1 Timoteo 3:1-3
Magandang Balita Biblia
Ang mga Tagapangasiwa sa Iglesya
3 Totoo ang pahayag na ito: Ang sinumang nagnanais na maging tagapangasiwa[a] sa iglesya ay naghahangad ng mabuting gawain. 2 Kaya(A) nga, ang isang tagapangasiwa ay kailangang walang kapintasan; isa lamang ang asawa,[b] matino ang pag-iisip, marunong magpigil sa sarili, kagalang-galang, bukás ang tahanan sa iba, at may kakayahang magturo. 3 Dapat hindi siya lasenggo, hindi marahas kundi mahinahon; hindi mahilig makipag-away at hindi maibigin sa salapi.
Read full chapterFootnotes
- 1 Timoteo 3:1 tagapangasiwa: o kaya'y obispo .
- 1 Timoteo 3:2 isa lamang ang asawa: o kaya'y minsan lang nag-asawa .
1 Timoteo 3:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Dapat na Katangian ng mga Tagapangasiwa ng Iglesya
3 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito: “Ang nagnanais maging tagapangasiwa[a] ay naghahangad ng marangal na gawain.” 2 Kaya nga, dapat walang maipipintas sa isang tagapangasiwa, asawa ng iisang babae, marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, may magandang loob sa panauhin, at may kakayahang magturo. 3 Hindi siya dapat naglalasing, hindi marahas kundi mahinahon, hindi palaaway, at hindi maibigin sa salapi.
Read full chapterFootnotes
- 1 Timoteo 3:1 o obispo, nangangahulugang “tagapangasiwa ng iglesya”.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
