1 Tesalonica 1:2-4
Ang Biblia (1978)
2 (A)Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat, (B)na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin;
3 Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, (C)ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at (D)pagtitiis sa pagasa sa ating (E)Panginoong Jesucristo;
4 Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, (F)ang pagkahirang sa inyo,
Read full chapter
1 Tesalonica 1:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pananampalataya ng mga Taga-Tesalonica
2 Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y binabanggit namin kayo sa aming dalangin. 3 Sa mga dalangin nami'y ginugunita namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang gawain ninyo na bunga ng pananampalataya, ang inyong pagsisikap dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiyaga dahil sa inyong matibay na pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo. 4 Alam namin, mga kapatid na minamahal ng Diyos, na siya ang humirang sa inyo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.