1 Timoteo 5:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
5 Ang biyudang nag-iisa na lang sa buhay ay umaasa na lang sa Dios. Araw-gabi siyang nananalangin at humihingi ng tulong sa Dios. 6 Ngunit ang biyudang mahilig sa kalayawan ay patay na sa paningin ng Dios kahit na buhay pa siya. 7 Ituro mo sa mga kapatid ang mga tuntuning ito upang walang masabing masama laban sa kanila.
Read full chapter
1 Timoteo 5:5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Ang biyudang tunay na nangangailangan at naiwang nag-iisa ay tanging sa Diyos na lamang umaasa. Kaya patuloy ang kanyang dalangin araw at gabi. 6 Subalit ang biyudang namumuhay sa karangyaan ay maituturing nang patay kahit buháy pa. 7 Iutos mo ang mga ito upang hindi sila mapintasan.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
