1 Timoteo 6
Ang Dating Biblia (1905)
6 Ang lahat ng mga alipin na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan, upang ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag malapastangan.
2 At ang mga may panginoong nagsisisampalataya, ay huwag mayamot sa kanila, sapagka't sila'y pawang magkakapatid; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti, sapagka't nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan. Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito.
3 Kung ang sinoma'y nagtuturo ng ibang aral, at hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo, at sa aral na ayon sa kabanalan;
4 Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga pagalipusta, mga masasamang akala.
5 Pagtataltalan ng mga taong masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan, na nagsisipagakala na ang kabanalan ay paraan ng pakinabang.
6 Datapuwa't ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan:
7 Sapagka't wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman;
8 Nguni't kung tayo'y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.
9 Datapuwa't ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.
10 Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.
11 Datapuwa't ikaw, Oh tao, ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan.
12 Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.
13 Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios na bumubuhay sa lahat ng mga bagay, at ni Cristo Jesus, na sa harapan ni Poncio Pilato ay sumaksi ng mabuting pagpapahayag;
14 Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:
15 Na sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, na mapalad at tanging Makapangyarihan Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon;
16 Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.
17 Ang mayayaman sa sanglibutang ito, ay pagbilinan mo na huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak;
18 Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;
19 Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila'y makapanangan sa buhay na tunay na buhay.
20 Oh Timoteo, ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at ang mga pagsalungat ng maling tawag na kaalaman;
21 Na palibhasa'y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya. Ang biyaya ay sumainyo nawa.
1 Timoteo 6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Dapat igalang nang lubusan ng mga alipin ang kanilang panginoon upang hindi lapastanganin ang pangalan ng Diyos at ang mga aral. 2 At kung ang amo nila'y kapwa mananampalataya, hindi dapat mawala ang kanilang paggalang dahil sila ay magkapatid sa pananampalataya. Dapat pa nga nilang mas paghusayin ang kanilang paglilingkod dahil ang pinaglilingkuran nila'y mga minamahal na kapatid.
Maling Katuruan at Tunay na Kayamanan
Ang mga ito ang dapat mong ituro at bigyang-diin sa mga tao. 3 Sinumang nagtuturo ng ibang aral at hindi sumasang-ayon sa tunay na salita ng ating Panginoong Jesu-Cristo at katuruang naaayon sa banal na pamumuhay, 4 siya ay nagyayabang at walang nalalaman. Mahilig siya sa mga pagtatalo tungkol sa mga salita, na nauuwi sa inggitan, alitan, panlalait, masamang hinala, 5 sa pag-aaway ng mga taong marumi ang pag-iisip, ayaw kumilala sa katotohanan, at nag-aakalang ang banal na pamumuhay ay paraan ng pagpapayaman. 6 Subalit ang banal na pamumuhay na may kasiyahan ay malaking pakinabang. 7 Sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at pag-alis dito'y wala rin tayong madadalang anuman. 8 Kung tayo'y may pagkain at damit, sa mga ito'y dapat na tayong masiyahan. 9 Subalit ang mga naghahangad yumaman ay nahuhulog sa tukso at sa bitag ng kahangalan at nakapipinsalang pagnanasa. Ang mga ito ang magtutulak sa tao ng kapahamakan. 10 Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan. Sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalayo sa pananampalataya at nasadlak sa maraming kapighatian.
Ang Mabuting Laban ng Pananampalataya
11 Ngunit ikaw na lingkod ng Diyos, layuan mo ang mga bagay na ito. Pagsikapan mong mamuhay sa katuwiran, kabanalan, pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan. 12 Ipaglaban mong mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan na siyang dahilan ng pagkatawag sa iyo nang maipahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming saksi. 13 Inuutos ko sa iyo, sa (A) harap ng Diyos na nagbibigay ng buhay sa lahat ng bagay, at ni Cristo Jesus na nagbigay ng mabuting patotoo sa harap ni Poncio Pilato, 14 sundin mong mabuti at may katapatan ang mga iniutos sa iyo hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Ipapakita siya ng Diyos sa takdang panahon, ang Diyos na mapagpala at tanging Makapangyarihan, Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon. 16 Siya lamang ang walang kamatayan at nananahan sa liwanag na di-malapitan! Walang taong nakakita o makakakita sa kanya. Sumakanya nawa ang karangalan at paghaharing walang hanggan. Amen.
17 Utusan mo ang mayayaman sa kapanahunang ito na huwag silang magmataas o magtiwala sa kayamanang lumilipas at pansamantala lamang. Sa halip ay magtiwala sila sa Diyos na masaganang nagkakaloob ng lahat ng bagay para sa ating kasiyahan. 18 Turuan mo silang gumawa ng kabutihan at maging mayaman sa mabuting gawa, maging bukas-palad at namamahagi sa nangangailangan. 19 Sa ganitong paraan sila makapag-iipon ng kayamanan para sa matatag na bukas upang magkamit ng tunay na buhay.
20 Timoteo, ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo. Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan at ang mga pangangatwiran ng huwad na kaalaman. 21 Dahil sa kanilang pagmamarunong, may mga taong nalihis sa pananampalataya.
Pagpalain nawa kayo ng Diyos.[a]
Footnotes
- 1 Timoteo 6:21 Sa ibang manuskrito mayroong Amen.
1 Timothy 6
New International Version
6 All who are under the yoke of slavery should consider their masters worthy of full respect,(A) so that God’s name and our teaching may not be slandered.(B) 2 Those who have believing masters should not show them disrespect just because they are fellow believers.(C) Instead, they should serve them even better because their masters are dear to them as fellow believers and are devoted to the welfare[a] of their slaves.
False Teachers and the Love of Money
These are the things you are to teach and insist on.(D) 3 If anyone teaches otherwise(E) and does not agree to the sound instruction(F) of our Lord Jesus Christ and to godly teaching, 4 they are conceited(G) and understand nothing. They have an unhealthy interest in controversies and quarrels about words(H) that result in envy, strife, malicious talk, evil suspicions 5 and constant friction between people of corrupt mind, who have been robbed of the truth(I) and who think that godliness is a means to financial gain.
6 But godliness with contentment(J) is great gain.(K) 7 For we brought nothing into the world, and we can take nothing out of it.(L) 8 But if we have food and clothing, we will be content with that.(M) 9 Those who want to get rich(N) fall into temptation and a trap(O) and into many foolish and harmful desires that plunge people into ruin and destruction. 10 For the love of money(P) is a root of all kinds of evil. Some people, eager for money, have wandered from the faith(Q) and pierced themselves with many griefs.(R)
Final Charge to Timothy
11 But you, man of God,(S) flee from all this, and pursue righteousness, godliness,(T) faith, love,(U) endurance and gentleness. 12 Fight the good fight(V) of the faith. Take hold of(W) the eternal life(X) to which you were called when you made your good confession(Y) in the presence of many witnesses. 13 In the sight of God, who gives life to everything, and of Christ Jesus, who while testifying before Pontius Pilate(Z) made the good confession,(AA) I charge you(AB) 14 to keep this command without spot or blame(AC) until the appearing of our Lord Jesus Christ,(AD) 15 which God will bring about in his own time(AE)—God, the blessed(AF) and only Ruler,(AG) the King of kings and Lord of lords,(AH) 16 who alone is immortal(AI) and who lives in unapproachable light,(AJ) whom no one has seen or can see.(AK) To him be honor and might forever. Amen.(AL)
17 Command those who are rich(AM) in this present world not to be arrogant nor to put their hope in wealth,(AN) which is so uncertain, but to put their hope in God,(AO) who richly provides us with everything for our enjoyment.(AP) 18 Command them to do good, to be rich in good deeds,(AQ) and to be generous and willing to share.(AR) 19 In this way they will lay up treasure for themselves(AS) as a firm foundation for the coming age, so that they may take hold of(AT) the life that is truly life.
20 Timothy, guard what has been entrusted(AU) to your care. Turn away from godless chatter(AV) and the opposing ideas of what is falsely called knowledge, 21 which some have professed and in so doing have departed from the faith.(AW)
Grace be with you all.(AX)
Footnotes
- 1 Timothy 6:2 Or and benefit from the service
1 Timothy 6
King James Version
6 Let as many servants as are under the yoke count their own masters worthy of all honour, that the name of God and his doctrine be not blasphemed.
2 And they that have believing masters, let them not despise them, because they are brethren; but rather do them service, because they are faithful and beloved, partakers of the benefit. These things teach and exhort.
3 If any man teach otherwise, and consent not to wholesome words, even the words of our Lord Jesus Christ, and to the doctrine which is according to godliness;
4 He is proud, knowing nothing, but doting about questions and strifes of words, whereof cometh envy, strife, railings, evil surmisings,
5 Perverse disputings of men of corrupt minds, and destitute of the truth, supposing that gain is godliness: from such withdraw thyself.
6 But godliness with contentment is great gain.
7 For we brought nothing into this world, and it is certain we can carry nothing out.
8 And having food and raiment let us be therewith content.
9 But they that will be rich fall into temptation and a snare, and into many foolish and hurtful lusts, which drown men in destruction and perdition.
10 For the love of money is the root of all evil: which while some coveted after, they have erred from the faith, and pierced themselves through with many sorrows.
11 But thou, O man of God, flee these things; and follow after righteousness, godliness, faith, love, patience, meekness.
12 Fight the good fight of faith, lay hold on eternal life, whereunto thou art also called, and hast professed a good profession before many witnesses.
13 I give thee charge in the sight of God, who quickeneth all things, and before Christ Jesus, who before Pontius Pilate witnessed a good confession;
14 That thou keep this commandment without spot, unrebukable, until the appearing of our Lord Jesus Christ:
15 Which in his times he shall shew, who is the blessed and only Potentate, the King of kings, and Lord of lords;
16 Who only hath immortality, dwelling in the light which no man can approach unto; whom no man hath seen, nor can see: to whom be honour and power everlasting. Amen.
17 Charge them that are rich in this world, that they be not highminded, nor trust in uncertain riches, but in the living God, who giveth us richly all things to enjoy;
18 That they do good, that they be rich in good works, ready to distribute, willing to communicate;
19 Laying up in store for themselves a good foundation against the time to come, that they may lay hold on eternal life.
20 O Timothy, keep that which is committed to thy trust, avoiding profane and vain babblings, and oppositions of science falsely so called:
21 Which some professing have erred concerning the faith. Grace be with thee. Amen.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

