2 Corinto 1:22-24
Ang Dating Biblia (1905)
22 Na siyang nagtatak naman sa atin, at nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga puso.
23 Datapuwa't ang Dios ang tinatawag kong maging saksi sa aking kaluluwa, na upang huwag kayong papagdamdamin ay hindi muna ako napariyan sa Corinto.
24 Hindi sa kami ay may pagkapanginoon sa inyong pananampalataya, kundi kami ay mga tagatulong sa inyong katuwaan: sapagka't sa pananampalataya kayo'y nangagsisitatag.
Read full chapter
2 Corinto 1:22-24
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
22 tinatakan at ibinigay ang Espiritu sa aming mga puso bilang katibayan.
23 Nagsusumamo ako sa Diyos bilang aking saksi, na hindi ako natuloy sa pagpunta sa Corinto upang hindi kayo mabigatan. 24 Hindi sa ibig naming maging panginoon ninyo sa pananampalataya, sa halip kami ay mga kamanggagawa ninyo upang magdulot sa inyo ng kagalakan, sapagkat kayo'y nananatiling matatag sa pananampalataya.
Read full chapter
2 Corinto 1:22-24
Ang Biblia, 2001
22 inilagay rin niya ang kanyang tatak sa amin, at ibinigay sa amin ang Espiritu sa aming mga puso bilang paunang bayad.
23 Subalit tinatawagan ko ang Diyos upang sumaksi laban sa akin; upang hindi kayo madamay, hindi na ako muling pumunta sa Corinto.
24 Hindi sa nais naming maging panginoon sa inyong pananampalataya, kundi kami ay mga kamanggagawa ninyo para sa inyong kagalakan, sapagkat kayo'y nakatayong matatag sa inyong pananampalataya.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
