Add parallel Print Page Options

24 Sakop ni Solomon ang buong lupain sa kanlurang Ilog ng Eufrates mula sa Tifsa hanggang sa Gaza. At maganda ang pakikitungo niya sa lahat ng bansa sa palibot niya. 25 Kaya habang nabubuhay si Solomon, may kapayapaan sa Juda at sa Israel, mula Dan hanggang sa Beersheba. Ang bawat tao ay payapang nakaupo sa ilalim ng kanyang tanim na ubas at puno ng igos.

26 May 40,000[a] kwadra si Solomon para sa kanyang mga kabayong pangkarwahe at may 12,000 siyang mangangabayo.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:26 40,000: Sa ibang mga tekstong Septuagint, 4,000. Tingnan din ang 2 Cro. 9:25.
  2. 4:26 siyang mangangabayo: o, mga kabayo.