1 Timoteo 5:3-5
Magandang Balita Biblia
3 Igalang mo ang mga biyudang wala nang ibang maaasahan sa buhay. 4 Subalit kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila ang unang dapat kumalinga sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob, sapagkat ito ay nakalulugod sa Diyos. 5 Ang(A) biyuda na walang ibang maaasahan sa buhay ay sa Diyos na lamang umaasa, kaya't patuloy siyang nananalangin araw at gabi.
Read full chapter
1 Timoteo 5:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Bigyan mo ng pagkilala ang mga biyudang talagang nangangailangan. 4 Ngunit kung ang isang biyuda ay may mga anak o mga apo, dapat muna nilang matutuhan ang kanilang banal na tungkulin na pangalagaan ang kanilang sariling sambahayan at tumanaw ng utang na loob sa kanilang mga magulang. Ito ay kalugud-lugod sa paningin ng Diyos. 5 Ang biyudang tunay na nangangailangan at naiwang nag-iisa ay tanging sa Diyos na lamang umaasa. Kaya patuloy ang kanyang dalangin araw at gabi.
Read full chapter
1 Timoteo 5:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Papurihan mo ang mga babaing bao (A)na tunay na bao.
4 Nguni't kung ang sinomang babaing bao ay may mga anak o mga apo, magsipagaral ang mga ito muna (B)ng pamamahalang may kabanalan sa kanilang sariling sangbahayan, at magsiganti sa kanilang mga magulang: (C)sapagka't ito'y nakalulugod sa paningin ng Dios.
5 Kaya't ang tunay na babaing bao at walang nagaampon, ay may pagasa sa Dios, at (D)nananatili sa mga pagdaing at mga panalangin (E)gabi't araw.
Read full chapter
1 Timoteo 5:3-5
Ang Biblia, 2001
3 Parangalan mo ang mga babaing balo na tunay na balo.
4 Ngunit kung ang sinumang babaing balo ay may mga anak o mga apo, hayaang matutunan muna nila ang kanilang banal na tungkulin sa kanilang sariling sambahayan, at gantihan ang kanilang mga magulang, sapagkat ito'y kaaya-aya sa paningin ng Diyos.
5 Ang tunay na babaing balo at naiwang nag-iisa ay umaasa sa Diyos at nagpapatuloy sa mga pagdaing at mga panalangin gabi't araw;
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
