1 Samuel 7
Ang Biblia, 2001
Ang Kaban ay Dinala sa Kiryat-jearim
7 Ang(A) mga tao sa Kiryat-jearim ay dumating at iniahon ang kaban ng Panginoon, at dinala sa bahay ni Abinadab sa burol; at kanilang itinalaga si Eleazar na kanyang anak upang ingatan ang kaban ng Panginoon.
2 Mula nang araw na ilagay ang kaban sa Kiryat-jearim ay lumipas ang mahabang panahon, mga dalawampung taon at ang buong sambahayan ng Israel ay tumaghoy sa Panginoon.
Namuno si Samuel sa Israel
3 Nagsalita si Samuel sa buong sambahayan ng Israel, “Kung kayo'y nanunumbalik sa Panginoon nang inyong buong puso ay inyo ngang alisin ang ibang mga diyos at ang mga Astarot na nasa inyo. Ituon ninyo ang inyong mga puso sa Panginoon, at sa kanya lamang kayo maglingkod at ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Filisteo.”
4 Kaya't inalis ng mga anak ni Israel ang mga Baal at ang mga Astarot, at ang Panginoon lamang ang kanilang pinaglingkuran.
Nagtagumpay si Samuel Laban sa Filisteo
5 Sinabi ni Samuel, “Tipunin ninyo ang buong Israel sa Mizpa at idadalangin ko kayo sa Panginoon.”
6 Kaya't sila'y nagtipun-tipon sa Mizpa, umigib ng tubig, ibinuhos sa harap ng Panginoon, at nag-ayuno nang araw na iyon. Sinabi nila roon, “Kami ay nagkasala laban sa Panginoon.” At naghukom si Samuel sa mga anak ni Israel sa Mizpa.
7 Nang mabalitaan ng mga Filisteo na ang mga anak ni Israel ay nagtipon sa Mizpa, umahon laban sa Israel ang mga panginoon ng mga Filisteo. Nang mabalitaan iyon ng mga anak ni Israel, sila ay natakot sa mga Filisteo.
8 Sinabi ng mga anak ni Israel kay Samuel, “Huwag kang tumigil ng pagsamo para sa atin sa Panginoon nating Diyos, upang iligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo.”
9 Kumuha si Samuel ng isang korderong pasusuhin at inihandog bilang buong handog na sinusunog sa Panginoon. Dumaing si Samuel sa Panginoon para sa Israel; at ang Panginoon ay sumagot sa kanya.
10 Samantalang si Samuel ay naghahandog ng handog na sinusunog, lumapit ang mga Filisteo upang lumusob sa Israel; ngunit ang Panginoon ay nagpakulog ng isang malakas na kulog nang araw na iyon sa mga Filisteo at nilito sila. Sila'y nabuwal sa harap ng Israel.
11 Ang mga lalaki ng Israel ay lumabas sa Mizpa at hinabol ang mga Filisteo at pinatay sila hanggang sa ibaba ng Betcar.
12 Nang magkagayo'y kumuha si Samuel ng isang bato at inilagay sa pagitan ng Mizpa at ng Sen. Tinawag ang pangalan nito na Ebenezer[a] sapagkat sinasabi niya, “Hanggang dito'y tinulungan tayo ng Panginoon.”
13 Kaya't nagapi ang mga Filisteo at hindi na muling pumasok sa nasasakupan ng Israel. Ang kamay ng Panginoon ay laban sa Filisteo sa lahat ng mga araw ni Samuel.
14 Ang mga bayang sinakop ng mga Filisteo sa Israel ay ibinalik sa Israel, mula sa Ekron hanggang sa Gat; at binawi ng Israel ang kanilang nasasakupan mula sa kamay ng mga Filisteo. Nagkaroon din ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at ng mga Amoreo.
15 Naghukom si Samuel sa Israel sa lahat ng mga araw ng kanyang buhay.
16 Siya'y nagpalibut-libot taun-taon sa Bethel, Gilgal, at Mizpa; at naghukom siya sa Israel sa mga lugar na ito.
17 Pagkatapos ay bumabalik siya sa Rama, sapagkat naroroon ang kanyang tahanan, at doon ay pinapangasiwaan din niya ang katarungan sa Israel. Nagtayo siya roon ng isang dambana sa Panginoon.
Footnotes
- 1 Samuel 7:12 Samakatuwid ay batong pangtulong .
1 Samuel 7
English Standard Version
7 And the men of Kiriath-jearim came and took up the ark of the Lord and brought it to the house of (A)Abinadab on the hill. And they consecrated his son Eleazar to have charge of the ark of the Lord. 2 From the day that the ark was lodged at Kiriath-jearim, a long time passed, some twenty years, and all the house of Israel lamented after the Lord.
Samuel Judges Israel
3 And Samuel said to all the house of Israel, (B)“If you are returning to the Lord with all your heart, then (C)put away the foreign gods and the (D)Ashtaroth from among you and (E)direct your heart to the Lord (F)and serve him only, and he will deliver you out of the hand of the Philistines.” 4 So the people of Israel put away the Baals and the Ashtaroth, and they served the Lord only.
5 Then Samuel said, “Gather all Israel at (G)Mizpah, and I will pray to the Lord for you.” 6 So they gathered at (H)Mizpah (I)and drew water and poured it out before the Lord (J)and fasted on that day and said there, (K)“We have sinned against the Lord.” And Samuel judged the people of Israel at Mizpah. 7 Now when the Philistines heard that the people of Israel had gathered at Mizpah, the lords of the Philistines went up against Israel. And when the people of Israel heard of it, they were afraid of the Philistines. 8 And the people of Israel said to Samuel, “Do not cease to cry out to the Lord our God for us, that he may save us from the hand of the Philistines.” 9 So Samuel took a nursing lamb and offered it as a whole burnt offering to the Lord. And (L)Samuel cried out to the Lord for Israel, and the Lord answered him. 10 As Samuel was offering up the burnt offering, the Philistines drew near to attack Israel. (M)But the Lord thundered with a mighty sound that day against the Philistines and threw them into confusion, and they were defeated before Israel. 11 And the men of Israel went out from Mizpah and pursued the Philistines and struck them, as far as below Beth-car.
12 Then Samuel (N)took a stone and set it up between Mizpah and Shen[a] and called its name Ebenezer;[b] for he said, “Till now the Lord has helped us.” 13 (O)So the Philistines were subdued and did not again enter the territory of Israel. And the hand of the Lord was against the Philistines all the days of Samuel. 14 The cities that the Philistines had taken from Israel were restored to Israel, from Ekron to Gath, and Israel delivered their territory from the hand of the Philistines. There was peace also between Israel and the Amorites.
15 (P)Samuel judged Israel all the days of his life. 16 And he went on a circuit year by year to Bethel, Gilgal, and Mizpah. And he judged Israel in all these places. 17 Then he would return to (Q)Ramah, for his home was there, and there also he judged Israel. (R)And he built there an altar to the Lord.
Footnotes
- 1 Samuel 7:12 Hebrew; Septuagint, Syriac Jeshanah
- 1 Samuel 7:12 Ebenezer means stone of help
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.