tunay na ang mga tanda ng apostol ay ginawa sa inyo sa lahat ng pagtitiis, sa mga tanda at sa kamangha-manghang mga gawa at mga himala.

Read full chapter

10 Kaya, alang-alang kay Cristo, ako'y may kasiyahan sa gitna ng mga kahinaan, mga panlalait, mga paghihirap, mga pag-uusig, at mga kasawian. Sapagkat kung kailan ako mahina, noon naman ako malakas.

Ang Pagmamalasakit ni Pablo sa mga Taga-Corinto

11 Naging hangal ako! Ngunit itinulak ninyo ako na magkagayon. Dapat sana'y pinuri ninyo ako, sapagkat hindi naman ako páhuhulí sa magagaling na mga apostol na iyon, kahit na ako'y walang kabuluhan. 12 Ang mga pagkakakilanlan ng isang tunay na apostol ay buong sikap kong ipinakita sa inyo sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at ng mga gawang makapangyarihan.

Read full chapter