1 Pedro 1:11-13
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
11 Ipinahayag na sa kanila ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila, na maghihirap siya bago parangalan. Kaya patuloy sa pagsasaliksik ang mga propeta noon kung kailan at kung papaano ito mangyayari. 12 Ipinahayag din sa kanila na ang mga bagay na ipinaalam nila ay hindi para sa ikabubuti nila kundi para sa atin.[a] At ngayon, napakinggan nʼyo na sa mga nangangaral ng Magandang Balita ang mga ipinahayag nila. Nagsalita sila sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritung sinugo sa kanila mula sa langit. Kahit ang mga anghel noon ay nagnais na maunawaan ang Magandang Balitang ito na ipinangaral sa inyo.
Sundin Ninyo ang Dios
13 Kaya lagi kayong maging handa na gawin ang kalooban ng Dios. Magpakatatag kayo at lubos na umasa na matatanggap nʼyo ang mga pagpapalang ibibigay sa inyo kapag dumating na si Jesu-Cristo.
Read full chapterFootnotes
- 1:12 atin: sa literal, inyo.
1 Pedro 1:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
11 Sinuri nila kung kailan at kanino matutupad ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang kanyang unang ipahayag ang mga pagdurusang mararanasan ni Cristo at ang kaluwalhatian pagkatapos nito. 12 Nang ipahayag sa kanila ito, ipinaunawa ng Diyos sa kanila na ang ginagawa nila'y hindi para sa kanila kundi para sa inyo. Sinabi na sa inyo ang mga bagay na ito ng mga nangaral ng Magandang Balita sa pamamagitan ng Banal na Espiritung isinugo mula sa langit. Maging ang mga anghel ay nasasabik na maunawaan ang mga bagay na ito.
Panawagan Tungo sa Banal na Pamumuhay
13 Kaya't ihanda na ninyo ang inyong isipan para sa dapat ninyong gawin.[a] Magpigil kayo sa sarili at lubos na asahan ang pagpapalang mapasasainyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo.
Read full chapterFootnotes
- 1 Pedro 1:13 Sa Griyego, bigkisin ninyo ang mga baywang ng inyong pag-iisip.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.