2 Corinto 11:23-25
Ang Biblia (1978)
23 Sila baga'y mga (A)ministro ni Cristo? (ako'y nangungusap na waring nasisira ang bait) lalo pa ako; (B)sa pagpapagal ako'y lubhang sagana, sa mga bilangguan ay lubhang madalas, (C)sa mga palo ay walang bilang, sa mga ikamamatay ay malimit.
24 Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo, kulang ng isa.
25 Makaitlong ako'y hinampas ng mga panghampas, (D)minsan ako'y binato, makaitlong ako'y nabagbag, isang araw at isang gabi na ako'y nasa kalaliman ng dagat;
Read full chapter
2 Corinto 11:23-25
Ang Salita ng Diyos
23 Mga tagalingkod ba silani Cristo? Lalo na ako. Nagsasalita ako tulad sa isang hangal. Sa pagpapagal, sagana ako. Sa paghagupit, lalong higit. Sapagkakabilanggo, lalong marami, sa kamatayan, madalas. 24 Hinagupit ako ng mga Judio sa limang pagkakataon nang apatnapu, maliban sa isa. 25 Tatlong ulit akong pinalo, binato akong minsan, tatlong ulit kong naranasan na nawasak ang barkong sinasakyan. Isang gabi at isang araw akong nasa laot.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International