1 Cronica 3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Angkan ni David
3 Si David ay nagkaroon ng mga anak sa Hebron. Ang una ay si Amnon, anak niya kay Ahinoam na Jezreelita. Ang pangalawa ay si Daniel na anak naman niya kay Abigail na taga-Carmel. 2 Ang pangatlo ay si Absalom, anak niya kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur. Si Adonias ang pang-apat, anak naman kay Haguit. 3 Ang panlima ay si Sefatias, anak kay Abital, at si Itream ang pang-anim na anak naman niya kay Egla. 4 Anim(A) ang naging anak ni David sa Hebron sa loob ng pito at kalahating taon ng paghahari niya roon. Pagkatapos sa Hebron, tatlumpu't tatlong taon naman siyang naghari sa Jerusalem. 5 Doo'y(B) apat ang naging anak niya kay Batsheba[a] na anak ni Amiel. Ito'y sina Simea, Sobab, Natan at Solomon. 6 Siyam pa ang naging anak niya sa Jerusalem. Ito'y sina Ibhar, Elisama, Elifelet, 7 Noga, Nefeg, Jafia, 8 Elisama, Eliada at Elifelet. 9 Ang mga ito ang mga anak ni David bukod pa sa mga anak niya sa kanyang mga asawang-lingkod. Iisa ang anak niyang babae, si Tamar.
Ang Angkan ni Haring Solomon
10 Ito ang angkan ni Solomon: anak ni Solomon si Rehoboam na ama ni Abias, at anak naman ni Abias si Asa na ama ni Jehoshafat. 11 Anak ni Jehoshafat si Joram na ama ni Ahazias. Anak naman ni Ahazias si Joas. 12 Anak ni Joas si Amazias na ama ni Azarias, na ama naman ni Jotam. 13 Anak ni Jotam si Ahaz na ama ni Ezequias na ama naman ni Manases. 14 Anak ni Manases si Ammon na ama ni Josias. 15 Apat ang naging anak ni Josias: sina Johanan, Jehoiakim, Zedekias at Sallum. 16 Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias na ama ni Zedekias.
Ang Angkan ni Haring Jeconias
17 Naging bihag sa Babilonia si Jeconias. Ang pito niyang anak ay sina Selatiel, 18 Malquiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama at Nedabias. 19 Ang mga anak naman ni Pedaya ay sina Zerubabel at Simei. Tatlo ang unang anak ni Zerubabel, sina Mesulam at Hananias at isang babae, si Selomit. 20 Ang lima pang anak niya ay sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias at Jusab-hesed.
21 Mga anak ni Hananias sina Pelatias at Jesaias. Anak ni Jesaias si Refaias, anak ni Refaias si Arnan, anak ni Arnan si Obadias at anak ni Obadias si Secanias. 22 Anim ang naging anak ni Secanias: sina Semaya, Hatus, Igal, Barias, Nearias at Safat. 23 Tatlo ang naging anak ni Nearias: sina Elioenai, Ezequias at Azrikam. 24 Pito naman ang naging anak ni Elioenai: sina Hodavias, Eliasib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaias at Anani.
Footnotes
- 5 Batsheba: o kaya'y Batshua .
1 Cronica 3
Ang Biblia (1978)
Mga anak ni Juda (karugtong).
3 Ang mga ito nga ang mga anak ni David, na mga ipinanganak sa kaniya sa Hebron: ang panganay ay si (A)Amnon, ni Achinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, ni Abigail na Carmelita;
2 Ang ikatlo'y si Absalom, na anak ni Maacha na anak na babae ni Talmai na hari sa Gesur; ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Aggith;
3 Ang ikalima'y si Sephatias, ni Abithal; ang ikaanim ay si Itream, ni Egla na asawa niya.
4 Anim ang ipinanganak sa kaniya sa Hebron; (B)at doo'y naghari siyang pitong taon at anim na buwan: (C)At sa Jerusalem ay naghari siyang tatlong pu't tatlong taon.
5 (D)At ito ang mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: si Simma, at si Sobab, at si Nathan, at si Solomon, apat, ni Beth-sua na anak na babae ni Ammiel:
6 At si Ibaar, at si (E)Elisama, at si Eliphelet;
7 At si Noga, at si Nepheg, at si Japhia;
8 At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet, siyam;
9 Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga babae; at si (F)Thamar ay kanilang kapatid na babae.
10 At ang anak ni Solomon ay si (G)Roboam, si Abia na kaniyang anak, si Asa na kaniyang anak, si Josaphat na kaniyang anak;
11 Si Joram na kaniyang anak, si Ochozias na kaniyang anak, si Joas na kaniyang anak;
12 Si Amasias na kaniyang anak, si Azarias na kaniyang anak, si Jotham na kaniyang anak;
13 Si Achaz na kaniyang anak, si Ezechias na kaniyang anak, si Manases na kaniyang anak;
14 Si Amon na kaniyang anak, si Josias na kaniyang anak.
15 At ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Joacim, ang ikatlo'y si Sedecias, ang ikaapat ay si Sallum.
16 At ang mga anak ni Joacim: si (H)Jechonias na kaniyang anak, si Sedecias na kaniyang anak.
17 At ang mga anak ni Jechonias, na bihag: si (I)Salathiel na kaniyang anak,
18 At si Mechiram, at si Pedaia at si Seneaser, si Jecamia, si Hosama, at si Nedabia.
19 At ang mga anak, ni Pedaia: si Zorobabel, at si Simi. At ang mga anak ni Zorobabel; si Mesullam, at si Hananias; at si Selomith, na kanilang kapatid na babae:
20 At si Hasuba, at si Ohel, at si Berechias, at si Hasadia, at si Jusabhesed, lima.
21 At ang mga anak ni Hananias: si Pelatias, at si Jesaias; ang mga anak ni Rephaias, ang mga anak ni Arnan, ang mga anak ni Obdias, ang mga anak ni Sechanias.
22 At ang mga anak ni Sechanias: si Semaias; at ang mga anak ni Semaias: si Hattus, at si Igheal, at si Barias, at si Nearias, at si Saphat, anim.
23 At ang mga anak ni Nearias: si Elioenai, at si Ezechias, at si Azricam, tatlo.
24 At ang mga anak ni Elioenai: si Odavias, at si Eliasib, at si Pelaias, at si Accub, at si Johanan at si Delaias, at si Anani, pito.
1 Cronica 3
Ang Biblia, 2001
Ang Angkan ni David
3 Ito ang mga anak ni David na ipinanganak sa kanya sa Hebron: ang panganay ay si Amnon, kay Ahinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, kay Abigail na Carmelita;
2 ang ikatlo'y si Absalom, na ang ina ay si Maaca na anak na babae ni Talmai, na hari sa Geshur; ang ikaapat ay si Adonias na ang ina ay si Hagit;
3 ang ikalima'y si Shefatias, kay Abithal; ang ikaanim ay si Itream, kay Egla na asawa niya.
4 Anim(A) ang ipinanganak sa kanya sa Hebron; at naghari siya doon ng pitong taon at anim na buwan. Sa Jerusalem ay naghari siya ng tatlumpu't tatlong taon.
5 Ito(B) ang mga ipinanganak sa kanya sa Jerusalem: sina Shimea, Sobab, Natan, at Solomon, apat kay Batsua na anak na babae ni Amiel;
6 at sina Ibhar, Elisama, Elifelet;
7 Noga, Nefeg, Jafia;
8 Elisama, Eliada, at Elifelet, siyam.
9 Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga asawang-lingkod; at si Tamar ay kanilang kapatid na babae.
10 Ang anak ni Solomon ay si Rehoboam, si Abias na kanyang anak, si Asa na kanyang anak, si Jehoshafat na kanyang anak;
11 si Joram na kanyang anak, si Ahazias na kanyang anak, si Joas na kanyang anak;
12 si Amasias na kanyang anak, si Azarias na kanyang anak, si Jotam na kanyang anak;
13 si Ahaz na kanyang anak, si Hezekias na kanyang anak, si Manases na kanyang anak;
14 si Amon na kanyang anak, si Josias na kanyang anak.
15 Ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Jehoiakim, ang ikatlo'y si Zedekias, ang ikaapat ay si Shallum.
16 Ang mga anak ni Jehoiakim: si Jeconias na kanyang anak, si Zedekias na kanyang anak.
17 Ang mga anak ni Jeconias, na bihag: sina Shealtiel na kanyang anak,
18 Malchiram, Pedaya, Shenassar, Jekamias, Hosama, at Nedabia.
19 Ang mga anak ni Pedaya: sina Zerubabel, at Shimei. Ang mga anak ni Zerubabel ay sina Mesulam, Hananias, at si Shelomit na kanilang kapatid na babae;
20 at sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadia, at Jusabhesed, lima.
21 Ang mga anak ni Hananias ay sina Pelatias, at Jeshaias; ang mga anak ni Refaias, ang mga anak ni Arnan, ang mga anak ni Obadias, ang mga anak ni Shecanias.
22 Ang anak ni Shecanias ay si Shemaya; at ang mga anak ni Shemaya ay sina Hatus, Igal, Bariaas, Nearias, at Shafat, anim.
23 Ang mga anak ni Nearias ay sina Elioenai, Hizkias, at Azricam, tatlo.
24 Ang mga anak ni Elioenai ay sina Hodavias, Eliasib, Pelaias, Akub, Johanan, Delaias, at Anani, pito.
1 Paralipomeno 3
Ang Dating Biblia (1905)
3 Ang mga ito nga ang mga anak ni David, na mga ipinanganak sa kaniya sa Hebron: ang panganay ay si Amnon, ni Achinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, ni Abigail na Carmelita;
2 Ang ikatlo'y si Absalom, na anak ni Maacha na anak na babae ni Talmai na hari sa Gesur; ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Aggith;
3 Ang ikalima'y si Sephatias, ni Abithal; ang ikaanim ay si Itream, ni Egla na asawa niya.
4 Anim ang ipinanganak sa kaniya sa Hebron; at doo'y naghari siyang pitong taon at anim na buwan: At sa Jerusalem ay naghari siyang tatlong pu't tatlong taon.
5 At ito ang mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: si Simma, at si Sobab, at si Nathan, at si Solomon, apat, ni Beth-sua na anak na babae ni Ammiel:
6 At si Ibaar, at si Elisama, at si Eliphelet;
7 At si Noga, at si Nepheg, at si Japhia;
8 At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet, siyam;
9 Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga babae; at si Thamar ay kanilang kapatid na babae.
10 At ang anak ni Solomon ay si Roboam, si Abia na kaniyang anak, si Asa na kaniyang anak, si Josaphat na kaniyang anak;
11 Si Joram na kaniyang anak, si Ochozias na kaniyang anak, si Joas na kaniyang anak;
12 Si Amasias na kaniyang anak, si Azarias na kaniyang anak, si Jotham na kaniyang anak;
13 Si Achaz na kaniyang anak, si Ezechias na kaniyang anak, si Manases na kaniyang anak;
14 Si Amon na kaniyang anak, si Josias na kaniyang anak.
15 At ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Joacim, ang ikatlo'y si Sedecias, ang ikaapat ay si Sallum.
16 At ang mga anak ni Joacim: si Jechonias na kaniyang anak, si Sedecias na kaniyang anak.
17 At ang mga anak ni Jechonias, na bihag: si Salathiel na kaniyang anak,
18 At si Mechiram, at si Pedaia at si Seneaser, si Jecamia, si Hosama, at si Nedabia.
19 At ang mga anak, ni Pedaia: si Zorobabel, at si Simi. At ang mga anak ni Zorobabel; si Mesullam, at si Hananias; at si Selomith, na kanilang kapatid na babae:
20 At si Hasuba, at si Ohel, at si Berechias, at si Hasadia, at si Jusabhesed, lima.
21 At ang mga anak ni Hananias: si Pelatias, at si Jesaias; ang mga anak ni Rephaias, ang mga anak ni Arnan, ang mga anak ni Obdias, ang mga anak ni Sechanias.
22 At ang mga anak ni Sechanias: si Semaias; at ang mga anak ni Semaias: si Hattus, at si Igheal, at si Barias, at si Nearias, at si Saphat, anim.
23 At ang mga anak ni Nearias: si Elioenai, at si Ezechias, at si Azricam, tatlo.
24 At ang mga anak ni Elioenai: si Odavias, at si Eliasib, at si Pelaias, at si Accub, at si Johanan at si Delaias, at si Anani, pito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
