Add parallel Print Page Options

Buong pagpaparangal na tinanggap ni Onias ang inyong sugo at ipinaalam ang pagkatanggap ng inyong liham na nagpapahayag ng ating kasunduan at pagkakaibigan. At ngayon, bagaman hindi namin kailangan ang ganitong kasunduan, sapagkat sa aming mga banal na aklat natatagpuan namin ang aming kalakasan, 10 sumulat kami upang sariwain ang ating pagkakapatiran at pagkakaibigan. Hindi namin nais na kami'y lubusan ninyong makalimutan; marami na ring taon ang nakakalipas buhat nang kayo'y makipag-ugnayan.

Read full chapter