1 Tesalonica 3:8-10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
8 Nabuhayan kami ng loob dahil nananatili kayong matatag sa Panginoon. 9 Paano namin mapapasalamatan ang Dios sa lahat ng kagalakang dulot ninyo sa amin dahil sa inyong pananampalataya? 10 Araw-gabi, taimtim naming ipinapanalangin na makasama ulit kayo para maturuan kayo at mapunan namin ang anumang kakulangan sa inyong pananampalataya.
Read full chapter
1 Tesalonica 3:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Mabubuhayan kami ng loob kung mananatiling matatag ang inyong paninindigan sa Panginoon. 9 Paano kami makakapagpasalamat nang lubusan sa Diyos sa kaligayahang nararanasan namin sa harap ng Diyos dahil sa inyo? 10 Mataimtim ang dalangin namin araw at gabi na makita namin kayong muli at lalo pa kayong matulungan sa anumang pagkukulang sa inyong pananampalataya.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
