1 Samuel 9
Ang Biblia (1978)
Si Saul ay nagtanong kay Samuel.
9 May isang lalake nga sa Benjamin, na ang pangala'y (A)Cis, na anak ni Abiel, na anak ni Seor, na anak ni Bechora, na anak ni Aphia, na anak ng isang Benjamita, na isang makapangyarihang lalake na may tapang.
2 At siya'y may isang anak na lalake, na ang pangala'y Saul, isang bata at makisig: at sa mga anak ni Israel ay walang lalong makisig na lalake kay sa kaniya: (B)mula sa kaniyang mga balikat at hanggang sa paitaas ay lalong mataas siya kay sa sinoman sa bayan.
3 At ang mga asno ni Cis na ama ni Saul ay nawala. At sinabi ni Cis kay Saul na kaniyang anak, Ipagsama mo ngayon ang isa sa mga bataan, at ikaw ay tumindig, at hanapin mo ang mga asno.
4 At siya'y nagdaan sa lupaing maburol ng Ephraim, at nagdaan sa lupain ng (C)Salisa, nguni't hindi nila nangasumpungan: nang magkagayo'y nagdaan sila sa lupain ng Saalim, at wala roon: at sila'y nagdaan sa lupain ng mga Benjamita, nguni't hindi nila nangasumpungan doon.
5 Nang sila'y dumating sa lupain ng Suph, ay sinabi ni Saul sa kaniyang bataan na kasama niya, Halina at bumalik tayo, baka walaing bahala ng aking ama ang mga asno at ang alalahanin ay tayo.
6 At sinabi niya sa kaniya, Narito, may isa ngang (D)lalake ng Dios sa bayang ito, at siya'y isang lalaking may dangal; (E)lahat ng kaniyang sinasabi ay tunay na nangyayari: ngayo'y pumaroon tayo; marahil ay masasaysay niya sa atin ang tungkol sa ating paglalakbay kung saan tayo paroroon.
7 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang bataan, Nguni't narito, kung tayo'y pumaroon, ano ang ating (F)dadalhin sa lalake? sapagka't naubos na ang tinapay sa ating mga buslo, at wala na tayong madadalang kaloob sa lalake ng Dios: anong mayroon tayo?
8 At sumagot uli ang bataan kay Saul, at nagsabi, Narito, mayroon ako sa aking kamay na ikaapat na bahagi ng isang siklong pilak: iyan ang aking ibibigay sa lalake ng Dios, upang saysayin sa atin ang ating paglalakbay.
9 (Nang una sa Israel, pagka ang (G)isang lalake ay mag-uusisa sa Dios, ay ganito ang sinasabi, Halika, at tayo'y pumaroon sa (H)tagakita: sapagka't yaon ngang tinatawag na Propeta ngayon ay tinatawag nang una na Tagakita.)
10 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang bataan, Mabuti ang sinasabi mo; halika, tayo'y pumaroon. Sa gayo'y naparoon sila sa bayang kinaroroonan ng lalake ng Dios.
11 Samantalang inaahon nila ang ahunan sa bayan ay (I)nakasalubong sila ng mga dalagang lumalabas upang umigib ng tubig, at sinabi nila sa kanila, Narito ba ang tagakita?
12 At sila'y sumagot sa kanila, at nagsabi, Siya'y nariyan, narito, nasa unahan mo: magmadali kayo ngayon, sapagka't siya'y naparoon ngayon sa bayan; sapagka't ang bayan ay may (J)hain ngayon (K)sa mataas na dako.
13 Pagkapasok ninyo sa bayan, ay agad masusumpungan ninyo siya, bago siya umahon sa mataas na dako upang kumain; sapagka't ang bayan ay hindi kakain hanggang sa siya'y dumating, sapagka't kaniyang binabasbasan ang hain; at pagkatapos ay kumakain ang mga inanyayahan. Kaya nga umahon[a] kayo; sapagka't sa oras na ito'y inyong masusumpungan siya.
14 At sila'y umahon sa bayan; at pagpasok nila sa bayan, narito, si Samuel ay nasasalubong nila, na papaahon sa mataas na dako.
15 Inihayag nga ng (L)Panginoon kay Samuel isang araw bago si Saul ay naparoon, na sinasabi,
16 Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalake na mula sa lupain ng Benjamin, (M)at iyong papahiran siya ng langis upang maging pangulo sa aking bayang Israel; at kaniyang ililigtas ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo: sapagka't aking (N)tiningnan ang aking bayan, dahil sa ang kanilang daing ay sumapit sa akin.
17 At nang makita ni Samuel si Saul, ay sinabi ng Panginoon sa kaniya, (O)Narito ang lalake na aking sinalita sa iyo! ito nga ang magkakaroon ng kapangyarihan sa aking bayan.
18 Nang magkagayo'y lumapit si Saul kay Samuel sa pintuang-bayan, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin, kung saan nandoon ang bahay ng tagakita.
19 At sumagot si Samuel kay Saul, at nagsabi, Ako ang tagakita; umahon kang magpauna sa akin sa mataas na dako, sapagka't kakain kang kasalo ko ngayon: at sa kinaumagahan ay payayaunin kita, at sasaysayin ko sa iyo ang lahat na nasa loob mo.
20 (P)At tungkol sa iyong mga asno na may tatlong araw ng nawawala ay huwag mong alalahanin; sapagka't nasumpungan na. At kanino ang buong pagnanasa sa Israel? Hindi ba sa iyo, at sa buong sangbahayan ng iyong ama?
21 At si Saul ay sumagot, at nagsabi, Hindi ba ako Benjamita, sa (Q)pinakamaliit na lipi ng Israel? at ang (R)aking angkan ang pinakamababa sa mga angkan ng lipi ng Benjamin? bakit nga nagsasalita ka sa akin ng ganitong paraan?
22 At ipinagsama ni Samuel si Saul at ang kaniyang bataan, at ipinasok niya sila sa kabahayan, at pinaupo sila sa pinakapangulong dako sa gitna niyaong mga naanyayahan, na may tatlong pung katao.
23 At sinabi ni Samuel sa tagapagluto, Dalhin mo rito ang bahagi na ibinigay ko sa iyo, na siyang aking sinabi sa iyo, Ilagay mo ito sa iyo.
24 At itinaas nga ng tagapagluto ang (S)hita, at yaong nakapatong, at inilagay sa harap ni Saul. At sinabi ni Samuel, Narito, siya ngang itinago! ilagay mo sa harap mo at iyong kanin; sapagka't iningatan sa takdang panahon na ukol sa iyo, sapagka't aking sinabi, Aking inanyayahan ang bayan. Sa gayo'y kumain si Saul na kasalo ni Samuel nang araw na yaon.
25 At nang sila'y makalusong sa bayan mula sa mataas na dako, siya'y nakipagpulong kay Saul sa (T)bubungan ng bahay.
26 At sila'y bumangong maaga: at nangyari sa pagbubukang liwayway, na tinawag ni Samuel si Saul sa bubungan, na sinasabi, Bangon, upang mapagpaalam kita. At si Saul ay bumangon, at lumabas kapuwa sila, siya at si Samuel.
27 At nang sila'y lumalabas sa hangganan ng bayan, ay sinabi ni Samuel kay Saul, Sabihin mo sa bataang magpauna sa atin (at siya'y nagpauna,) nguni't tumigil ka (U)sa oras na ito, upang maiparinig ko sa iyo ang salita ng Dios.
Footnotes
- 1 Samuel 9:13 tal. 27.
1 Samuel 9
La Bible du Semeur
Saül rencontre Samuel
9 Un homme de la tribu de Benjamin nommé Qish avait pour ancêtres en ligne ascendante : Abiel, Tseror, Bekorath et Aphiah, qui descendaient d’un Benjaminite. Qish était un guerrier valeureux. 2 Il avait un fils nommé Saül. C’était un beau jeune homme[a], aucun Israélite n’avait plus belle allure que lui ; il les dépassait tous de la tête.
3 Un jour, les ânesses de son père s’égarèrent et Qish lui dit : Mon fils, emmène l’un des serviteurs et pars à la recherche des ânesses !
4 Saül parcourut la région montagneuse d’Ephraïm, puis le territoire de Shalisha sans les trouver. Ensuite ils traversèrent la région de Shaalim sans succès, puis le pays de Benjamin, toujours sans trouver les ânesses.
5 Arrivés au territoire de Tsouph, Saül dit au serviteur qui l’accompagnait : Viens, nous allons rentrer, sinon mon père va s’inquiéter à notre sujet sans plus penser aux ânesses.
6 Le serviteur lui répondit : Attends, il y a justement dans cette ville[b] un homme de Dieu très considéré ; tout ce qu’il annonce arrive immanquablement. Allons le voir ! Peut-être nous indiquera-t-il par quel chemin continuer notre route.
7 – D’accord, allons-y ! dit Saül. Mais qu’est-ce que nous apporterons à cet homme ? Nos provisions sont épuisées et nous n’avons aucun cadeau que nous puissions offrir à l’homme de Dieu. Il ne nous reste plus rien.
8 Le serviteur lui répondit : Il se trouve que j’ai encore sur moi une petite pièce d’argent[c], je la donnerai à l’homme de Dieu et il nous indiquera le chemin à prendre.
9 Autrefois en Israël, quand on allait consulter Dieu, on disait : « Venez, allons chez l’homme qui reçoit des révélations ! » C’était là le nom par lequel on désignait ceux qu’on appelle aujourd’hui des « prophètes ». 10 Saül dit à son serviteur : Tu as raison ! Allons-y !
Et ils se dirigèrent vers la ville où habitait l’homme de Dieu.
11 Pendant qu’ils gravissaient la montée qui mène vers la ville, ils croisèrent des jeunes filles qui en descendaient pour aller puiser de l’eau. Ils leur demandèrent : L’homme qui reçoit des révélations est-il là ?
12 – Oui, lui répondirent-elles, il est là-haut, droit devant vous ! Mais dépêchez-vous, il vient d’arriver en ville car il y a aujourd’hui un sacrifice pour le peuple sur le haut lieu. 13 Dès que vous serez entrés dans la ville, vous allez le trouver avant qu’il monte sur le haut lieu pour le repas[d] ; car le peuple ne se mettra pas à table avant son arrivée, parce que c’est lui qui doit bénir le sacrifice ; après cela, les invités prendront part au repas. Si vous montez tout de suite, vous le trouverez sûrement.
Dieu amène Saül auprès de Samuel
14 Ils montèrent donc à la ville. Au moment où ils y pénétrèrent par la porte, Samuel sortait dans leur direction pour monter au haut lieu. 15 Or, la veille, l’Eternel avait fait cette révélation à Samuel : 16 « Demain, à cette même heure, lui avait-il dit, je t’enverrai un homme du territoire de Benjamin, tu lui conféreras l’onction pour l’établir chef de mon peuple Israël, et il le délivrera des Philistins, car j’ai vu la misère de mon peuple, et j’ai entendu sa plainte. »
17 Dès que Samuel aperçut Saül, l’Eternel l’avertit : Voici l’homme dont je t’ai dit qu’il gouvernerait mon peuple.
18 Saül aborda Samuel au milieu de la porte et lui demanda : Peux-tu m’indiquer où est la maison de l’homme qui reçoit des révélations ?
19 Samuel lui répondit : C’est moi cet homme qui reçoit des révélations ! Passe devant moi et montons au haut lieu. Ton serviteur et toi, vous mangerez avec moi aujourd’hui ; demain matin, je te laisserai repartir après avoir répondu à toutes les questions qui te préoccupent. 20 Quant aux ânesses disparues il y a trois jours, ne t’en inquiète plus ; elles sont retrouvées. D’ailleurs, à qui est réservé tout ce qu’il y a de précieux en Israël ? N’est-ce pas à toi et à toute ta famille ?
21 Saül répliqua : Que dis-tu là ? Ne suis-je pas un Benjaminite, de la plus petite des tribus d’Israël, et ma famille n’est-elle pas la moins importante de toutes celles de ma tribu ? Pourquoi parles-tu donc de cette manière ?
22 Samuel emmena Saül et son serviteur et les fit entrer dans la salle du festin. Il les installa à la place d’honneur au milieu d’une trentaine d’invités. 23 Ensuite, il ordonna au cuisinier : Sors pour lui le morceau de viande que je t’ai remis pour que tu le mettes de côté.
24 Le cuisinier apporta le gigot et sa garniture[e] et le déposa devant Saül pendant que Samuel lui dit : Voici la part qui t’a été réservée. Sers-toi et mange, car, pour cette occasion, elle a été gardée exprès pour toi, lorsque j’ai invité le peuple.
Ainsi Saül mangea avec Samuel ce jour-là. 25 Puis ils redescendirent ensemble du haut lieu à la ville, et Samuel s’entretint avec Saül sur la terrasse de sa maison.
Samuel confère la royauté à Saül et lui donne ses instructions
26 Le lendemain, au lever du jour, Samuel appela Saül sur la terrasse : Mets-toi en route, et je prendrai congé de toi.
Saül se leva et se mit en route. Il sortit en compagnie de Samuel. 27 Quand ils arrivèrent à la limite de la ville, Samuel dit à Saül : Ordonne à ton serviteur d’aller devant nous.
Le serviteur s’éloigna.
– Maintenant, tiens-toi là et je te ferai savoir ce que Dieu a dit.
Footnotes
- 9.2 Autre traduction : homme d’élite.
- 9.6 Probablement Rama où résidait Samuel (7.17 ; 8.4).
- 9.8 En hébreu : un quart de sicle, le sicle valant 12 g.
- 9.13 Repas qui accompagnait certains sacrifices (1.4 ; 2.13-16 ; Dt 12.6-7).
- 9.24 Traduction incertaine. La version syriaque a : la queue. Cette partie était normalement réservée au prêtre (Ex 29.22, 27 ; Lv 7.32-33, 35 ; Nb 6.20 ; 18.18).
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
La Bible Du Semeur (The Bible of the Sower) Copyright © 1992, 1999 by Biblica, Inc.®
Used by permission. All rights reserved worldwide.
