Add parallel Print Page Options

Ang Lipi ng mga Pinakapunong Pari

Ang mga anak ni Levi ay sina Gersom, Kohat at Merari. Ang mga anak naman ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron, at Uziel. Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam. Mga anak naman ni Aaron sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar. Anak naman ni Eleazar si Finehas na ama ni Abisua. Anak ni Abisua si Buki na ama ni Uzi. Anak naman ni Uzi si Zerahias na ama ni Meraiot. Anak ni Meraiot si Amarias na ama ni Ahitob. Anak ni Ahitob si Zadok na ama ni Ahimaaz. Anak ni Ahimaaz si Azarias na ama ni Johanan. 10 Anak naman ni Johanan si Azarias, ang paring naglingkod sa Templong itinayo ni Solomon sa Jerusalem. 11 Anak naman ni Azarias si Amarias na ama naman ni Ahitob. 12 Anak ni Ahitob si Zadok na ama ni Sallum. 13 Anak ni Sallum si Hilkias na ama naman ni Azarias. 14 Anak ni Azarias si Seraya na ama ni Jehozadak. 15 Si Jehozadak ay nakasama nang ipatapon ni Yahweh ang Juda at Jerusalem sa pamamagitan ni Nebucadnezar.

Iba pang Angkan ni Levi

16 Ang(A) mga anak ni Levi ay sina Gersom, Kohat at Merari. 17 Anak ni Gersom sina Libni at Simei. 18 Mga anak ni Kohat sina Amram, Izar, Hebron, at Uziel. 19 Ang kay Merari naman ay sina Mahli at Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa kanilang mga magulang.

20 Anak ni Gershon si Libni na ama ni Jahat na ama ni Zima. 21 Anak ni Zima si Joah na ama naman ni Iddo, na ama ni Zara na ama ni Jeatrai.

22 Anak ni Kohat si Aminadab na ama ni Korah na ama ni Asir. 23 Anak ni Asir si Elkana na ama ni Ebiasaf na ama ni Asir. 24 Anak ni Asir si Tahat na ama ni Uriel, ama ni Uzias na ama ni Shaul.

25 Anak naman ni Elkana sina Amasai at Ahimot. 26 Anak ni Ahimot si Elkana na ama ni Zofar na ama ni Nahat. 27 Anak naman ni Nahat si Eliab na ama ni Jeroham na ama ni Elkana na ama ni Samuel.

28 Dalawa ang anak ni Samuel. Si Joel ang panganay at si Abija ang pangalawa.

29 Anak ni Merari si Mahli na ama ni Libni na ama ni Simei na ama ni Uza. 30 Anak naman ni Uza si Simea na ama ni Hagia na ama ni Asaya.

Ang mga Mang-aawit sa Templo

31 Ito ang mga lalaking pinamahala ni David sa mga awitin sa Templo ni Yahweh mula nang dalhin doon ang Kaban ng Tipan. 32 Ginampanan nila ito ayon sa mga tuntuning itinakda ang kanilang mga tungkulin sa tabernakulo ng Toldang Tipanan, hanggang sa itayo ni Solomon ang Templo sa Jerusalem. 33 Ito ang mga angkan na nagsipaglingkod: sa angkan ni Kohat ay kabilang ang tagapangunang si Heman na anak ni Joel na anak ni Samuel. Si Samuel ay 34 anak ni Elkana na apo ni Jeroham na anak ni Eliel na anak ni Toah. Si Toah ay 35 anak ni Zuf na anak ni Elkana na anak ni Mahat na anak ni Amasai. Si Amasai ay 36 anak ni Elkana na anak ni Joel na anak ni Azarias na anak ni Zefanias. Si Zefanias ay 37 anak ni Tahat na anak ni Asir na anak ni Ebiasaf na anak ni Korah. Si Korah ay 38 anak ni Izar na anak ni Kohat na anak ni Levi na anak ni Israel. 39 Nasa gawing kanan ni Heman ang ikalawang koro, ang pangkat ng kapatid niyang si Asaf na anak ni Berequias na anak ni Simea. 40 Si Simea ay anak ni Micael na anak ni Baaseias na anak ni Malquias. Si Malquias ay 41 anak ni Etni na anak ni Zera na anak ni Adaias. Si Adaias ay 42 anak ni Etan na anak ni Zima na anak ni Simei. Si Simei ay 43 anak ni Jahat na anak ni Gershon na anak ni Levi. 44 Nasa gawing kaliwa naman ni Heman ang angkan ni Merari, sa pangunguna ni Etan na anak ni Quisi na anak ni Abdi na anak ni Malluc. Si Malluc ay 45 anak ni Hashabias na anak ni Amazias na anak ni Hilkias. Si Hilkias ay 46 anak ni Amzi na anak ni Bani na anak ni Semer. Si Semer ay 47 anak ni Mahli na anak ni Musi na anak ni Merari na anak ni Levi. 48 Ang kanilang mga kapatid na Levita naman ang inatasan sa iba pang gawain sa Templo.

Ang Angkan ni Aaron

49 Si Aaron naman at ang kanyang mga anak ang nangangasiwa sa pag-aalay sa altar ng mga handog na susunugin at sa altar ng insenso; sa gawain sa Dakong Kabanal-banalan at sa pagtubos sa kasalanan ng Israel, ayon sa iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos. 50 Ito ang mga sumunod pang angkan ni Aaron: Si Eleazar na ama ni Finehas na ama naman ni Abisua; 51 si Buki na ama ni Uzi na ama ni Zerahias; 52 si Meraiot na ama ni Amarias na ama ni Ahitob; 53 at si Zadok na ama ni Ahimaaz.

Ang mga Lunsod ng mga Levita

54-55 Ang mga lugar na inilaan para sa angkan ni Aaron sa angkan ni Kohat ay ang Hebron sa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito. Sila ang binigyan ng unang bahagi ng lupaing itinalaga para sa mga Levita. 56 Ang mga bukirin naman ng lunsod at mga nayong sakop nito ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune. 57 Ibinigay sa mga sumunod na salinlahi ni Aaron ang mga lunsod-kanlungan: ang Lunsod ng Hebron, Libna at ang mga pastulan nito; ang Jatir at Estemoa at ang mga pastulan ng mga ito; 58 ang Hilen at Debir at ang mga pastulan ng mga ito; 59 ang Asan at Beth-semes at ang mga pastulan ng mga ito. 60 Ang ibinigay naman sa lipi ni Benjamin ay ang Geba, Alemet at Anatot, kasama ang mga pastulan sa paligid nito. Labingtatlong lunsod ang nakuha ng kanilang angkan.

61 Sampung lunsod ang nakuha ng iba pang angkan ni Kohat mula sa kalahating lipi ni Manases. 62 Buhat sa lipi nina Isacar, Asher, Neftali at Manases, labingtatlong lunsod lamang sa Bashan ang napunta sa mga anak ni Gershon ayon sa kanilang sambahayan. 63 Sa mga anak ni Merari ayon sa kanilang sambahayan, labindalawa namang lunsod ang nakuha nila buhat sa mga lipi nina Ruben, Gad at Zebulun. 64 Ang mga Levita ay binigyan ng mga Israelita ng mga lunsod at mga pastulan. 65 Ang mga lunsod na ito, na mula sa lipi nina Juda, Simeon at Benjamin, ay napunta sa kanila sa pamamagitan ng palabunutan.

66 May ilan pa sa mga angkan ni Kohat na nagkaroon ng mga lunsod mula sa lupain ni Efraim. 67 Ang nakuha nila ay ang mga lunsod-kanlungan gaya ng Shekem at ang mga pastulan sa kaburulan ng Efraim, Gezer, 68 Jocmeam, Beth-horon, 69 Ayalon, at Gat-rimon. 70 Mula naman sa kalahating lipi ni Manases, napunta sa iba pang sambahayan ni Kohat ang Aner at ang mga pastulan nito, at ang Bileam at ang mga pastulan nito.

71 Mula rin sa kalahating lipi ni Manases, napunta naman sa mga anak ni Gershon ang Golan sa Bashan, at ang Astarot at ang pastulan ng mga ito. 72 Mula sa lipi ni Isacar ay napunta kay Gershon ang Kades, Daberat, 73 Ramot at Anem at ang pastulan ng mga ito. 74 Mula naman sa lipi ni Asher ay ang Masal, Abdon, 75 Hucoc at Rehob at ang mga pastulan ng mga ito. 76 Sa lipi ni Neftali ay napunta ang Kades sa Galilea, ang Hamon, ang Kiryataim at ang mga pastulan ng mga ito. 77 Napunta rin sa iba pang mga angkan ni Merari na mula sa lipi ni Zebulun ang Rimono at Tabor at ang pastulan ng mga ito. 78 Sa gawing silangan ng Jordan, sa tapat ng Jerico, napunta rin sa kanila mula sa lipi ni Ruben ang Bezer, Jaza, 79 Kedemot at Mefaat at ang pastulan ng mga ito. 80 At mula naman sa lipi ni Gad ay ang Ramot sa Gilead, Mahanaim, 81 Hesbon at Hazer at ang mga pastulan ng mga ito.

Mga anak ni Levi.

Ang mga anak ni Levi: si Gerson, si Coath, at si Merari.

At ang mga anak ni Coath: si Amram, si Ishar, at si Hebron, at si Uzziel.

At ang mga anak ni Amram: si Aaron, at si Moises, at si Mariam. At ang mga anak ni Aaron: si Nadab, at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar.

Naging anak ni (A)Eleazar si Phinees, naging anak ni Phinees si Abisua;

At naging anak ni Abisua si Bucci, at naging anak ni Bucci si Uzzi;

At naging anak ni Uzzi si Zeraias, at naging anak ni Zeraias si Meraioth;

Naging anak ni Meraioth si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob;

At naging anak ni Achitob si (B)Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Achimaas;

At naging anak ni Achimaas si Azarias, at naging anak ni Azarias si Johanan;

10 At naging anak ni Johanan si Azarias (na siyang pangulong saserdote sa bahay na itinayo ni Salomon sa Jerusalem:)

11 At naging anak ni Azarias si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob;

12 At naging anak ni Achitob si Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Sallum;

13 At naging anak ni Sallum si (C)Hilcias, at naging anak ni Hilcias si Azarias;

14 At naging anak ni Azarias si (D)Seraiah, at naging anak ni Seraiah si Josadec;

15 At si Josadec ay nabihag nang dalhing bihag ng Panginoon ang Juda at ang Jerusalem (E)sa pamamagitan ng kamay ni Nabucodonosor.

16 Ang mga (F)anak ni Levi: si Gersom, si Coath, at si Merari.

17 At ang mga ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gersom: si Libni at si Simi.

18 At ang mga anak ni Coath ay si Amram, at si Ishar at si Hebron, at si Uzziel.

19 Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. At ang mga ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

20 Kay Gerson: si Libni na kaniyang anak, si Joath na kaniyang anak, si Zimma na kaniyang anak;

21 Si Joab na kaniyang anak, si Iddo na kaniyang anak, si Zera na kaniyang anak, si Jeothrai na kaniyang anak.

22 Ang mga anak ni Coath: si Aminadab na kaniyang anak, si Core na kaniyang anak, si Asir na kaniyang anak;

23 Si Elcana na kaniyang anak, at si Abiasaph na kaniyang anak, at si Asir na kaniyang anak;

24 Si Thahath na kaniyang anak, si Uriel na kaniyang anak, si Uzzia na kaniyang anak, at si Saul na kaniyang anak.

25 At ang mga anak ni Elcana: si Amasai at si Achimoth.

26 Tungkol kay Elcana, ang mga anak ni Elcana: si Sophai na kaniyang anak, at si Nahath na kaniyang anak;

27 Si Eliab na kaniyang anak, si Jeroham na kaniyang anak, si Elcana na kaniyang anak.

28 At ang mga anak ni Samuel: ang panganay ay si Joel, at ang ikalawa'y si Abias.

29 Ang mga anak ni Merari: si Mahali, si Libni na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak, si Uzza na kaniyang anak;

30 Si Sima na kaniyang anak, si Haggia na kaniyang anak, si Assia na kaniyang anak.

Mga mangaawit na Levita.

31 At ang mga ito ang mga inilagay ni David sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, (G)pagkatapos na maipagpahinga ang kaban.

32 At sila'y nagsipangasiwa sa pamamagitan ng awit sa harap ng tolda ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa itinayo ni Salomon ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem: at sila'y nagsipaglingkod sa kanilang katungkulan ayon sa kanilang pagkakahalihalili.

33 At ang mga ito ang nagsipaglingkod at ang kanilang mga anak. Sa mga anak ng mga Coathita: si (H)Heman, na mangaawit, na anak ni Joel, na anak ni Samuel;

34 Na anak ni Elcana, na anak ni Jeroham, na anak ni Eliel, na anak ni Thoa;

35 Na anak ni Suph, na anak ni Elcana, na anak ni Mahath, na anak ni Amasai;

36 Na anak ni Elcana, na anak ni Joel, na anak ni Azarias, na anak ni Sophonias;

37 Na anak ni Thahat, na anak ni Asir, na anak ni Ahiasaph, na anak ni Core;

38 Na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi, na anak ni Israel.

39 At ang kaniyang kapatid na si Asaph, na siyang nakatayo sa kaniyang kanan, sa makatuwid baga'y si Asaph na anak ni Berachias, na anak ni Sima;

40 Na anak ni Michael, na anak ni Baasias, na anak ni Malchias;

41 Na anak ni Athanai, na anak ni Zera, na anak ni Adaia;

42 Na anak ni Ethan, na anak ni Zimma, na anak ni Simi;

43 Na anak ni Jahat, na anak ni Gersom, na anak ni Levi.

44 At sa kaliwa ay ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Merari: si Ethan na anak ni Chisi, na anak ni Abdi, na anak ni Maluch;

45 Na anak ni Hasabias, na anak ni Amasias, na anak ni Hilcias;

46 Na anak ni Amasias, na anak ni Bani, na anak ni Semer;

47 Na anak ni Mahali, na anak ni Musi, na anak ni Merari, na anak ni Levi.

48 At ang kanilang mga kapatid na mga Levita ay (I)nangahalal sa buong paglilingkod sa tabernakulo ng bahay ng Dios.

Ang mga saserdote na mga Levita.

49 Nguni't si Aaron at ang kaniyang mga anak ay (J)nagsipaghandog sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin, (K)at sa ibabaw ng dambana ng kamangyan, para sa buong gawain sa kabanalbanalang dako, at (L)upang tubusin sa sala ang Israel, ayon sa lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Dios.

50 At ang mga ito ang mga (M)anak ni Aaron: si Eleazar na kaniyang anak, si Phinees na kaniyang anak, si Abisua na kaniyang anak,

51 Si Bucci na kaniyang anak, si Uzzi na kaniyang anak, si Zeraias na kaniyang anak,

52 Si Meraioth na kaniyang anak, si Amarias na kaniyang anak, si Achitob na kaniyang anak,

53 Si Sadoc na kaniyang anak, si Achimaas na kaniyang anak.

Ang mga tirahang dako ng mga Levita.

54 Ang mga ito nga ang kanilang mga tahanang dako ayon sa kanilang mga kampamento sa kanilang mga hangganan; sa mga anak ni Aaron, na sa mga angkan ng mga Coathita, (sapagka't (N)sa kanila ang unang palad.)

55 (O)Sa kanila ibinigay nila ang Hebron sa lupain ng Juda, at ang mga nayon niyaon sa palibot,

56 Nguni't ang mga bukid ng bayan, at ang mga nayon niyaon, ay kanilang ibinigay kay Caleb na anak ni Jephone.

57 At sa mga anak ni Aaron ay kanilang ibinigay ang mga bayang ampunan, ang Hebron; gayon din ang Libna pati ng mga nayon niyaon, at ang Jathir, at ang Esthemoa pati ng mga nayon niyaon:

58 At ang Hilem pati ng mga nayon niyaon, ang Debir pati ng mga nayon niyaon;

59 At ang Asan pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon:

60 At mula sa lipi ni Benjamin; ang Geba pati ng mga nayon niyaon, at ang Alemeth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon. Ang lahat na kanilang bayan sa lahat na kanilang angkan ay labing tatlong bayan.

61 At sa nalabi sa mga anak ni Coath ay nabigay sa pamamagitan ng (P)sapalaran, sa angkan ng lipi, sa kalahating lipi, na kalahati ng Manases, sangpung bayan.

62 At sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang mga angkan, sa lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa lipi ni Manases sa Basan, labing tatlong bayan.

63 Sa mga anak ni Merari ay nabigay sa pamamagitan ng sapalaran, ayon sa kanilang mga angkan sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, labing dalawang bayan.

64 At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita ang mga bayan pati ng mga nayon niyaon.

65 At kanilang ibinigay sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, at sa lipi ng mga anak ni Benjamin, ang mga bayang ito na binanggit sa pangalan.

Ang mga bayan ng mga Levita.

66 (Q)At ang ilan sa mga angkan ng mga anak ni Coath ay may mga bayan sa kanilang mga hangganan na mula sa lipi ni Ephraim.

67 At ibinigay nila sa kanila ang mga bayang ampunan: ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim pati ng mga nayon niyaon; gayon din ang Gezer pati ng mga nayon niyaon.

68 At ang Jocmeam pati ng mga nayon niyaon, at ang Bet-horon pati ng mga nayon niyaon;

69 At ang Ajalon pati ng mga nayon niyaon; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon:

70 At mula sa kalahating lipi ni Manases; ang Aner pati ng mga nayon niyaon, at ang Bilam pati ng mga nayon niyaon, sa ganang nangalabi sa angkan ng mga anak ng Coath.

71 (R)Sa mga anak ng Gerson ay nabigay, mula sa angkan ng kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati ng mga nayon niyaon, at ang Astharoth pati ng mga nayon niyaon;

72 At mula sa lipi ni Issachar, ang Cedes pati ng mga nayon niyaon, ang Dobrath pati ng mga nayon niyaon;

73 At ang Ramoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anem pati ng mga nayon niyaon:

74 At mula sa lipi ni Aser; ang Masal pati ng mga nayon niyaon, at ang Abdon pati ng mga nayon niyaon;

75 At ang Ucoc pati ng mga nayon niyaon, at ang Rehob pati ng mga nayon niyaon:

76 At mula sa lipi ni Nephtali; ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Ammon pati ng mga nayon niyaon, at ang Chiriat-haim pati ng mga nayon niyaon.

77 Sa nangalabi sa mga Levita, na (S)mga anak ni Merari, ay nabigay mula sa lipi ni Zabulon, ang Rimmono pati ng mga nayon niyaon, ang Thabor pati ng mga nayon niyaon:

78 At sa dako roon ng Jordan sa Jerico sa dakong silanganan ng Jordan nabigay sa kanila, mula sa lipi ni Ruben, ang Beser sa ilang pati ng mga nayon niyaon, at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon,

79 At ang Chedemoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Mephaath pati ng mga nayon niyaon:

80 At mula sa lipi ni Gad; ang Ramot sa Galaad pati ng mga nayon niyaon, at ang Mahanaim pati ng mga nayon niyaon,

81 At ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon, at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon.

'1 Paralipomeno 6 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.