Add parallel Print Page Options

31 Kung ang isang tao ay magkasala laban sa kaniyang kapuwa, at papanumpain siya upang siya'y sumumpa, (A)at siya'y pumarito at manumpa sa harap ng iyong dambana sa bahay na ito:

32 Dinggin mo nga sa langit, at iyong gawin, at hatulan mo ang iyong mga lingkod, na iyong parusahan ang masama, (B)upang iyong dalhin ang kaniyang lakad sa kaniyang sariling ulo; at ariing-ganap ang matuwid, upang bigyan siya ng ayon sa kaniyang katuwiran.

33 Pagka ang iyong bayang Israel ay nasaktan sa harap ng kaaway, (C)dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo; kung sila'y bumalik sa iyo, at ipahayag ang iyong pangalan, (D)at dumalangin at pumanhik sa iyo sa bahay na ito:

Read full chapter