1 Cronica 8
Magandang Balita Biblia
Ang Lipi ni Benjamin
8 Si Bela ang panganay na anak ni Benjamin, si Asbel ang pangalawa, at si Ahara ang pangatlo. 2 Ang pang-apat ay si Noha, at si Rafa ang panlima. 3 Ang mga anak naman ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud, 4 Abisua, Naaman, Ahoa, 5 Gera, Sefufan at Huram. 6 Ang mga anak naman ni Ehud ang ginawang pinuno ng mga angkang naninirahan sa Geba. Ngunit napilitang lumipat sa Manahat sina 7 Naaman, Ahias at Gera na nanguna sa kanila na siya ring ama nina Uza at Ahihud. 8 Si Saaraim ay nagkaanak sa lupain ng Moab, matapos niyang paalisin ang dalawa niyang asawang sina Husim at Baara. 9 Ito ang mga anak niya kay Hodes: sina Jobab, Sibia, Mesa, Malcam; 10 Jeuz, Sachia at Mirma. Ang mga anak niyang ito ay naging mga pinuno ng kani-kanilang sambahayan. 11 Ang mga anak niya kay Husim ay sina Abitob at Elpaal. 12 Ang mga anak ni Elpaal ay sina Eber, Misam at Semed. Si Semed ang nagtatag ng mga lunsod ng Ono at Lod at mga nayon nito.
Ang Angkan ni Benjamin sa Gat at Ayalon
13 Anak din ni Elpaal sina Berias at Sema na mga pinuno ng sambahayan sa Ayalon. Sila ang nagpalayas sa mga mamamayan ng Gat. 14 Anak ni Beria sina Ahio, Sasac at Jeremot, 15 sina Zebadias, Arad, Adar, 16 Micael, Ispa at Joha.
Ang Angkan ni Benjamin sa Jerusalem at Gibeon
17 Sina Zebadias, Mesulam, Hizki, Heber, 18 Ismerai, Izlia at Jobab ay mga anak naman ni Elpaal. 19 Sina Jaquim, Zicri, Zabdi, 20 Elienai, Zilletai, Eliel, 21 Adaya, Beraya at Simrat ay mga anak naman ni Simei. 22 Mga anak naman ni Sasac sina Ispan, Eber, Eliel, 23 Abdon, Zicri, Hanan, 24 Hananias, Elam, Anatotias, 25 Ifdaya at Penuel. 26 Sina Samserai, Seharia, Atalia, 27 Jaaresias, Elias at Zicri ay mga anak naman ni Jeroham. 28 Lahat sila'y kabilang sa listahan ng mga angkan bilang pinuno ng sambahayan at mga pinunong nakatira sa Jerusalem.
29 Si Jeiel ang nagtatag ng bayan ng Gibeon at doon siya nanirahan. Ang asawa niya'y si Maaca. 30 Ang panganay nilang anak ay si Abdon at ang sumunod ay sina Sur, Kish, Baal, Nadab, 31 Gedor, Ahio, Zequer 32 at Miclot, ama ni Simea. Sila'y nanirahang kasama ng kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem, katapat ng iba nilang angkan.
Ang Angkan ni Haring Saul
33 Si Ner naman ang ama ni Kish na ama ni Saul. Anak ni Saul sina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal. 34 Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama naman ni Mica. 35 Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz. 36 Anak ni Ahaz si Joada at mga anak naman nito sina Alemet, Azmavet at Zimri, na ama naman ni Moza. 37 Anak ni Moza si Binea na ama nina Rafa, Elasa at Azel. 38 Anim ang anak ni Azel, sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan. 39 Si Esec na kapatid ni Azel ay may mga anak din. Ang panganay niya ay si Ulam at ang mga sumunod ay sina Jeus at Elifelet. 40 Ang mga anak ni Ulam ay magigiting na mandirigma at mahuhusay gumamit ng pana. Ang mga anak at apo niya'y umaabot sa 150. Lahat sila'y buhat sa lipi ni Benjamin.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.