Add parallel Print Page Options

Sa mga Matanda at mga Kabataang Lalaki

Ang mga matanda na nasa inyo ay pinagtatagubilinan ko bilang isa ring matanda na nakasaksi sa mga paghihirap ni Cristo at bilang kabahagi rin ng kaluwalhatiang ihahayag.

Ipinamamanhik kong pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Pangasiwaan ninyo sila, hindi dahil sa napipilitan kayo kundi kusang-loob, hindi dahil sa kasa­kiman sa pagkakamal ng salapi sa masamang paraan kundi sa paghahangad na makapaglingkod.

Read full chapter