Add parallel Print Page Options

22 Ang mga guwardya ng pintuan ay 212 lahat, at itinala sila ayon sa talaan ng mga angkan nila sa kanilang bayan. Ang nagbigay ng tungkulin sa kanilang mga ninuno bilang mga guwardya ng pintuan (dahil maaasahan sila) ay sina David at Propeta Samuel. 23 Sila at ang kanilang mga angkan ang pinagkakatiwalaang magbantay sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon – na tinatawag ding Tolda. 24 Nagbabantay sila sa apat na sulok: sa silangan, kanluran, hilaga at timog.

Read full chapter
'1 Paralipomeno 9:22-24' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

22 Lahat ng mga ito na pinili upang maging mga bantay sa pinto sa mga tarangkahan ay dalawandaan at labindalawa. Ang mga ito'y itinalaga ayon sa talaan ng lahi sa kanilang mga nayon na siyang pinagkatiwalaan sa kanilang katungkulan ni David at ni Samuel na tagakita ng pangitain.[a]

23 Kaya't sila at ang kanilang mga anak ay tagapamahala sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon, samakatuwid ay ang bahay ng tolda bilang mga bantay.

24 Ang mga bantay sa pinto ay nasa apat na sulok sa dakong silangan, kanluran, hilaga at timog.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Cronica 9:22 Sa Hebreo ay tagakita .

22 Lahat ng mga ito na mga napili upang maging mga tagatanod-pinto sa mga pintuang-daan ay dalawang daan at labing dalawa. Ang mga ito'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi sa kanilang mga nayon, na siyang pinagkatiwalaan sa kanilang katungkulan ni David at ni Samuel na tagakita.

23 Sa gayo'y sila, at ang kanilang mga anak ay namahala na pinakabantay sa mga pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ng bahay ng tabernakulo, ayon sa paghahalinhinan.

24 Na sa apat na sulok ang mga tagatanod-pinto, sa dakong silanganan, kalunuran, hilagaan, at timugan.

Read full chapter