1 Pedro 3:7-9
Magandang Balita Biblia
7 Kayo(A) namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina. At sila'y kasama ninyong tatanggap ng buhay na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito upang walang maging sagabal sa inyong mga panalangin.
Paghihirap Dahil sa Paggawa ng Matuwid
8 Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.
Read full chapter
1 Pedro 3:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
7 (A) Sa gayunding paraan, kayong mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhan nang may paggalang ang inyong asawa, tulad sa mas mahinang kasangkapan. Sila'y inyong kapwa tagapagmana sa kaloob na walang hanggang buhay. Gawin ninyo ito at walang magiging sagabal sa inyong mga panalangin.
Pagdurusa Dahil sa Paggawa ng Mabuti
8 Bilang pagtatapos, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan kayo bilang magkakapatid, maging mahabagin at maging mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang gawang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila sapagkat ito ang dahilan ng pagtawag sa inyo, at kayo'y tatanggap ng pagpapala.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
