1 Juan 3:11-13
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Magmahalan Tayo
11 Ito ang aral na narinig ninyo nang sumampalataya kayo: Dapat tayong magmahalan. 12 Huwag nating tularan si Cain, na kampon ng diyablo kaya pinatay niya ang kanyang kapatid. At bakit niya pinatay ang kanyang kapatid? Sapagkat masama ang mga gawa niya, at matuwid naman ang mga gawa ng kanyang kapatid. 13 Kaya huwag kayong magtaka, mga kapatid, kung galit sa inyo ang mga makamundo.
Read full chapter
1 Juan 3:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Magmahalan Tayo
11 Ito ang mensaheng narinig ninyo mula pa noong una: dapat tayong magmahalan. 12 Hindi tayo dapat maging katulad ni Cain na kakampi ng Masama. Pinaslang niya ang kanyang kapatid. Bakit niya ito pinaslang? Sapagkat ang mga gawa niya ay masasama, at ang mga gawa naman ng kanyang kapatid ay matutuwid. 13 Huwag kayong magtaka, mga kapatid, kung napopoot sa inyo ang sanlibutan.
Read full chapter
1 Juan 3:11-13
Ang Dating Biblia (1905)
11 Sapagka't ito ang pasabing inyong narinig buhat ng pasimula, na mangagibigan tayo sa isa't isa:
12 Hindi gaya ni Cain na siya'y sa masama, at pinatay ang kaniyang kapatid. At bakit niya pinatay? Sapagka't ang kaniyang mga gawa ay masasama, at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid.
13 Huwag kayong mangagtaka, mga kapatid, kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
