Add parallel Print Page Options

20 Ang bawat ulo ng dalawang haligi ay napapaligiran ng dalawang hilera na may 200 na palamuti na ang hugis ay parang prutas na pomegranata. Ang palamuting ito ay nasa ibabaw ng bilog na bahagi ng ulo, sa tabi ng mga kadena. 21 Itinayo ni Huram ang mga haligi sa balkonahe ng templo. Ang haligi sa gawing timog ay tinawag niyang Jakin at ang haligi sa gawing hilaga ay tinawag niyang Boaz. 22 Ang hugis ng mga ulo ng mga haligi ay parang mga bulaklak na liryo. At natapos ang pagpapagawa ng mga haligi.

Read full chapter

20 At may mga kapitel naman sa dulo ng dalawang haligi, na malapit sa pinakatiyan na nasa siping ng yaring lambat: at ang mga granada ay dalawang daan, na nahahanay sa palibot sa ikalawang kapitel.

21 At kaniyang itinayo ang mga haligi sa portiko ng templo: at kaniyang itinayo ang kanang haligi, at pinanganlang Jachin:[a] at kaniyang itinayo ang kaliwang haligi, at pinanganlang Boaz.[b]

22 At sa dulo ng mga haligi ay may yaring lila: sa gayo'y ang gawain sa mga haligi ay nayari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Mga Hari 7:21 Sa makatuwid baga'y kaniyang pagtitibayin.
  2. 1 Mga Hari 7:21 Sa makatuwid baga'y sa Kaniya ang katibayan.

20 Ang mga kapitel ay nasa ibabaw ng dalawang haligi at sa itaas ng nakausling pabilog na nasa tabi ng yaring lambat. Ang mga granada ay dalawandaan na dalawang hanay sa palibot; at gayundin sa ibang kapitel.

21 Kanyang itinayo ang mga haligi sa pasilyo ng templo, at kanyang itinayo ang haligi sa timog, at pinangalanang Jakin[a] at kanyang itinayo ang isa pang haligi sa hilaga, at pinangalanang Boaz.[b]

22 At sa ibabaw ng mga haligi ay may mga nililok yaring liryo. Sa gayo'y ang gawain sa mga haligi ay nayari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Mga Hari 7:21 o Kanyang pagtitibayin .
  2. 1 Mga Hari 7:21 o sa Kanya ang katibayan .
'1 Mga Hari 7:20-22' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.