1 Tesalonica 3:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Ngunit(A) si Timoteo ay dumating na sa amin mula sa inyo, at nagdala sa amin ng magandang balita tungkol sa inyong pananampalataya at pag-ibig. Sinabi rin niya sa amin na lagi ninyo kaming naaalala at nananabik na makita kami na gaya naman namin na nananabik na makita kayo.
7 Dahil dito'y naaliw kami, mga kapatid, sa lahat ng aming kalungkutan at paghihirap sa pamamagitan ng inyong pananampalataya.
8 Sapagkat ngayon ay nabubuhay kami, kung kayo'y maninindigang matibay sa Panginoon.
Read full chapter
1 Tesalonica 3:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Ngunit ngayo'y nakabalik na dito si Timoteo at dala ang Magandang Balita tungkol sa inyong pananampalataya at pag-ibig. Ibinalita rin niya sa amin na laging maganda ang inyong alaala sa amin at nasasabik na kami'y makitang muli, gaya ng pananabik naming makita kayo. 7 Kaya nga, mga kapatid, sumigla ang aming kalooban sa gitna ng aming pagkabalisa at mga hirap dahil sa inyong pananampalataya kay Cristo. 8 Mabubuhayan kami ng loob kung mananatiling matatag ang inyong paninindigan sa Panginoon.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
