2 Corinto 11:27-29
Magandang Balita Biblia
27 Naranasan ko rin ang labis na hirap at pagod, malimit na pagpupuyat, at matinding gutom at uhaw. Naranasan ko ang ginawin ngunit wala man lamang maibalabal. 28 Bukod sa lahat ng ito ay araw-araw kong pinapasan ang mga alalahanin para sa lahat ng mga iglesya. 29 Kapag may nanghihina, nanghihina rin ako, at kapag may nahuhulog sa pagkakasala, labis ko itong ikinagagalit.
Read full chapter
2 Corinto 11:27-29
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
27 Nagtiis ako ng pagod at hirap, at madalas na walang tulog. Naranasan kong magutom at mauhaw, madalas na walang makain, giniginaw at hubad. 28 Bukod sa iba pang mga bagay, araw-araw ko pang pinapasan ang alalahanin para sa mga iglesya. 29 Kapag may nanghihina, di ba't ako'y nanghihina rin? Kapag may nabuwal dahil sa kasalanan, di ba't ako'y nag-iinit sa galit?
Read full chapter
2 Corinto 11:27-29
Ang Biblia (1978)
27 Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran.
28 Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis sa akin sa araw-araw, ang (A)kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia.
29 Sino ang nanghina, (B)at ako'y hindi nanghina? Sino ang napapatisod, at ako'y di nagdaramdam?
Read full chapter
2 Corinthians 11:27-29
New International Version
27 I have labored and toiled(A) and have often gone without sleep; I have known hunger and thirst and have often gone without food;(B) I have been cold and naked. 28 Besides everything else, I face daily the pressure of my concern for all the churches.(C) 29 Who is weak, and I do not feel weak?(D) Who is led into sin,(E) and I do not inwardly burn?
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.