Add parallel Print Page Options

Dalisay na Pamumuhay ng Mag-asawa

Gayundin(A) naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyu-inyong sariling asawa, kahit na ang ilan sa kanila ay hindi sumusunod sa salita, upang mahikayat nang walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kani-kanilang asawang babae;

kapag nakikita nila ang dalisay at magalang ninyong pag-uugali.

Ang(B) inyong kagayakan ay huwag maging panlabas na pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng ginto, o pagbibihis ng maringal na damit.

Sa halip, ay ang panloob na pagkatao na may kagandahang walang paglipas, ng isang mahinhin at maamong espiritu na napakahalaga sa paningin ng Diyos.

Sapagkat nang unang panahon ay ganito ginayakan ng mga banal na babae na umaasa sa Diyos ang kanilang sarili, at sila'y nagpasakop sa kani-kanilang mga asawa,

tulad(C) nang pagsunod ni Sarah kay Abraham, na kanyang tinawag na panginoon. At kayo ngayon ay mga anak niya kung gumagawa kayo ng mabuti, at hindi kayo natatakot sa anumang pananakot.

Gayundin(D) naman kayong mga lalaki, maging mapagbigay kayo sa inyu-inyong mga asawa sa inyong pagsasama, na binibigyan ng karangalan ang babae bilang isang mas marupok na sisidlan, yamang sila man ay tagapagmana rin ng biyaya ng buhay, upang walang makahadlang sa inyong mga panalangin.

Pagdurusa Dahil sa Paggawa ng Mabuti

Katapus-tapusan, magkaisa kayong lahat sa pag-iisip, maging madamayin, mapagmahal sa mga kapatid, mababait at may mapagpakumbabang pag-iisip.

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama, o ng pag-alipusta ang pag-alipusta, kundi ng pagpapala; sapagkat ukol dito kayo'y tinawag, upang kayo'y magmana ng pagpapala.

10 Sapagkat,(E)

“Ang nagmamahal sa buhay,
    at nais makakita ng mabubuting araw,
ay magpigil ng kanyang dila sa masama,
    at ang kanyang mga labi ay huwag magsalita ng daya,
11 lumayo siya sa masama at gumawa ng kabutihan;
    hanapin niya ang kapayapaan, at ito'y lakaran.
12 Sapagkat ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid,
    at ang kanyang mga tainga ay bukas sa kanilang mga panalangin.
Ngunit ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga gumagawa ng masama.”

13 At sino ang gagawa ng masama sa inyo kung kayo'y masigasig sa paggawa ng mabuti?

14 Subalit(F) magdusa man kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo. Huwag kayong matakot sa kanilang pananakot, ni mabahala,

15 kundi(G) sa inyong mga puso ay pakabanalin ninyo si Cristo bilang Panginoon. Lagi kayong maging handa na ipagtanggol sa bawat taong humihingi sa inyo ng katuwiran ang tungkol sa pag-asang nasa inyo,

16 ngunit gawin ito nang may kaamuan at paggalang.[a] Ingatan ninyong malinis ang budhi, upang kapag kayo ay inalipusta, ang mga nagsasalita ng laban sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo ay mapahiya.

17 Sapagkat mas mabuting magdusa dahil sa paggawa ng mabuti kung iyon ay kalooban ng Diyos, kaysa magdusa dahil sa paggawa ng masama.

18 Sapagkat si Cristo man ay minsang nagdusa[b] dahil sa mga kasalanan, ang isang matuwid dahil sa mga di-matuwid, upang kayo[c] ay madala niya sa Diyos. Siya ay pinatay sa laman, ngunit binuhay sa espiritu;

19 sa gayundin, siya ay pumunta at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,

20 na(H) noon ay mga suwail, nang ang Diyos ay matiyagang naghintay noong mga araw ni Noe, habang ginagawa ang daong, na noon ay kakaunti, samakatuwid ay walong kaluluwa, ang naligtas sa pamamagitan ng tubig.

21 At ang bautismo, na siyang kalarawan nito, ang nagliligtas sa inyo ngayon, hindi sa pag-aalis ng karumihan ng laman, kundi bilang paghiling sa Diyos ng isang malinis na budhi, sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo,

22 na umakyat sa langit at nasa kanan ng Diyos, na ipinasakop sa kanya ang mga anghel, ang mga kapamahalaan at ang mga kapangyarihan.

Footnotes

  1. 1 Pedro 3:16 o takot .
  2. 1 Pedro 3:18 Sa ibang mga kasulatan ay namatay .
  3. 1 Pedro 3:18 Sa ibang mga kasulatan ay tayo .

Tungkol sa Mag-asawa

(A) Sa gayunding paraan, kayong mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, upang kung sila'y hindi pa sumusunod sa salita, ay mahihikayat din sila kahit walang salita kapag nakita nila ang inyong magandang asal, at kapag nakita nila ang inyong pamumuhay na malinis at may takot sa Diyos. Ang (B) kagandahan ninyo ay huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, ang pagandahin ninyo ay ang nakatagong pagkatao, isang hiyas na walang kupas, maamo at mapayapang diwa, bagay na napakahalaga sa paningin ng Diyos. Iyan ang kagandahang ipinakita ng mga banal na babae noong unang panahon. Umasa sila sa Diyos at nagpasakop sa kanilang mga asawa. Tulad (C) ni Sarah, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si Abraham. Kayo rin ay mga anak ni Sarah kung tama ang inyong ginagawa at kayo'y hindi nagpapadaig sa takot.

(D) Sa gayunding paraan, kayong mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhan nang may paggalang ang inyong asawa, tulad sa mas mahinang kasangkapan. Sila'y inyong kapwa tagapagmana sa kaloob na walang hanggang buhay. Gawin ninyo ito at walang magiging sagabal sa inyong mga panalangin.

Pagdurusa Dahil sa Paggawa ng Mabuti

Bilang pagtatapos, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan kayo bilang magkakapatid, maging mahabagin at maging mapagpakumbaba. Huwag ninyong gantihan ng masama ang gawang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila sapagkat ito ang dahilan ng pagtawag sa inyo, at kayo'y tatanggap ng pagpapala. 10 Sapagkat, (E) sa nasusulat,

“Sinumang nagpapahalaga sa buhay,
    at nais makakita ng mabubuting araw,
    dila'y pigilin sa pagsasabi ng kasamaan.
    at sa kanyang labi'y dapat walang panlilinlang,
11 lumayo siya sa masama at gumawa ng kabutihan;
    hanapin niya ang kapayapaan, at ito'y kanyang sundan.
12 Ang mata ng Panginoo'y nakatuon sa mga matuwid,
    at ang kanilang panalangin ay kanyang dinirinig.
Ngunit sa mga taong gumagawa ng masama.
Panginoo'y nagagalit at hindi natutuwa.”

13 At sino naman ang gagawa ng masama sa inyo kung nagsisikap kayong gumawa ng mabuti? 14 Subalit (F) magdusa man kayo dahil sa paggawa ng mabuti, pinagpala kayo. Huwag kayong matakot at huwag kayong mag-alala sa maaari nilang gawin sa inyo. 15 (G) Sa inyong mga puso ay italaga ninyo si Cristo bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magtanggol sa harap ng sinumang humihingi sa inyo ng paliwanag tungkol sa pag-asang taglay ninyo. 16 Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at magalang. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang sinumang humahamak sa inyong magandang asal bunga ng inyong pakikipag-isa kay Cristo. 17 Sapagkat mabuti pang magdusa sa paggawa ng mabuti, kung ito'y kalooban ng Diyos, kaysa magdusa dahil sa paggawa ng masama. 18 Sapagkat si Cristo ay minsan lamang namatay dahil sa mga kasalanan, siya na walang kasalanan para sa mga makasalanan upang maiharap kayo[a] sa Diyos. Namatay siya ayon sa laman, ngunit muling binuhay ayon sa espiritu. 19 Sa ganitong kalagayan, nagtungo siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo, 20 mga (H) espiritung sumuway noong matiyagang naghihintay ang Diyos nang panahon ni Noe, habang ginagawa nito ang barko. Iilang tao, walo lamang noon ang nakaligtas sa pamamagitan ng tubig. 21 Ang tubig na iyon ang inilalarawan ng bautismong nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi ito paglilinis ng dungis ng katawan kundi bilang paghiling sa Diyos ng isang malinis na budhi, sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Cristo. 22 Siya'y umakyat sa langit at ngayo'y nasa kanan ng Diyos. Ang mga anghel, mga kapamahalaan at mga kapangyarihan ay nagpapasakop sa kanya.

Footnotes

  1. 1 Pedro 3:18 Sa ibang manuskrito tayo.

Gayon din naman, (A)kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, (B)kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng (C)ugali ng kanikaniyang asawang babae;

Sa pagkamasid nila ng inyong (D)ugaling mahinhin na may takot.

Na (E)huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit;

Kundi (F)ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios.

Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, (G)na pasakop sa kanikaniyang asawa;

Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan.

(H)Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan (I)ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: (J)upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.

Katapustapusan, (K)kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, (L)mangagibigang tulad sa magkakapatid, (M)mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:

(N)Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, (O)o ng alipusta ang pagalipusta; kundi (P)ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.

10 Sapagka't,

(Q)Ang magnais umibig sa buhay,
At makakita ng mabubuting araw,
Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama,
At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:
11 At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti;
Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan.
12 Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing:
Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.

13 At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?

14 Datapuwa't (R)kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran (S)ay mapapalad kayo: at (T)huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o (U)huwag kayong mangagulo;

15 Kundi (V)inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: (W)na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa (X)kaamuan at (Y)takot:

16 Na taglay (Z)ang mabuting budhi; (AA)upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang (AB)nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng (AC)pamumuhay kay Cristo.

17 Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.

18 Sapagka't si Cristo man ay (AD)nagbata ring (AE)minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, (AF)upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay (AG)sa laman, nguni't (AH)binuhay (AI)sa espiritu;

19 Na iyan din ang kaniyang iniyaon at (AJ)nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,

20 Na nang unang panahon ay mga suwail, (AK)na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang (AL)inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:

21 Na ayon sa tunay (AM)na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y (AN)ang bautismo, hindi sa pagaalis (AO)ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng (AP)isang mabuting budhi sa Dios, (AQ)sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;

22 Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na (AR)ipinasakop (AS)sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.

Marriage and its challenges

In the same way, let me say a word to the women. You should be subject to your husbands, so that if there should be some who disobey the word, they may be won, without a word, through the behavior of their wives, as they notice you conducting yourselves with reverence and purity. The beauty you should strive for ought not to be the external sort—elaborate hairdressing, gold trinkets, fine clothes! Rather, true beauty is the secret beauty of the heart, of a sincere, gentle and quiet spirit. That is very precious to God. That is how the holy women of old, who hoped in God, used to make themselves beautiful in submission to their husbands. Take Sarah, for instance, who obeyed Abraham and called him “Master.” You are her children if you do good and have no fear of intimidation.

You men, in the same way, think out how to live with your wives. Yes, they are physically weaker than you, but they deserve full respect. They are heirs of the grace of life, just the same as you. That way nothing will obstruct your prayers.

The new way of life

The aim of this is for you all to be like-minded, sympathetic and loving to one another, tender-hearted and humble. Don’t repay evil for evil, or slander for slander, but rather say a blessing. This is what you were called to, so that you may inherit a blessing.

10 For the one who wants to love life and see good days
should guard the tongue from evil, and the lips from speaking deceit;
11 should turn away from evil and do good;
should seek peace, and follow after it.
12 For the Lord’s eyes are upon the righteous, and his ears are open to their prayer,
but the face of the Lord is against those who do evil.

13 Who is there, then, to harm you if you are eager to do what is right? 14 But if you do suffer because of your righteous behavior, God’s blessing is upon you! “Don’t fear what they fear; don’t be disturbed.” 15 Sanctify the Messiah as Lord in your hearts, and always be ready to make a reply to anyone who asks you to explain the hope that is in you. 16 Do it, though, with gentleness and respect. Hold on to a good conscience, so that when people revile your good behavior in the Messiah they may be ashamed.

Suffering for doing right

17 It’s better to suffer for good conduct (if God so wills it) than for bad. 18 For the Messiah, too, suffered once for sins, the just for the unjust, so that he might bring you to God. He was put to death in the flesh, but made alive by the spirit. 19 In the spirit, too, he went and made the proclamation to the spirits in prison 20 who had earlier on been disobedient during the days of Noah, when God waited in patience. Noah built the ark, in which a few people, eight in fact, were rescued through water. 21 That functions as a signpost for you, pointing to baptism, which now rescues you—not by washing away fleshly pollution, but by the appeal to God of a good conscience, through the resurrection of Jesus the Messiah. 22 He has gone into heaven and is at God’s right hand, with angels, authorities and powers subject to him.