Font Size
1 Mga Hari 8:26-28
Ang Biblia, 2001
1 Mga Hari 8:26-28
Ang Biblia, 2001
26 Ngayon, O Diyos ng Israel, idinadalangin ko sa iyo na pagtibayin mo ang iyong salita na iyong sinabi sa iyong lingkod na si David na aking ama.
27 Ngunit(A) totoo bang maninirahan ang Diyos sa lupa? Sa langit at sa pinakamataas na langit ay hindi ka magkakasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!
28 Gayunma'y iyong pahalagahan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kanyang samo, O Panginoon kong Diyos, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harapan mo sa araw na ito;
Read full chapter