1 Juan 2:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo.
Ang Bagong Utos
7 Mga(A) minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, kundi ang dating utos na nasa inyo sa simula pa. Ito'y ang mensaheng narinig na ninyo. 8 Ngunit, maituturing na isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo; sapagkat napapawi na ang kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. Ang katotohanan nito'y nasaksihan sa buhay ni Cristo at nakikita rin naman sa atin.
Read full chapter
1 Juan 2:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Ang sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay kung paano namuhay si Jesus.
Ang Bagong Utos
7 Mga minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo. Sa halip, ito ay dating utos na tinanggap na ninyo noong una pa man. Ang utos na ito'y ang salita na inyo nang narinig. 8 Gayunman, bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, na totoong nasa kanya at nasa inyo, sapagkat ang kadiliman ay naglalaho at ang tunay na liwanag ay tumatanglaw na.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.