1 Timoteo 2
Ang Biblia (1978)
2 Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na (A)manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;
2 Ang mga hari at (B)ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.
3 Ito'y (C)mabuti at nakalulugod sa paningin (D)ng Dios na ating Tagapagligtas;
4 Na siyang (E)may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at (F)mangakaalam ng katotohanan.
5 Sapagka't may isang Dios at (G)may (H)isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,
6 Na ibinigay (I)ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag (J)sa sariling kapanahunan;
7 Na dito'y itinalaga ako na tagapangaral at (K)apostol (sinasabi ko ang katotohanan, hindi ako nagsisinungaling), (L)guro sa mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan.
8 Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin (M)sa bawa't dako, na iunat ang mga (N)kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo.
9 Gayon din naman, na (O)ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;
10 Kundi (P)(siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
11 Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.
12 Nguni't hindi ko ipinahihintulot na (Q)ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.
13 Sapagka't si Adam ay siyang unang (R)nilalang, saka si Eva;
14 At si Adam ay hindi nadaya, kundi (S)ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;
15 Nguni't ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978