1 Timoteo 2
Ang Salita ng Diyos
Mga Tagubilin Patungkol sa Pagsamba
2 Kaya nga, una sa lahat, ipinamamanhik ko na ang lahat ng mga dalanging may paghiling, ang mga panalangin, ang mga dalangin na namamagitan at pasasalamat ay gawin para sa lahat ng mga tao.
2 Gawin din ang mga ito para sa mga hari at para sa lahat ng mga nasa pamamahala. Ito ay upang mamuhay tayo ng payapa at tahimik sa lahat ng gawaing maka-Diyos at karapat-dapat na pag-ugali. 3 Sapagkat ito ay mabuti at katanggap-tanggap sa harapan ng Diyos na ating Tagapagligtas. 4 Inibig niyang iligtas ang mga tao at upang sila ay makaalam ng katotohanan. 5 Ito ay sapagkat may iisang Diyos at iisang Tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. Siya ay ang taong si Cristo Jesus. 6 Ibinigay niya ang kaniyang sarili bilang pantubos para sa lahat ng tao, isang patotoo sa takdang panahon. 7 Dahil dito itinalaga ako ng Diyos na maging mangangaral at apostol. Nagsasalita ako ng katotohanan na na kay Cristo at hindi ako nagsisinungaling. Itinalaga niya ako upang magturo ng pananampalataya at katotohanan sa mga Gentil.
8 Kaya nga, ninais ko na ang mga lalaki ay manalangin sa lahat ng dako na itinataas ang kanilang mga kamay na banal na walang poot o pagtatalo.
9 Gayundin naman, ninais ko na gayakan ang mga babae ang kanilang sarili, manamit ng maayos, maging mahinhin at ginagamit nang maayos ang pag-iisip. Hindi dapat na nakatirintas ang buhok, o nagsusuot ng ginto, o perlas o mga mamahaling damit. 10 Sa halip, dapat na magsuot sila ng mga mabubuting gawa. Ito ay nararapat sa mga babaeng nagsasabing sumasamba sila sa Diyos.
11 Ang isang babae ay dapat na matutong tumahimik na may pagpapasakop. 12 Hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo o mamuno sa lalaki. Sa halip siya ay maging tahimik. 13 Ang dahilan nito ay nilikha muna ng Diyos si Adan, saka niya nilikha si Eva. 14 Hindi nadaya si Adan. Ngunit nang ang babae ay nadaya, siya ang nasa pagsalangsang. 15 Ngunit maililigtas siya sa pamamagitan ng pagsilang ng sanggol kung sila ay magpapatuloy sa pananampalataya, pag-ibig at kabanalan na ginagamit nang maayos ang pag-iisip.
1 Timoteo 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Tagubilin tungkol sa Pananalangin
2 Una sa lahat, hinihimok ko kayong ipanalangin ang lahat ng tao. Idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, dalangin, pagsamo at pasasalamat para sa kanila. 2 Ipanalangin ninyo ang mga hari at ang lahat ng may mataas na tungkulin, upang tayo ay mamuhay nang tahimik, payapa, marangal at may kabanalan. 3 Ito'y mabuti at kinalulugdan ng Diyos na ating Tagapagligtas. 4 Ibig niyang ang lahat ay maligtas at makaalam sa katotohanan. 5 Iisa ang Diyos at iisa ang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus. 6 Ibinigay niya ang kanyang sarili bilang pantubos para sa lahat; isang patotoong pinatunayan sa takdang panahon. 7 Ito ang dahilan kung bakit ako'y hinirang na maging tagapangaral at apostol, tagapagturo ng pananampalataya at katotohanan sa mga Hentil. Totoo ang sinasabi kong ito, at hindi ako nagsisinungaling!
8 Ibig kong ang mga lalaki sa lahat ng dako ay manalangin nang may malinis na puso,[a] walang sama ng loob at galit sa kapwa. 9 Nais ko rin na ang mga babae'y magdamit nang maayos, marangal at nararapat. Hindi kinakailangang sila'y maging marangya sa kanilang pananamit at ayos ng buhok, o kaya nama'y nasusuotan ng mamahaling alahas na gawa sa ginto o perlas. 10 Sa halip, ang maging gayak nila ay mabubuting gawa, gaya ng nararapat sa mga babaing itinuturing na maka-Diyos. 11 Ang babae'y dapat matahimik na tumanggap ng aral at lubos na magpasakop. 12 Hindi ko pinahihintulutan ang babae na magturo o mamuno sa lalaki. Dapat siyang manatiling tahimik. 13 Sapagkat si Adan ang unang nilalang bago si Eva. 14 At hindi si Adan ang nadaya. Ang babae ang nadaya at nagkasala. 15 Ngunit maliligtas ang babae sa pamamagitan ng pagsisilang ng sanggol, kung magpapatuloy siya sa pananampalataya, pag-ibig, kabanalan at maayos na pamumuhay.
Footnotes
- 1 Timoteo 2:8 manalangin...malinis na puso: Sa Griyego, manalanging nakataas ang banal na kamay.
1 Timoteo 2
Ang Biblia (1978)
2 Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na (A)manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;
2 Ang mga hari at (B)ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.
3 Ito'y (C)mabuti at nakalulugod sa paningin (D)ng Dios na ating Tagapagligtas;
4 Na siyang (E)may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at (F)mangakaalam ng katotohanan.
5 Sapagka't may isang Dios at (G)may (H)isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,
6 Na ibinigay (I)ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag (J)sa sariling kapanahunan;
7 Na dito'y itinalaga ako na tagapangaral at (K)apostol (sinasabi ko ang katotohanan, hindi ako nagsisinungaling), (L)guro sa mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan.
8 Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin (M)sa bawa't dako, na iunat ang mga (N)kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo.
9 Gayon din naman, na (O)ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;
10 Kundi (P)(siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
11 Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.
12 Nguni't hindi ko ipinahihintulot na (Q)ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.
13 Sapagka't si Adam ay siyang unang (R)nilalang, saka si Eva;
14 At si Adam ay hindi nadaya, kundi (S)ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;
15 Nguni't ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon.
1 Timothy 2
King James Version
2 I exhort therefore, that, first of all, supplications, prayers, intercessions, and giving of thanks, be made for all men;
2 For kings, and for all that are in authority; that we may lead a quiet and peaceable life in all godliness and honesty.
3 For this is good and acceptable in the sight of God our Saviour;
4 Who will have all men to be saved, and to come unto the knowledge of the truth.
5 For there is one God, and one mediator between God and men, the man Christ Jesus;
6 Who gave himself a ransom for all, to be testified in due time.
7 Whereunto I am ordained a preacher, and an apostle, (I speak the truth in Christ, and lie not;) a teacher of the Gentiles in faith and verity.
8 I will therefore that men pray every where, lifting up holy hands, without wrath and doubting.
9 In like manner also, that women adorn themselves in modest apparel, with shamefacedness and sobriety; not with broided hair, or gold, or pearls, or costly array;
10 But (which becometh women professing godliness) with good works.
11 Let the woman learn in silence with all subjection.
12 But I suffer not a woman to teach, nor to usurp authority over the man, but to be in silence.
13 For Adam was first formed, then Eve.
14 And Adam was not deceived, but the woman being deceived was in the transgression.
15 Notwithstanding she shall be saved in childbearing, if they continue in faith and charity and holiness with sobriety.
Copyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
