1 Samuel 28:20
Ang Biblia (1978)
20 Nang magkagayo'y biglang nabulagta si Saul sa lupa, at siya'y natakot na mainam, dahil sa mga salita ni Samuel; at nawalan siya ng lakas; sapagka't hindi siya kumain ng tinapay buong araw, ni buong gabi man.
Read full chapter
1 Samuel 31:13
Ang Biblia (1978)
13 At kanilang kinuha ang kanilang mga buto at (A)ibinaon sa ilalim ng isang (B)puno ng tamarisko sa Jabes, at (C)nagayuno silang pitong araw.
Read full chapter
Nehemias 9:1-2
Ang Biblia (1978)
Ang panalangin ng mga Levita sa pagkilala sa mga nagdaang kahabagan ng Panginoon.
9 Nang ikadalawang pu't apat na araw nga ng (A)buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may (B)pananamit na magaspang, (C)at may lupa sa ulo nila.
2 (D)At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan, at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang.
Read full chapter
Joel 2:12
Ang Biblia (1978)
Ang tawag sa pagaayuno at pananalangin.
12 Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, (A)magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na (B)may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978