1 Tesalonica 5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Maging Handa sa Pagbalik ng Panginoon
5 Mga kapatid, hindi ko na kailangang isulat pa sa inyo kung kailan mangyayari ang mga bagay na ito, 2 dahil alam na ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay katulad ng pagdating ng isang magnanakaw sa gabi. 3 Mangyayari ito habang inaakala ng mga tao na mapayapa at ligtas ang kalagayan nila. Biglang darating ang kapahamakan nila katulad ng pagsumpong ng sakit na nararamdaman ng babaeng manganganak na. At hindi sila makakaligtas. 4 Ngunit kayo, mga kapatid ay hindi namumuhay sa kadiliman. Kaya hindi kayo mabibigla sa araw ng pagbabalik ng Panginoon katulad ng pagkabigla ng isang tao sa pagdating ng magnanakaw. 5 Dahil namumuhay na kayong lahat sa liwanag at hindi sa kadiliman. 6 Kaya nga, huwag tayong maging pabaya katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili. 7 Sapagkat ang taong namumuhay sa kadiliman ay katulad ng taong pabaya na natutulog o katulad ng lasing na walang pagpipigil sa sarili.[a] 8 Pero dahil namumuhay na tayo sa liwanag, dapat ay may pagpipigil tayo sa sarili. Gawin natin bilang panangga sa dibdib ang pananampalataya at pag-ibig, at bilang helmet naman ang pag-asa natin sa pagliligtas sa atin ng Dios. 9 Sapagkat hindi tayo itinalaga ng Dios para sa kaparusahan, kundi para sa pagtatamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 10 Namatay siya para sa atin, para kahit buhay pa tayo o patay na sa pagbalik niya ay mabuhay tayo sa piling niya. 11 Dahil dito, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.
Mga Pangwakas na Bilin at Pagbati
12 Hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na pahalagahan ninyo ang mga naglilingkod sa inyo na pinili ng Panginoon para mamuno at mangaral sa inyo. 13 Ibigay nʼyo sa kanila ang lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa gawain nila. Mamuhay kayo nang may mabuting pakikitungo sa isaʼt isa.
14 Nakikiusap kami sa inyo, mga kapatid, na pagsabihan nʼyo ang mga tamad. Palakasin ang mga mahihina sa pananampalataya nila. Maging mapagpasensya kayo sa lahat. 15 Huwag na huwag ninyong gagantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, sa halip, sikapin ninyong makagawa ng mabuti sa isaʼt isa at sa lahat. 16 Lagi kayong magalak, 17 laging manalangin, 18 at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus.
19 Huwag ninyong hadlangan ang ginagawa ng Banal na Espiritu, 20 at huwag ninyong hamakin ang mga pahayag ng Dios. 21 Sa halip, suriin ninyong mabuti ang lahat para malaman kung galing ito sa Dios o hindi. Panghawakan nʼyo ang mabuti, 22 at iwasan ang lahat ng uri ng kasamaan.
23 Pakabanalin nawa kayong lubos ng Dios na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawaʼy panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong pagkatao – ang espiritu, kaluluwa at katawan – hanggang sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 24 Tapat ang Dios na tumawag sa inyo, at gagawin niya itong mga sinasabi namin.
25 Ipanalangin nʼyo rin kami, mga kapatid.
26 Magiliw ninyong batiin ang lahat ng mga kapatid diyan.[b]
27 Iniuutos ko sa inyo, sa pangalan ng Panginoon, na basahin ninyo ang liham na ito sa lahat ng mga kapatid.
28 Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Jesu-Cristo.
1 Tesalonica 5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Mga kapatid, hindi na namin kayo kailangang sulatan kung kailan mangyayari ang lahat ng ito. 2 Alam ninyo na tulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi ang pagdating ng Araw ng Panginoon. 3 Habang sinasabi ng mga taong “Tiwasay at mapayapa ang lahat,” biglang darating sa kanila ang kapahamakan. Walang makaiiwas sapagkat ang pagdating nito'y gaya ng pagsakit ng tiyan ng isang babaing manganganak. 4 Ngunit wala na kayo sa kadiliman, mga kapatid, kaya hindi na kayo mabibigla sa pagdating ng araw na iyon na darating ngang tulad ng magnanakaw. 5 Sapagkat kayong lahat ay mga anak ng liwanag at anak ng araw. Hindi tayo pag-aari ng gabi o ng dilim. 6 Kaya huwag tayong tumulad sa ibang mga natutulog. Sa halip, kailangang tayo'y manatiling gising, laging handa at malinaw ang pag-iisip. 7 Karaniwang natutulog ang tao sa gabi, at sa gabi rin karaniwang naglalasing. 8 Ngunit dahil tayo'y nasa panig ng araw, dapat maging malinaw ang ating isip, suot ang pananampalataya at pag-ibig bilang panangga sa dibdib, pati na rin ang helmet ng pag-asa sa kaligtasan. 9 Hindi tayo itinakda ng Diyos sa parusa, kundi upang tumanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 10 Namatay siya para sa atin upang kung buháy man tayo o patay ay mabuhay tayong kasama niya. 11 Kaya nga patatagin ninyo at palakasin ang loob ng bawat isa tulad ng ginagawa na ninyo.
Mga Huling Tagubilin at Pagbati
12 Hinihiling namin, mga kapatid, na igalang ninyo ang mga pinuno ninyong nagpapakahirap sa pamamahala at pangangaral sa inyo alang-alang sa Panginoon. 13 Pag-ukulan ninyo sila ng angkop na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Mamuhay kayo nang mapayapa sa bawat isa. 14 Pinapakiusapan din namin kayo, mga kapatid, na paalalahanan ang mga tamad, palakasin ang mga mahihinang-loob, tulungan ang mga mahihina. Maging matiyaga kayo sa kanilang lahat. 15 Tiyakin ninyo na walang sinuman ang naghihiganti sa gumawa sa inyo ng masama; sa halip, gawin ninyo ang para sa kabutihan ng bawat isa at ng lahat. 16 Magalak kayong lagi. 17 Lagi kayong manalangin. 18 Ipagpasalamat ninyo sa Diyos ang lahat ng pangyayari, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo kay Cristo Jesus. 19 Huwag ninyong patayin ang alab ng Espiritu. 20 Huwag ninyong hamakin ang mga propesiya. 21 Suriin ninyong mabuti ang lahat ng bagay; panghawakan ninyo ang mabubuti. 22 Layuan ninyo ang lahat ng anyo ng kasamaan.
23 Nawa ang Diyos ng kapayapaan ang siyang magpabanal sa lahat sa inyo. Nawa'y manatiling walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang inyong espiritu, kaluluwa, at katawan, hanggang sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 24 Tapat ang tumatawag sa inyo, at gagawin niya ang mga ito.
25 Ipanalangin din ninyo kami, mga kapatid.
26 Batiin ninyo ang mga kapatid na may banal na halik. 27 Ipangako ninyo sa pangalan ng Panginoon na babasahin ninyo ang sulat na ito sa lahat ng kapatid.
28 Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesus.
1 Tesalonica 5
Ang Biblia (1978)
5 Datapuwa't tungkol sa (A)mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, (B)hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.
2 Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating (C)ng kaarawan ng Panginoon ay (D)gaya ng magnanakaw sa gabi.
3 Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y (E)darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.
4 Nguni't kayo, (F)mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:
5 Sapagka't kayong lahat (G)ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;
6 (H)Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi (I)tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.
7 Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; (J)at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.
8 Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, (K)na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.
9 Sapagka't tayo'y (L)hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,
10 Na (M)namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.
11 Dahil dito (N)kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.
12 Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, (O)na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at (P)nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;
13 At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. (Q)Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.
14 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, (R)alalayan ang mga mahihina, (S)at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.
15 (T)Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.
16 (U)Mangagalak kayong lagi;
17 Magsipanalangin kayong (V)walang patid;
18 Sa lahat ng mga bagay ay (W)magpasalamat kayo; sapagka't ito (X)ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
19 Huwag ninyong patayin (Y)ang ningas ng Espiritu;
20 Huwag ninyong hamakin (Z)ang mga panghuhula;
21 Subukin ninyo ang (AA)lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;
22 Layuan ninyo ang (AB)bawa't anyo ng masama.
23 At pakabanalin (AC)kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong (AD)espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan (AE)sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.
24 (AF)Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.
25 Mga kapatid, (AG)idalangin ninyo kami.
26 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng (AH)banal na halik.
27 Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid (AI)ang sulat na ito.
28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.
1 Thessalonians 5
New International Version
The Day of the Lord
5 Now, brothers and sisters, about times and dates(A) we do not need to write to you,(B) 2 for you know very well that the day of the Lord(C) will come like a thief in the night.(D) 3 While people are saying, “Peace and safety,”(E) destruction will come on them suddenly,(F) as labor pains on a pregnant woman, and they will not escape.(G)
4 But you, brothers and sisters, are not in darkness(H) so that this day should surprise you like a thief.(I) 5 You are all children of the light(J) and children of the day. We do not belong to the night or to the darkness. 6 So then, let us not be like others, who are asleep,(K) but let us be awake(L) and sober.(M) 7 For those who sleep, sleep at night, and those who get drunk, get drunk at night.(N) 8 But since we belong to the day,(O) let us be sober, putting on faith and love as a breastplate,(P) and the hope of salvation(Q) as a helmet.(R) 9 For God did not appoint us to suffer wrath(S) but to receive salvation through our Lord Jesus Christ.(T) 10 He died for us so that, whether we are awake or asleep, we may live together with him.(U) 11 Therefore encourage one another(V) and build each other up,(W) just as in fact you are doing.
Final Instructions
12 Now we ask you, brothers and sisters, to acknowledge those who work hard(X) among you, who care for you in the Lord(Y) and who admonish you. 13 Hold them in the highest regard in love because of their work. Live in peace with each other.(Z) 14 And we urge you, brothers and sisters, warn those who are idle(AA) and disruptive, encourage the disheartened, help the weak,(AB) be patient with everyone. 15 Make sure that nobody pays back wrong for wrong,(AC) but always strive to do what is good for each other(AD) and for everyone else.
16 Rejoice always,(AE) 17 pray continually,(AF) 18 give thanks in all circumstances;(AG) for this is God’s will for you in Christ Jesus.
19 Do not quench the Spirit.(AH) 20 Do not treat prophecies(AI) with contempt 21 but test them all;(AJ) hold on to what is good,(AK) 22 reject every kind of evil.
23 May God himself, the God of peace,(AL) sanctify you through and through. May your whole spirit, soul(AM) and body be kept blameless(AN) at the coming of our Lord Jesus Christ.(AO) 24 The one who calls(AP) you is faithful,(AQ) and he will do it.(AR)
25 Brothers and sisters, pray for us.(AS) 26 Greet all God’s people with a holy kiss.(AT) 27 I charge you before the Lord to have this letter read to all the brothers and sisters.(AU)
28 The grace of our Lord Jesus Christ be with you.(AV)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

