1 Mga Hari 9
Ang Biblia, 2001
Ang Tipan ng Panginoon kay Solomon(A)
9 At nangyari, nang matapos ni Solomon ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, at ang lahat ng nais ipatayo ni Solomon,
2 ang(B) Panginoon ay nagpakita kay Solomon sa ikalawang pagkakataon, gaya ng pagpapakita niya sa kanya sa Gibeon.
3 At sinabi ng Panginoon sa kanya, “Narinig ko ang iyong dalangin at pagsusumamo na iyong sinabi sa harap ko. Ginawa kong banal ang bahay na ito na iyong itinayo, at inilagay ko ang aking pangalan doon magpakailanman; ang aking mga mata at ang aking puso ay doroong palagi.
4 Tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng paglakad ni David na iyong ama sa katapatan ng puso at sa katuwiran, at gagawa ka ng ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo, at tutuparin mo ang aking mga tuntunin at mga batas,
5 ay(C) akin ngang itatatag ang trono ng iyong kaharian sa Israel magpakailanman, ayon sa aking ipinangako kay David na iyong ama, na sinasabi, ‘Hindi mawawalan sa iyo ng papalit sa trono ng Israel.’
6 “Ngunit kung kayo ay lumihis sa pagsunod sa akin, kayo o ang inyong mga anak, at hindi tuparin ang aking mga utos at mga tuntunin na aking inilagay sa harap ninyo, kundi kayo'y humayo at maglingkod sa ibang mga diyos, at sumamba sa kanila;
7 ay aking ihihiwalay ang Israel sa lupain na aking ibinigay sa kanila. Ang bahay na ito na aking ginawang banal para sa aking pangalan ay aking aalisin sa aking paningin, at ang Israel ay magiging kawikaan at kukutyain sa gitna ng lahat ng tao.
8 At(D) bagaman ang bahay na ito ay mataas, ang bawat magdaan sa kanya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin, ‘Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa bahay na ito?’
9 At sila'y sasagot, ‘Sapagkat kanilang pinabayaan ang Panginoon nilang Diyos na naglabas sa kanilang mga magulang sa lupain ng Ehipto, at yumakap sa ibang mga diyos, at sinamba nila at pinaglingkuran nila; kaya't ipinaranas ng Panginoon sa kanila ang lahat ng kasamaang ito.’”
Ang mga Lunsod na Ibinigay kay Hiram(E)
10 At sa katapusan ng dalawampung taon, nang maitayo ni Solomon ang dalawang gusali, ang bahay ng Panginoon at ang bahay ng hari,
11 at si Hiram na hari ng Tiro ay nagpadala kay Solomon ng mga kahoy na sedro, mga kahoy na sipres, ng ginto, hangga't gusto niya. Binigyan ni Haring Solomon si Hiram ng dalawampung lunsod sa lupain ng Galilea.
12 Ngunit nang dumating si Hiram mula sa Tiro upang tingnan ang mga lunsod na ibinigay ni Solomon sa kanya, hindi niya naibigan ang mga ito.
13 Kaya't kanyang sinabi, “Anong uring mga lunsod itong ibinigay mo sa akin, kapatid ko?” Kaya't tinawag ang mga iyon na lupain ng Cabul,[a] hanggang sa araw na ito.
14 Nagpadala si Hiram ng isang daan at dalawampung talentong ginto sa hari.
15 Ito ang kadahilanan ng sapilitang paggawa na iniatang ni Haring Solomon, upang itayo ang bahay ng Panginoon at ang kanyang bahay, at ang Milo at ang pader ng Jerusalem, ang Hazor, ang Megido, at ang Gezer.
16 Si Faraon na hari ng Ehipto ay umahon at sinakop ang Gezer, at sinunog ng apoy, at pinatay ang mga Cananeo na nakatira sa lunsod, at ibinigay iyon bilang dote sa kanyang anak na babae na asawa ni Solomon.
17 Kaya't itinayong muli ni Solomon ang Gezer, ang ibabang Bet-horon,
18 ang Baalat, ang Tamar sa ilang, sa lupain ng Juda,
19 ang lahat ng lunsod na imbakan na pag-aari ni Solomon, ang mga lunsod para sa kanyang mga karwahe, ang mga lunsod para sa kanyang mga mangangabayo, ang anumang naisin ni Solomon na itayo sa Jerusalem, sa Lebanon, at sa lahat ng lupaing sakop niya.
20 Ang lahat ng mga taong naiwan sa mga Amoreo, mga Heteo, mga Perezeo, mga Heveo, at sa mga Jebuseo, na hindi kabilang sa mga anak ng Israel;
21 ang kanilang mga anak na naiwan sa lupain pagkamatay nila na hindi nalipol ng mga anak ni Israel, ay ginawa ni Solomon na mga sapilitang alipin, hanggang sa araw na ito.
22 Ngunit sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Solomon, kundi sila'y mga lalaking mandirigma, mga lingkod, mga pinuno, mga punong-kawal, at mga pinuno sa kanyang mga karwahe, at sa kanyang mga mangangabayo.
23 Ito ang mga punong kapatas na nangasiwa sa gawain ni Solomon, limang daan at limampu na namumuno sa mga manggagawa.
24 Ngunit ang anak na babae ni Faraon ay umahon mula sa lunsod ni David patungo sa kanyang bahay na itinayo ni Solomon para sa kanya, pagkatapos ay itinayo niya ang Milo.
25 Tatlong(F) ulit sa isang taon naghahandog si Solomon ng mga handog na sinusunog at ng mga handog pangkapayapaan sa ibabaw ng dambana na kanyang itinayo para sa Panginoon, at nagsusunog ng insenso sa harap ng Panginoon. Sa gayon ay natapos niya ang bahay.
Hukbong-Dagat ni Solomon
26 Nagpagawa si Haring Solomon ng mga barko sa Ezion-geber na malapit sa Elot, sa baybayin ng Dagat na Pula, sa lupain ng Edom.
27 Nagpadala si Hiram ng mga sasakyan ng kanyang mga tauhan, na mga mandaragat na bihasa sa karagatan, kasama ng mga tauhan ni Solomon.
28 At sila'y pumaroon sa Ofir at kumuha mula roon ng ginto, na apatnaraan at dalawampung talento, at dinala ang mga iyon kay Haring Solomon.
Footnotes
- 1 Mga Hari 9:13 Maaaring “walang kabuluhan” ang kahulugan.
1 Kings 9
English Standard Version
The Lord Appears to Solomon
9 (A)As soon as Solomon had finished building the house of the Lord (B)and the king's house and (C)all that Solomon desired to build, 2 (D)the Lord appeared to Solomon a second time, as he had appeared to him at Gibeon. 3 And the Lord said to him, “I have heard your prayer and your plea, which you have made before me. I have consecrated this house that you have built, (E)by putting my name there forever. (F)My eyes and my heart will be there for all time. 4 And as for you, if you will (G)walk before me, (H)as David your father walked, with integrity of heart and uprightness, doing according to all that I have commanded you, and keeping my statutes and my rules, 5 (I)then I will establish your royal throne over Israel forever, as I promised David your father, saying, ‘You shall not lack a man on the throne of Israel.’ 6 (J)But if you turn aside from following me, you or your children, and do not keep my commandments and my statutes that I have set before you, but go and serve other gods and worship them, 7 (K)then I will cut off Israel from the land that I have given them, (L)and the house that I have consecrated for my name I will cast out of my sight, (M)and Israel will become a proverb and a byword among all peoples. 8 And this house will become a heap of ruins.[a] Everyone passing by it will be astonished and will hiss, and they will say, (N)‘Why has the Lord done thus to this land and to this house?’ 9 Then they will say, ‘Because (O)they abandoned the Lord their God who brought their fathers out of the land of Egypt and laid hold on other gods and worshiped them and served them. Therefore the Lord has brought all this disaster on them.’”
Solomon's Other Acts
10 (P)At the end of (Q)twenty years, in which Solomon had built the two houses, the house of the Lord and the king's house, 11 and Hiram king of Tyre had supplied Solomon with cedar and cypress timber and gold, as much as he desired, King Solomon gave to Hiram twenty cities in the land of Galilee. 12 But when Hiram came from Tyre to see the cities that Solomon had given him, they did not please him. 13 Therefore he said, “What kind of cities are these that you have given me, my brother?” So they are called the land of (R)Cabul to this day. 14 Hiram had sent to the king 120 talents[b] of gold.
15 And this is the account of (S)the forced labor that King Solomon drafted to build the house of the Lord and his own house and (T)the Millo and the wall of Jerusalem and (U)Hazor and (V)Megiddo and Gezer 16 (Pharaoh king of Egypt had gone up and captured Gezer and burned it with fire, and had killed (W)the Canaanites who lived in the city, and had given it as dowry to (X)his daughter, Solomon's wife; 17 so Solomon rebuilt Gezer) and (Y)Lower Beth-horon 18 and Baalath and Tamar in the wilderness, in the land of Judah,[c] 19 and all the store cities that Solomon had, and (Z)the cities for his chariots, and the cities for (AA)his horsemen, and whatever Solomon (AB)desired to build in Jerusalem, in Lebanon, and in all the land of his dominion. 20 All the people who were left of the Amorites, the Hittites, the Perizzites, the Hivites, and the Jebusites, who were not of the people of Israel— 21 (AC)their descendants who were left after them in the land, (AD)whom the people of Israel were unable to devote to destruction[d]—(AE)these Solomon drafted to be (AF)slaves, and so they are to this day. 22 But (AG)of the people of Israel Solomon made no slaves. They were the soldiers, they were his officials, his commanders, his captains, his chariot commanders and his horsemen.
23 These were the chief officers who were over Solomon's work: (AH)550 (AI)who had charge of the people who carried on the work.
24 But (AJ)Pharaoh's daughter went up from the city of David to (AK)her own house that Solomon had built for her. (AL)Then he built (AM)the Millo.
25 Three times a year Solomon used to offer up burnt offerings and peace offerings on the altar that he built to the Lord, making offerings with it[e] before the Lord. So he finished the house.
26 King Solomon built a fleet of ships at (AN)Ezion-geber, which is near Eloth on the shore of the Red Sea, in the land of Edom. 27 And Hiram sent (AO)with the fleet his servants, seamen who were familiar with the sea, together with the servants of Solomon. 28 And they went to (AP)Ophir and brought from there gold, 420 talents, and they brought it to King Solomon.
Footnotes
- 1 Kings 9:8 Syriac, Old Latin; Hebrew will become high
- 1 Kings 9:14 A talent was about 75 pounds or 34 kilograms
- 1 Kings 9:18 Hebrew lacks of Judah
- 1 Kings 9:21 That is, set apart (devote) as an offering to the Lord (for destruction)
- 1 Kings 9:25 Septuagint lacks with it
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.

