1 Tesalonica 4:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Kaya, ang sinumang humamak sa aral na ito ay humahamak, hindi sa tao, kundi sa Diyos na siyang nagkakaloob sa atin ng kanyang Espiritu Santo.
9 Tungkol naman sa pag-ibig na dapat iukol sa mga kapatid, hindi na kailangang paalalahanan pa kayo dahil itinuro na sa inyo ng Diyos kung paano kayo magmahalan. 10 At ito na nga ang ginagawa ninyo sa mga kapatid sa buong Macedonia. Gayunman, ipinapakiusap pa rin namin sa inyo, mga kapatid, na pag-ibayuhin pa ninyo ang inyong pag-ibig.
Read full chapter
1 Tesalonica 4:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Dahil dito, ang taong tumatanggi sa aral na ito ay tumatanggi hindi sa tao kundi sa Diyos na nagkakaloob sa inyo ng kanyang Banal na Espiritu.
9 Tungkol naman sa pag-iibigan ng magkakapatid sa pananampalataya, hindi na ito kailangang isulat sa inyo sapagkat kayo mismo ay tinuruan ng Diyos na magmahalan sa bawat isa. 10 Katunayan, ginagawa na ninyo ito sa mga kapatid sa buong Macedonia. Gayunman, mga kapatid, ipinakikiusap pa rin namin sa inyong pag-ibayuhin pa ang inyong pag-ibig.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.