Print Page Options

Ang Paghahari ni Abiam sa Juda(A)

15 Noong ikalabing walong taon ng paghahari sa Israel ni Jeroboam na anak ni Nebat, naging hari naman ng Juda si Abiam na anak ni Rehoboam kay Maaca na anak ni Absalom. Tatlong taon siyang naghari, at sa Jerusalem siya nanirahan. Sumunod siya sa masasamang halimbawa ng kanyang ama, at hindi sa halimbawa ni David na kanyang ninuno. Hindi siya naging tapat kay Yahweh na kanyang Diyos. Gayunman,(B) alang-alang kay David, ang kanyang angkan ay pinapanatili ni Yahweh na maghari sa Jerusalem. Pinagkalooban siya ng anak na lalaki na hahalili sa kanya, at iningatan sa kaaway ang Jerusalem. Ginawa(C) ito ni Yahweh sapagkat pawang matuwid sa paningin niya ang mga gawa ni David. Sa buong buhay niya, hindi siya lumabag sa mga utos ni Yahweh, liban sa ginawa niya kay Urias na Heteo. Nagpatuloy(D) ang alitan nina Rehoboam at Jeroboam hanggang sa panahon ni Abiam.

Ang Pagkamatay ni Abiam

Ang iba pang mga ginawa ni Abiam ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Juda.

Nang mamatay si Abiam, siya'y inilibing sa Lunsod ni David at ang anak niyang si Asa ang humalili sa kanya bilang hari.

Read full chapter

Si Abiam ay naghari sa Juda.

15 Nang ikalabing walong (A)taon nga ng haring Jeroboam, na anak ni Nabat, ay nagpasimula si Abiam na maghari sa Juda.

Tatlong taon siyang naghari sa Jerusalem, (B)at ang pangalan ng kaniyang ina ay (C)Maacha na anak ni (D)Abisalom.

At siya'y lumakad sa lahat ng mga kasalanan ng kaniyang ama na ginawa nito na una sa kaniya: at ang kaniyang puso ay hindi sakdal sa Panginoon niyang Dios, na gaya ng puso ni David na kaniyang magulang.

Gayon ma'y dahil kay David ay binigyan siya ng Panginoon na kaniyang Dios ng isang ilawan sa Jerusalem, upang itaas ang kaniyang anak pagkamatay niya, at upang itatag sa Jerusalem:

Sapagka't (E)ginawa ni David ang matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, at hindi lumihis sa anomang bagay na iniutos niya sa kaniya sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, (F)liban lamang sa bagay ni Uria na Hetheo.

Nagkaroon nga ng (G)pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.

(H)At ang iba nga sa mga gawa ni Abiam, at ang lahat niyang ginagawa, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? At nagkaroon ng pagdidigmaan si Abiam at si Jeroboam.

(I)At si Abiam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at inilibing nila siya sa bayan ni David: at si Asa na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Read full chapter
'1 Mga Hari 15:1-8' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

15 Nang ikalabing walong taon nga ng haring Jeroboam, na anak ni Nabat, ay nagpasimula si Abiam na maghari sa Juda.

Tatlong taon siyang naghari sa Jerusalem, at ang pangalan ng kaniyang ina ay Maacha na anak ni Abisalom.

At siya'y lumakad sa lahat ng mga kasalanan ng kaniyang ama na ginawa nito na una sa kaniya: at ang kaniyang puso ay hindi sakdal sa Panginoon niyang Dios, na gaya ng puso ni David na kaniyang magulang.

Gayon ma'y dahil kay David ay binigyan siya ng Panginoon na kaniyang Dios ng isang ilawan sa Jerusalem, upang itaas ang kaniyang anak pagkamatay niya, at upang itatag sa Jerusalem:

Sapagka't ginawa ni David ang matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, at hindi lumihis sa anomang bagay na iniutos niya sa kaniya sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, liban lamang sa bagay ni Uria na Hetheo.

Nagkaroon nga ng pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.

At ang iba nga sa mga gawa ni Abiam, at ang lahat niyang ginagawa, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? At nagkaroon ng pagdidigmaan si Abiam at si Jeroboam.

At si Abiam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at inilibing nila siya sa bayan ni David: at si Asa na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Read full chapter

Abijah King of Judah(A)

15 In the eighteenth year of the reign of Jeroboam son of Nebat, Abijah[a] became king of Judah, and he reigned in Jerusalem three years. His mother’s name was Maakah(B) daughter of Abishalom.[b]

He committed all the sins his father had done before him; his heart was not fully devoted(C) to the Lord his God, as the heart of David his forefather had been. Nevertheless, for David’s sake the Lord his God gave him a lamp(D) in Jerusalem by raising up a son to succeed him and by making Jerusalem strong. For David had done what was right in the eyes of the Lord and had not failed to keep(E) any of the Lord’s commands all the days of his life—except in the case of Uriah(F) the Hittite.

There was war(G) between Abijah[c] and Jeroboam throughout Abijah’s lifetime. As for the other events of Abijah’s reign, and all he did, are they not written in the book of the annals of the kings of Judah? There was war between Abijah and Jeroboam. And Abijah rested with his ancestors and was buried in the City of David. And Asa his son succeeded him as king.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Kings 15:1 Some Hebrew manuscripts and Septuagint (see also 2 Chron. 12:16); most Hebrew manuscripts Abijam; also in verses 7 and 8
  2. 1 Kings 15:2 A variant of Absalom; also in verse 10
  3. 1 Kings 15:6 Some Hebrew manuscripts and Syriac Abijam (that is, Abijah); most Hebrew manuscripts Rehoboam