1 Pedro 5:1-3
Magandang Balita Biblia
Pangangalaga at Pagiging Handa
5 Sa matatandang namumuno sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang pinuno ng iglesya na tulad ninyo, bilang saksi sa mga paghihirap ni Cristo at sapagkat makakabahagi ako sa karangalang malapit nang ipahayag. 2 Pangalagaan(A) ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Gawin ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. [Iyan ang nais ng Diyos].[a] Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, 3 hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa kayo sa kawan.
Read full chapterFootnotes
- 1 Pedro 5:2 Iyan ang nais ng Diyos: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
1 Pedro 5:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pangangalaga sa Kawan ng Diyos
5 Sa mga pinuno[a] sa inyo, nananawagan ako bilang kapwa pinuno at saksi sa mga pagdurusa ni Cristo, at bilang kabahagi sa karangalang ihahayag, nakikiusap ako 2 na (A) alagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Pamahalaan ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, gaya ng nais ng Diyos.[b] Gawin ninyo ito hindi dahil sa pag-ibig sa salapi, kundi dahil sa pagnanais na maglingkod, 3 hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi bilang halimbawa sa kawan.
Read full chapterFootnotes
- 1 Pedro 5:1 Sa Griyego, matatanda.
- 1 Pedro 5:2 Wala ito sa ibang mga manuskrito.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.