2 Corinto 11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Si Pablo at ang mga Huwad na Apostol
11 Pagtiisan muna sana ninyo itong aking kaunting kahangalan. At pinagtitiisan nga naman ninyo ako! 2 Nakadarama ako para sa inyo ng isang maka-Diyos na pagseselos, sapagkat kayo'y itinakda kong maging asawa ng isang lalaki, si Cristo, at maiharap ko kayo sa kanya bilang isang malinis na birhen. 3 Ngunit (A) natatakot ako na kung paanong si Eva ay dinaya ng ahas sa pamamagitan ng katusuhan nito, ang inyong mga pag-iisip din ay mailigaw mula sa tapat at malinis na pakikitungo kay Cristo. 4 Sapagkat kung may dumating at nangaral ng ibang Jesus na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y tumanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap noon o ibang ebanghelyo na hindi ninyo tinanggap, pinagtitiisan ninyo itong mabuti. 5 Masasabi kong hindi ako páhuhulí sa magagaling na mga apostol na ito. 6 Hindi man ako mahusay sa pananalita, mayroon din naman akong nalalaman. Nilinaw naming mabuti sa inyo ang bagay na ito.
7 Kasalanan ko ba kung ibinaba ko ang aking sarili upang kayo'y maitaas, dahil ipinangaral ko sa inyo nang walang bayad ang ebanghelyo ng Diyos? 8 Ninakawan ko ang ibang mga iglesya, sa pagtanggap ko ng tustos mula sa kanila upang maglingkod sa inyo. 9 Nang (B) kasama pa ninyo ako at ako'y may pangangailangan, hindi ako naging pabigat sa kaninuman, sapagkat ang mga pangangailangan ko ay tinustusan ng mga kapatid na galing sa Macedonia. Iniwasan ko nga na maging pabigat sa inyo sa lahat ng bagay, at patuloy ko itong gagawin. 10 Habang nananatili sa akin ang katotohanan ni Cristo, walang sinuman sa mga nasasakupan ng Acaia na makapipigil sa akin sa pagmamalaking ito. 11 At bakit? Dahil ba sa hindi ko kayo mahal? Alam ng Diyos na mahal ko kayo!
12 At kung ano ang aking ginagawa ay patuloy kong gagawin, upang alisan ng pagkakataon ang mga naghahangad ng pagkakataong kilalanin bilang kapantay namin tungkol sa mga bagay na ipinagmamalaki nila. 13 Sapagkat ang gayong mga tao ay mga huwad na apostol, mga mandarayang manggagawa, nagpapanggap na mga apostol ni Cristo. 14 At hindi kataka-taka! Sapagkat si Satanas man ay nagpapanggap na isang anghel ng liwanag. 15 Kaya't hindi malayong mangyari na ang kanyang mga lingkod ay magpanggap na mga lingkod ng katwiran. Ang kanilang wakas ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.
Mga Paghihirap ni Pablo Bilang Apostol
16 Inuulit ko, huwag isipin ng sinuman na ako'y hangal, ngunit kung gayon ang iniisip ninyo, tanggapin ninyo ako bilang isang hangal upang makapagmalaki naman ako nang kaunti. 17 Ang pagsasalita ko ngayon sa ganitong pagmamalaking may kapalaluan ay hindi mula sa Panginoon, kundi tulad sa isang hangal. 18 Yamang marami ang nagmamalaki sa mga bagay na ipinagmamalaki ng tao, ako man ay magmamalaki. 19 At tuwang-tuwa pa kayo na nagtitiis sa mga hangal, palibhasa'y marurunong kayo! 20 Sa katunayan, natitiis ninyo kapag inaalipin kayo ng sinuman, o kahit kinakatay na kayo, o pinagsasamantalahan, o pinagyayabangan, o kaya'y sinasampal. 21 Kahiya-hiya, ngunit inaamin kong napakahina namin sa ganito! Ngunit anumang buong tapang na maaaring ipagmalaki ng iba—nagsasalita akong tulad ng hangal—may tapang din akong maipagmamalaki iyon. 22 Mga Hebreo ba sila? Ako man. Mga Israelita ba sila? Ako man. Mula ba sila sa binhi ni Abraham? Ako man. 23 Sila (C) ba'y mga lingkod ni Cristo? Lalo na ako, na mas maraming pagod sa pagtatrabaho, mas maraming ulit na nabilanggo, hindi mabilang kung ilang ulit nang nabugbog, at paulit-ulit na nabingit sa kamatayan. Para na akong baliw sa pagsasalita ng ganito. 24 Limang ulit akong nakatanggap sa mga Judio(D) ng apatnapung hagupit, binawasan ng isa. 25 Tatlong (E) ulit akong hinampas ng mga pamalo, minsan ako'y pinagbabato. Tatlong ulit na akong nakaranas ng pagkawasak ng barkong sinasakyan, isang araw at isang gabing ako'y nasa gitna ng dagat. 26 Madalas (F) akong naglalakbay. Nasuong ako sa panganib sa mga ilog, panganib sa mga tulisan, panganib sa aking mga kababayan, panganib sa mga Hentil, panganib sa lungsod, panganib sa ilang, panganib sa dagat, panganib sa kamay ng mga huwad na kapatid. 27 Nagtiis ako ng pagod at hirap, at madalas na walang tulog. Naranasan kong magutom at mauhaw, madalas na walang makain, giniginaw at hubad. 28 Bukod sa iba pang mga bagay, araw-araw ko pang pinapasan ang alalahanin para sa mga iglesya. 29 Kapag may nanghihina, di ba't ako'y nanghihina rin? Kapag may nabuwal dahil sa kasalanan, di ba't ako'y nag-iinit sa galit?
30 Kung kailangan kong magmalaki, ipagmamalaki ko ang mga bagay na magpapakita ng aking kahinaan. 31 Ang Diyos at Ama ng Panginoong Jesus, na siyang karapat-dapat sa papuri magpakailanman, ang nakaaalam na hindi ako nagsisinungaling. 32 Sa (G) Damasco, binantayan ng tagapamahala na nasa ilalim ni Haring Aretas ang lungsod ng mga taga-Damasco upang ako'y dakpin, 33 ngunit ako'y ibinaba sa pamamagitan ng isang tiklis mula sa isang bintana sa pader at ako'y nakatakas sa mga kamay niya.
2 Corinto 11
Ang Biblia, 2001
Si Pablo at ang mga Huwad na Apostol
11 Sana'y mapagtiisan ninyo ako sa kaunting kahangalan. Subalit tunay na nagtitiis kayo sa akin!
2 Ako'y nakakaramdam sa inyo ng maka-Diyos na panibugho, sapagkat kayo'y itinakda kong mapangasawa ng isang lalaki, na kayo'y maiharap ko kay Cristo bilang isang malinis na birhen.
3 Ngunit(A) ako'y natatakot na kung paanong si Eva ay dinaya ng ahas sa pamamagitan ng kanyang katusuhan, ang inyong mga pag-iisip ay mailigaw mula sa katapatan at kadalisayan[a] kay Cristo.
4 Sapagkat kung may dumating na nangangaral ng ibang Jesus na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y tumanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap noon o ibang ebanghelyo na hindi ninyo tinanggap, kayo ay kaagad na napapasakop doon.
5 Sa palagay ko ay hindi ako pahuhuli sa mga dakilang apostol na ito.
6 Bagaman ako'y hindi bihasa sa pagsasalita, gayunma'y hindi sa kaalaman, kundi sa bawat paraan ay ginawa namin itong hayag sa inyo sa lahat ng mga bagay.
7 Ako ba'y nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili upang kayo'y maitaas, dahil sa ipinangaral ko sa inyo nang walang bayad ang ebanghelyo ng Diyos?
8 Aking ninakawan ang ibang mga iglesya sa pamamagitan ng pagtanggap ng sahod mula sa kanila upang makapaglingkod sa inyo.
9 At(B) nang ako'y kasama ninyo at nasa pangangailangan, ako'y hindi naging pasanin sa kanino man, sapagkat ang aking mga pangangailangan ay tinustusan ng mga kapatid na galing sa Macedonia. Kaya't aking iniwasan at iiwasan na maging pasanin ninyo sa anumang paraan.
10 Kung paanong ang katotohanan ni Cristo ay nasa akin, walang makakapigil sa akin sa pagmamalaking ito sa mga lupain ng Acaia.
11 At bakit? Sapagkat hindi ko kayo minamahal? Alam ito ng Diyos!
12 At kung ano ang aking ginagawa ay patuloy kong gagawin, upang alisin ang pagkakataon doon sa mga nagnanais ng pagkakataon na kilalanin bilang mga kapantay namin tungkol sa ipinagmamalaki nila.
13 Sapagkat ang gayong mga tao ay mga huwad na apostol, mga mandarayang manggagawa, na nagpapanggap na mga apostol ni Cristo.
14 At hindi nakapagtataka! Sapagkat maging si Satanas man ay nagpapanggap na anghel ng liwanag.
15 Kaya't hindi nakapagtataka na ang kanyang mga ministro naman ay magpanggap na mga ministro ng katuwiran. Ang kanilang wakas ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.
Mga Paghihirap ni Pablo Bilang Apostol
16 Inuulit ko, huwag isipin ng sinuman na ako'y hangal, ngunit kung gayon ang inyong iniisip, tanggapin ninyo ako bilang isang hangal upang ako rin ay makapagmalaki ng kaunti.
17 Ang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi ayon sa Panginoon, kundi bilang isang hangal sa ganitong mapagmalaking pagtitiwala.
18 Yamang marami ang nagmamalaki sang-ayon sa pamantayan ng tao, ako ma'y magmamalaki.
19 Sapagkat may kagalakan ninyong pinagtitiisan ang mga hangal, palibhasa'y marurunong kayo!
20 Sapagkat pinagtitiisan ninyo ito kapag inaalipin kayo, o kapag nilalapa kayo, o kapag kayo'y pinagsasamantalahan, o kapag pinagyayabangan, o kapag kayo'y sinasampal sa mukha.
21 Sa aking kahihiyan ay dapat kong sabihin, napakahina namin sa ganito! Ngunit kung ang sinuman ay malakas ang loob na nagmamalaki—ako ay nagsasalita bilang hangal—malakas din ang loob ko na ipagmalaki iyon.
22 Sila ba'y mga Hebreo? Ako man. Sila ba'y mga Israelita? Ako man. Sila ba'y mga binhi ni Abraham? Ako man.
23 Sila(C) ba'y mga ministro ni Cristo? (Ako'y nagsasalita na parang isang baliw.) Lalo pa ako na mas maraming pagpapagal, mas maraming pagkabilanggo, ng di mabilang na bugbog, at malimit na mabingit sa kamatayan.
24 Sa(D) mga Judio ay limang ulit akong tumanggap ng apatnapung hagupit, kulang ng isa.
25 Tatlong(E) ulit na ako'y hinampas ng mga pamalo, minsan ako'y pinagbabato. Tatlong ulit na akong nawasakan ng barko, isang araw at isang gabing ako'y nasa laot;
26 nasa(F) madalas na paglalakbay, nasa panganib sa mga ilog, panganib sa mga magnanakaw, panganib sa aking mga kababayan, panganib sa mga Hentil, panganib sa lunsod, panganib sa mga ilang, panganib sa dagat, panganib kasama ng mga huwad na kapatid;
27 sa pagpapagal at hirap, sa mga pagpupuyat, sa gutom at uhaw, madalas na walang pagkain, giniginaw at hubad.
28 Bukod sa mga bagay na nasa labas, ako'y araw-araw na nabibigatan sa alalahanin para sa mga iglesya.
29 Sino ang mahina, at ako ba'y hindi mahina? Sino ang natitisod, at ako'y di nag-iinit?
30 Kung kailangang ako'y magmalaki, ako'y magmamalaki sa mga bagay na nauukol sa aking kahinaan.
31 Ang Diyos at Ama ng Panginoong Jesus (siyang pinupuri magpakailanpaman) ang nakakaalam na ako'y hindi nagsisinungaling.
32 Sa(G) Damasco, binantayan ng gobernador na sakop ng haring Aretas ang lunsod ng Damasco upang ako'y dakpin,
33 subalit ako'y ibinaba sa isang tiklis palabas sa isang bintana sa pader at nakatakas sa kanyang mga kamay.
Footnotes
- 2 Corinto 11:3 Wala sa ibang mga kasulatan ang salitang kadalisayan .
2 Corinto 11
Ang Salita ng Diyos
Si Pablo at ang mga Hindi Tunay na mga Apostol
11 Pagtiisan ninyo ako nang kaunti sa aking kamangmangan. Subalit nagtitiis na nga kayong tunay sa akin.
2 Ito ay sapagkat ako ay naninibugho sa inyo nang paninibughong mula sa Diyos dahil ipinagkatipan ko kayo sa isang lalaki upang maiharap ko kayo kay Cristo na isang dalisay na birhen. 3 Subalit ako ay natatakot baka sa anumang paraan, tulad nang dayain ng ahas si Eba sa pamamagitan ng katusuhan, ay madumihan ang inyong kaisipan mula sa katapatan na na kay Cristo. 4 Ito ay sapagkat kung may dumating na nangangaral ng ibang Jesus na hindi naman namin ipinangaral ay maaari ninyo itong pagtiisan. O kung may dumating na nangangaral ng ibangespiritu na hindi naman ninyo tinanggap ay maaari ninyo itong pagtiisan. O kung may dumating na nangangaral ng ibang ebanghelyo na hindi naman ninyo tinanggap ay maaari ninyo itong pagtiisan. 5 Inaakala kong hindi ako huli sa anumang bagay sa kanila na nakakahigit namga apostol. 6 Kung ang aking pananalita ay para bang sa walang pinag-aralan, subalit sa kaalaman ay hindi. Ngunit sa bawat paraan, sa lahat ng bagay ay malinaw kaming nahahayag sa inyo.
7 Nagkasala ba ako sa pagpapakumbaba ko sa aking sarili upang kayo ay maitaas dahil walang bayad kong ipinangaral sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos? 8 Ninakawan ko ang ibang iglesiya nang tumanggap ako ng kabayaran sa paglilingkod para sa inyo. 9 Nang kasama ninyo ako at nangailangan ako, hindi ako naging pabigat sa kaninuman sapagkat ang kakulangan sa akin ay pinunan ng mga kapatid na mula sa Macedonia. Sa lahat ng bagay ay napanatili kong hindi maging pabigat sa inyo at ito ay pananatilihin ko. 10 Kung papaanong ang katotohanan patungkol kay Cristo ay nasa akin, walang sinumang makakahadlang sa akin sa pagmamalaking ito sa mga lalawigan ng Acaya. 11 Bakit ko ito ginagawa? Dahil ba sa hindi ko kayo iniibig? Alam ng Diyos na iniibig ko kayo. 12 Anuman ang ginagawa ko ay patuloy kong gagawin upang huwag magkaroon ng pagkakataon ang mga naghahangad ng pagkakataon na makapagmalaki na sila ay kapantay namin.
13 Ito ay sapagkat ang mga gayon ay hindi tunay na mga apostol. Sila ay mga mandarayang manggagawa na nag-aanyong mga apostol ni Cristo. 14 Hindi ito kataka-taka dahil si Satanas man ay nag-aanyong anghel ng liwanag. 15 Hindi rin nga malaking bagay kung ang kaniyang mga tagapaglingkod ay mag-anyong mga tagapaglingkod ng katuwiran. Ang wakas ng mga ito ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.
Ang Pagsasabi ni Pablo ng mga Dinanas Niyang Paghihirap
16 Muli kong sinasabi: Huwag nawang isipin ng sinuman na ako ay isang hangal. Kung magkakagayon man dapat niya akong tanggaping tulad sa isanghangal upang makapagmalaki ako kahit kaunti.
17 Ang sinasabi ko na pagmamalaking may pagtitiwala ay hindi ko sinasabi ayon sa Panginoon. Sinasabi ko ito tulad sa isang hangal. 18 Yamang marami ang nagmamalaki ayon sa pamantayan ng tao, magmamalaki rin ako nang gayon. 19 Pinababayaan ninyo ang mga hangal dahil kayo ay mga matatalino. 20 Ito ay sapagkat pinababayaan ninyo kung inaalipin kayo ng sinuman, kung nilalamon kayo, kung kinukunan kayo ng anumang bagay. Gayundin, pinababayaan ninyo kung nagmamalaki ang sinuman sa inyo, kung sinasampalkayo ng sinuman. 21 Nagsasalita ako sa aming kahihiyan, na kami ay parang mahina. Ngunit kung saan man may malakas ang loob, malakas din ang loob ko.
Nagsasalita ako nito nang tulad sa isang hangal.
22 Mga Hebreo ba sila? Ako rin. Sila ba ay taga-Israel? Ako rin. Mga lahi ba sila ni Abraham? Ako rin. 23 Mga tagalingkod ba silani Cristo? Lalo na ako. Nagsasalita ako tulad sa isang hangal. Sa pagpapagal, sagana ako. Sa paghagupit, lalong higit. Sapagkakabilanggo, lalong marami, sa kamatayan, madalas. 24 Hinagupit ako ng mga Judio sa limang pagkakataon nang apatnapu, maliban sa isa. 25 Tatlong ulit akong pinalo, binato akong minsan, tatlong ulit kong naranasan na nawasak ang barkong sinasakyan. Isang gabi at isang araw akong nasa laot. 26 Madalas akong nasa paglalakbay, nasusuong sa panganibsa mga ilog, nasusuong sa panganib sa mandarambong. Nasusuong ako sa panganib mula sa sarili kong lahi, nasusuong sa panganib mula sa mga Gentil. Nasusuong sa panganib sa lungsod, nasusuong sa panganib sa ilang. Nasusuong ako sa panganib sa karagatan, nasusuong sa panganib mula sa mga hindi tunay na kapatiran. 27 Madalas ako sa pagpapagal at mabibigat na paggawa. Madalas akong nagpupuyat, nagugutom at nauuhaw, madalas akong nag-aayuno, giniginaw at walang damit. 28 Sa kabila ng mga bagay na panlabas, araw-araw ako ay ginigitgit ng pagmamalasakit sa mga iglesiya. 29 Sino ang mahina at hindi ba ako mahina? Sino ang natitisod, hindi ba ako nag-aalab sa galit?
30 Kapag kinakailangan kong magmapuri, ipinagmamapuri ko ang aking mga kahinaan. 31 Ang Diyos na pinupuri magpakailanman at Ama ng ating Panginoong Jesucristo ang nakakaalam na ako ay hindi nagsisinungaling. 32 Sa Damasco, ang namamahalang pinuno sa ilalim ng kapangyarihan ni haring Aretas aynagbabantay sa lungsod ng mga taga-Damasco. Ibig niya na ako ay kaniyang mahuli. 33 Sa pamamagitan ng isang tiklis ako ay inihugos sa bintana pababa sa kabila ng pader at nakaligtas ako sa kaniyang mga kamay.
2 Corinthians 11
New International Version
Paul and the False Apostles
11 I hope you will put up with(A) me in a little foolishness.(B) Yes, please put up with me! 2 I am jealous for you with a godly jealousy. I promised you to one husband,(C) to Christ, so that I might present you(D) as a pure virgin to him. 3 But I am afraid that just as Eve was deceived by the serpent’s cunning,(E) your minds may somehow be led astray from your sincere and pure devotion to Christ. 4 For if someone comes to you and preaches a Jesus other than the Jesus we preached,(F) or if you receive a different spirit(G) from the Spirit you received, or a different gospel(H) from the one you accepted, you put up with it(I) easily enough.
5 I do not think I am in the least inferior to those “super-apostles.”[a](J) 6 I may indeed be untrained as a speaker,(K) but I do have knowledge.(L) We have made this perfectly clear to you in every way. 7 Was it a sin(M) for me to lower myself in order to elevate you by preaching the gospel of God(N) to you free of charge?(O) 8 I robbed other churches by receiving support from them(P) so as to serve you. 9 And when I was with you and needed something, I was not a burden to anyone, for the brothers who came from Macedonia supplied what I needed.(Q) I have kept myself from being a burden to you(R) in any way, and will continue to do so. 10 As surely as the truth of Christ is in me,(S) nobody in the regions of Achaia(T) will stop this boasting(U) of mine. 11 Why? Because I do not love you? God knows(V) I do!(W)
12 And I will keep on doing what I am doing in order to cut the ground from under those who want an opportunity to be considered equal with us in the things they boast about. 13 For such people are false apostles,(X) deceitful(Y) workers, masquerading as apostles of Christ.(Z) 14 And no wonder, for Satan(AA) himself masquerades as an angel of light. 15 It is not surprising, then, if his servants also masquerade as servants of righteousness. Their end will be what their actions deserve.(AB)
Paul Boasts About His Sufferings
16 I repeat: Let no one take me for a fool.(AC) But if you do, then tolerate me just as you would a fool, so that I may do a little boasting. 17 In this self-confident boasting I am not talking as the Lord would,(AD) but as a fool.(AE) 18 Since many are boasting in the way the world does,(AF) I too will boast.(AG) 19 You gladly put up with(AH) fools since you are so wise!(AI) 20 In fact, you even put up with(AJ) anyone who enslaves you(AK) or exploits you or takes advantage of you or puts on airs or slaps you in the face. 21 To my shame I admit that we were too weak(AL) for that!
Whatever anyone else dares to boast about—I am speaking as a fool—I also dare to boast about.(AM) 22 Are they Hebrews? So am I.(AN) Are they Israelites? So am I.(AO) Are they Abraham’s descendants? So am I.(AP) 23 Are they servants of Christ?(AQ) (I am out of my mind to talk like this.) I am more. I have worked much harder,(AR) been in prison more frequently,(AS) been flogged more severely,(AT) and been exposed to death again and again.(AU) 24 Five times I received from the Jews the forty lashes(AV) minus one. 25 Three times I was beaten with rods,(AW) once I was pelted with stones,(AX) three times I was shipwrecked,(AY) I spent a night and a day in the open sea, 26 I have been constantly on the move. I have been in danger from rivers, in danger from bandits, in danger from my fellow Jews,(AZ) in danger from Gentiles; in danger in the city,(BA) in danger in the country, in danger at sea; and in danger from false believers.(BB) 27 I have labored and toiled(BC) and have often gone without sleep; I have known hunger and thirst and have often gone without food;(BD) I have been cold and naked. 28 Besides everything else, I face daily the pressure of my concern for all the churches.(BE) 29 Who is weak, and I do not feel weak?(BF) Who is led into sin,(BG) and I do not inwardly burn?
30 If I must boast, I will boast(BH) of the things that show my weakness.(BI) 31 The God and Father of the Lord Jesus, who is to be praised forever,(BJ) knows(BK) that I am not lying. 32 In Damascus the governor under King Aretas had the city of the Damascenes guarded in order to arrest me.(BL) 33 But I was lowered in a basket from a window in the wall and slipped through his hands.(BM)
Footnotes
- 2 Corinthians 11:5 Or to the most eminent apostles
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 1998 by Bibles International
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

