Add parallel Print Page Options

Napagtagumpayan Natin ang Sanlibutan

Ang bawat sumasampalataya na si Jesus ang siyang Cristo ay anak ng Diyos. At ang sinumang umiibig sa ama ay umiibig din sa anak. Ito ang palatandaang iniibig natin ang mga anak ng Diyos: kung iniibig natin ang Diyos at tinutupad ang kanyang mga utos,

Read full chapter

Ang Pagtatagumpay sa Sanlibutan

Ang sinumang sumasampalatayang si Jesus ang Cristo ay anak na ng Diyos, at ang sinumang nagmamahal sa nagsilang ay nagmamahal din sa isinilang. Ganito natin nalalaman na minamahal natin ang mga anak ng Diyos: kung minamahal natin ang Diyos at sinusunod ang kanyang mga utos.

Read full chapter

Ang sinomang nananampalataya na (A)si Jesus ay siyang Cristo (B)ay ipinanganak ng Dios: at (C)ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.

Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.

Read full chapter

Ang Ating Tagumpay sa Sanlibutan

Ang sinumang sumasampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Diyos, at ang bawat umiibig sa magulang[a] ay umiibig din naman sa anak.

Dito'y ating nakikilala na iniibig natin ang mga anak ng Diyos, kapag iniibig natin ang Diyos at tinutupad natin ang kanyang mga utos.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Juan 5:1 o nanganak .