1 Cronica 9:17-19
Ang Biblia, 2001
Ang Bantay sa Pinto at ang Kanilang Gawain
17 Ang mga bantay sa pinto ay sina Shallum, Acub, Talmon, Ahiman at ang kanilang mga kapatid (si Shallum ang pinuno),
18 na hanggang ngayo'y nananatili sa pintuang-daan ng hari na dakong silangan. Sila ang mga bantay sa pinto sa kampo ng mga anak ni Levi.
19 Si Shallum na anak ni Kora, na anak ni Abiasat, na anak ni Kora, at ang kanyang mga kapatid, sa sambahayan ng kanyang magulang, ang mga Korahita, ang namamahala sa gawaing paglilingkod, mga tagapagbantay ng mga pintuang-daan ng tolda, kung paanong ang kanilang mga ninuno ay mga tagapamahala sa kampo ng Panginoon, na mga bantay ng pasukan.
Read full chapter
1 Cronica 9:17-19
Ang Biblia (1978)
Ang bantay-pinto at ang kanilang gawain.
17 At ang mga tagatanod-pinto: si Sallum, at si Accub, at si Talmon, at si Ahiman: at ang kanilang mga kapatid (si Sallum ang puno),
18 Na hanggang ngayo'y namamalagi (A)sa pintuang-daan ng hari na dakong silanganan: sila ang mga tagatanod-pinto sa kampamento ng mga anak ni Levi.
19 At si Sallum na anak ni Core, na anak ni Abiasath, na anak ni Corah, at ang kaniyang mga kapatid, sa sangbahayan ng kaniyang magulang, ang mga Koraita ay nangamamahala sa gawaing paglilingkod, na mga tagapagingat ng mga pintuang-daan ng tabernakulo; at ang kanilang mga magulang ay nangapasa kampamento ng Panginoon, na mga tagapagingat ng pasukan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.