Add parallel Print Page Options

Ang mga Musikero

25 Pumili si David at ang mga kumander ng mga sundalo mula sa mga anak ni Asaf, Heman at Jedutun para ipahayag ang mensahe ng Dios na tinutugtugan ng mga alpa, lira at pompyang. Ito ang talaan ng mga pangalan nila at gawain:

Mula sa mga anak na lalaki ni Asaf: sina Zacur, Jose, Netania at Asarela. Naglingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng kanilang ama. Si Asaf ang nagpapahayag ng mensahe ng Dios kung ipinag-uutos ito ng hari.

Mula sa mga anak na lalaki ni Jedutun: sina Gedalia, Zeri, Jeshaya, Shimei,[a] Hashabia at Matitia – anim silang lahat. Naglingkod din sila sa ilalim ng pamamahala ng ama nilang si Jedutun, na nagpahayag ng mensahe ng Dios na tinutugtugan ng alpa, na may pasasalamat at papuri sa Panginoon.

Mula sa mga anak na lalaki ni Heman: sina Bukia, Matania, Uziel, Shebuel,[b] Jerimot, Hanania, Hanani, Eliata, Giddalti, Romamti Ezer, Joshbekasha, Malloti, Hotir at Mahaziot. Silang lahat ang anak ni Heman na propeta ng hari. Pinarangalan siya ng Dios sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng 14 na anak na lalaki at tatlong anak na babae, ayon sa ipinangako ng Dios sa kanya.

Ang lahat ng lalaking ito ay pinamahalaan ng kanilang ama sa pagtugtog nila ng mga pompyang, lira at alpa bilang paglilingkod sa bahay ng Dios. Sina Asaf, Jedutun at Heman ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari. Sila at ang mga kamag-anak nila, na 288 lahat ay mahuhusay na musikero para sa Panginoon. Nagpalabunutan sila para malaman ang kanya-kanyang tungkulin, bata man o matanda, guro man o mag-aaral.

Ang unang nabunot sa pamilya ni Asaf ay si Jose at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak[c] – 12 sila.

Ang ikalawa ay si Gedalia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

10 Ang ikatlo ay si Zacur at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

11 Ang ikaapat ay si Izri[d] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

12 Ang ikalima ay si Netania at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

13 Ang ikaanim ay si Bukia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

14 Ang ikapito ay si Jesarela[e] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

15 Ang ikawalo ay si Jeshaya at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

16 Ang ikasiyam ay si Matania at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

17 Ang ikasampu ay si Shimei at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

18 Ang ika-11 ay si Azarel[f] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

19 Ang ika-12 ay si Hashabia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

20 Ang ika-13 ay si Shebuel[g] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

21 Ang ika-14 ay si Matitia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

22 Ang ika-15 ay si Jerimot[h] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

23 Ang ika-16 ay si Hanania at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

24 Ang ika-17 ay si Joshbekasha at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

25 Ang ika-18 ay si Hanani at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

26 Ang ika-19 ay si Malloti at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

27 Ang ika-20 ay si Eliata at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

28 Ang ika-21 ay si Hotir at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

29 Ang ika-22 ay si Gedalti at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

30 Ang ika-23 ay si Mahaziot at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

31 Ang ika-24 ay si Romamti Ezer at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.

Ang mga Guwardya ng Pintuan ng Templo

26 Ito ang mga grupo ng mga guwardya ng mga pintuan ng templo:

Mula sa pamilya ni Kora, si Meshelemia na anak ni Kore na miyembro ng pamilya ni Asaf, at ang pito niyang anak na lalaki: si Zacarias ang panganay, at ang kasunod ay sina Jediael, Zebadia, Jatniel, Elam, Jehohanan at Eliehoenai.

Kasama rin si Obed Edom at ang walo niyang anak na lalaki: si Shemaya ang panganay, at ang kasunod ay sina Jehozabad, Joa, Sacar, Netanel, Amiel, Isacar at Peuletai. Pinagpala ng Dios si Obed Edom. 6-7 Ang panganay na anak ni Obed Edom na si Shemaya ay may mga anak na lalaki na may kakayahan at mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Silaʼy sina Otni, Refael Obed at Elzabad. Ang kanilang kamag-anak na sina Elihu at Semakia ay may mga kakayahan din.

Lahat sila ay mula sa angkan ni Obed Edom. Sila at ang kanilang mga anak at kamag-anak ay 62 lahat. Mahuhusay sila at may kakayahan sa paggawa.

Ang 18 anak at mga kamag-anak ni Meshelemia ay may mga kakayahan din.

10 Si Hosa na mula sa pamilya ni Merari ay may mga anak din. Ginawa niyang pinuno ng kanilang pamilya si Shimri kahit hindi siya ang panganay na anak. 11 Ang sumunod kay Shimri ay sina Hilkia, Tabalia at Zacarias. 13 lahat ang anak at mga kamag-anak ni Hosa na mga tagapagbantay sa pintuan ng templo.

12 Iginrupo ang mga guwardya ng mga pintuan ng templo ayon sa pinuno ng kanilang pamilya, at may mga tungkulin sila sa paglilingkod sa templo ng Panginoon, katulad ng kasama nilang mga Levita. 13 Nagpalabunutan sila kung aling pinto ang babantayan ng mga pamilya nila, bata man o matanda. 14 Ang pintuan sa gawing silangan ang nabunot ni Shelemia,[i] at ang pintuan sa gawing hilaga ang nabunot ng anak niyang mahusay magpayo na si Zacarias 15 Ang pintuan sa gawing timog ang nabunot ni Obed Edom, at sa mga anak niyang lalaki ipinagkatiwala ang mga bodega. 16 Ang pintuan sa gawing kanluran at ang pintuan paakyat sa templo[j] ang nabunot ni Shupim at Hosa.

Bawat isa sa kanilaʼy may takdang oras ng pagbabantay: 17 Sa gawing silangan, anim na guwardya ang nagbabantay araw-araw, sa gawing hilaga ay apat, sa gawing timog ay apat din, at sa bawat bodega ay tig-dadalawa. 18 Sa gawing kanluran, apat ang nagbabantay, sa daanan paakyat sa templo ay apat din, at sa bakuran ng templo ay dalawa.

19 Iyon ang mga grupo ng mga guwardya ng mga pintuan ng templo na angkan nina Kora at Merari.

Ang mga Ingat-yaman at ang Iba pang mga Opisyal

20 Ang ibang mga Levita[k] na pinamumunuan ni Ahia ang katiwala sa mga bodega ng templo ng Dios, kabilang na ang mga bodega ng mga inihandog sa Dios.

21 Si Ladan ay mula sa angkan ni Gershon at ama ni Jehieli. Ang ilan sa mga miyembro ng kanyang pamilya ay mga pinuno rin ng kanyang mga angkan. 22 Ang mga anak ni Jehieli na sina Zetam at Joel ang katiwala ng mga bodega ng templo ng Panginoon.

23 Ito ang mga pinuno mula sa angkan ni Amram, Izar, Hebron at Uziel:

Mula sa angkan ni Amram: 24 si Shebuel,[l] na mula rin sa angkan ni Gershom, na anak ni Moises, ang punong opisyal sa mga bodega ng templo. 25 Ang mga kamag-anak niya sa angkan ni Eliezer ay sina Rehabia, Jeshaya, Joram, Zicri at Shelomit.[m] 26 Si Shelomit at ang kanyang mga kamag-anak ang katiwala sa mga bodega ng mga handog na inialay ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga kumander ng libu-libo at ng daan-daang sundalo, at ng iba pang mga pinuno. 27 Inihandog nila ang ibang nasamsam nila sa labanan para gamitin sa templo ng Panginoon. 28 Si Shelomit din at ang kanyang mga kamag-anak ang nangalaga sa lahat ng mga inihandog ni Samuel na propeta, ni Saul na anak ni Kish, ni Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Zeruya. Ang iba pang mga inihandog ay ipinamahala din nila.

29 Mula sa mga angkan ni Izar: si Kenania at ang mga anak niyang lalaki, na siyang nangangasiwa at mga hukom sa buong Israel. Hindi sila naglilingkod sa loob ng templo.

30 Mula sa angkan ni Hebron: si Hashabia at ang 1,700 kamag-anak niya na may mga kakayahan. Pinagkatiwalaan sila na mamahala ng mga lupain sa gawing kanluran ng Ilog ng Jordan. Sila ang nangangasiwa ng mga gawain ng Panginoon at ng hari sa lugar na iyon. 31 Si Jeria ang pinuno ng angkan ni Hebron ayon sa talaan ng kanilang mga pamilya. Nang ika-40 taon ng paghahari ni David, siniyasat ang mga talaan, at natuklasan na may angkan si Hebron sa Jazer na sakop ng Gilead, at may mga kakayahan sila. 32 Si Jeria ay may 2,700 kamag-anak na may mga kakayahan at mga pinuno ng mga pamilya. Sila ang pinamahala ni Haring David sa lahi ni Reuben, Gad at sa kalahating lahi ni Manase. Sila ang nangangasiwa sa lahat ng gawain ng Dios at ng hari sa mga lugar na iyon.

Ang mga Opisyal ng mga Sundalo

27 Ito ang listahan ng mga pinuno, mga kumander, at mga opisyal ng mga Israelita na naglilingkod sa hari bilang tagapangasiwa sa grupo ng mga sundalong naglilingkod ng isang buwan sa bawat taon. Ang bawat grupo ay may 24,000 sundalo.

Si Jashobeam na anak ni Zabdiel ang kumander ng mga sundalo sa unang buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya. Mula siya sa angkan ni Perez at pinuno ng lahat ng opisyal ng mga sundalo tuwing unang buwan.

Si Dodai na mula sa angkan ni Ahoa ang kumander ng mga sundalo sa ikalawang buwan. May 24,000 siyang sundalo. Si Miklot ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.

Si Benaya na anak ng paring si Jehoyada, ang kumander ng mga sundalo sa ikatlong buwan. May 24,000 siyang sundalo sa kanyang grupo. Siya ang Benaya na matapang na pinuno ng 30 matatapang na tauhan ni David. Ang anak niyang si Amizabad ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.

Si Asahel na kapatid ni Joab ang kumander ng sundalo sa ikaapat na buwan. Ang anak niyang si Zebadia ang pumalit sa kanya. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

Si Shamut[n] na mula sa angkan ni Izra ang kumander sa ikalimang buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

Si Ira na anak ni Ikkes na mula sa Tekoa ang kumander ng mga sundalo sa ikaanim na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

10 Si Helez na taga-Pelon na lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ikapitong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

11 Si Sibecai na taga-Husha na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikawalong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

12 Si Abiezer na taga-Anatot na mula sa lahi ni Benjamin ang kumander sa ikasiyam na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

13 Si Maharai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikasampung buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

14 Si Benaya na taga-Piraton na mula sa lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ika-11 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

15 Si Heldai[o] na taga-Netofa na mula sa angkan ni Otniel ang kumander ng mga sundalo sa ika-12 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

Ang mga Pinuno ng mga Angkan ng Israel

16 Ito ang mga opisyal ng lahi ng Israel:

Sa lahi ni Reuben: si Eliezer na anak ni Zicri.

Sa lahi ni Simeon: si Shefatia na anak ni Maaca.

17 Sa lahi ni Levi: si Hashabia na anak ni Kemuel.

Sa angkan ni Aaron: si Zadok.

18 Sa lahi ni Juda: si Elihu na kapatid ni David.

Sa lahi ni Isacar: si Omri na anak ni Micael.

19 Sa lahi ni Zebulun: si Ishmaya na anak ni Obadias.

Sa lahi ni Naftali: si Jeremot na anak ni Azriel.

20 Sa lahi ni Efraim: si Hoshea na anak ni Azazia.

Sa kalahating lahi ni Manase: si Joel na anak ni Pedaya.

21 Sa kalahati pang lahi ni Manase sa Gilead: si Iddo na anak ni Zacarias.

Sa lahi ni Benjamin: si Jaasiel na anak ni Abner.

22 Sa lahi ni Dan: si Azarel na anak ni Jeroham.

Sila ang mga opisyal ng mga lahi ng Israel.

23 Nang sinensus ni David ang mga tao, hindi niya isinama ang mga tao na wala pa sa edad na 20, dahil nangako ang Panginoon na pararamihin niya ang mga Israelita gaya ng mga bituin sa langit. 24 Inumpisahan ni Joab na anak ni Zeruya ang pagsesensus sa mga tao pero hindi niya ito natapos dahil nagalit ang Dios sa pagsesensus na ito. Kaya ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay hindi naitala sa listahan ni Haring David.

Ang mga Opisyal sa Kaharian

25 Si Azmavet na anak ni Adiel ang namamahala sa mga bodega sa palasyo ng hari.

Si Jonatan na anak ni Uzia ang namamahala sa mga bodega sa mga distrito, bayan, baryo at sa mga tore.

26 Si Ezri na anak ni Kelub ang namamahala sa mga nagtatrabaho sa bukid ng hari.

27 Si Shimei na taga-Rama ang namamahala sa mga ubasan ng hari.

Si Zabdi na taga-Sefam ang namamahala ng mga produkto nito, ang bunga ng ubas at alak ng hari.

28 Si Baal Hanan na taga-Geder ang namamahala ng mga puno ng olibo at sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.[p]

Si Joash ang namamahala sa mga bodega ng langis ng olibo.

29 Si Sitrai na taga-Sharon ang namamahala ng mga kawan ng hayop na pinapastol sa Sharon.

Si Shafat na anak ni Adlai ang namamahala ng mga kawan ng hayop sa mga lambak.

30 Si Obil na Ishmaelita ang namamahala ng mga kamelyo.

Si Jedaya na taga-Meronot ang namamahala ng mga asno.

31 Si Jaziz na Hagreo ang namamahala ng mga tupa.

Silang lahat ang mga opisyal na namamahala sa mga ari-arian ni Haring David.

32 Si Jonatan na tiyuhin ni Haring David ang tagapayo niya. Isa siyang matalinong tao at manunulat. Si Jehiel na anak ni Hacmoni ang guro ng mga anak ng hari. 33 Si Ahitofel ang isa pang tagapayo ng hari. Ang Arkeo na si Hushai ay malapit na kaibigan ng hari. 34 Nang mamatay si Ahitofel, pinalitan siya ni Jehoyada na anak ni Benaya at ni Abiatar. Si Joab ang kumander ng mga sundalo ng hari.

Footnotes

  1. 25:3 Shimei: Wala ito sa karamihang tekstong Hebreo, ngunit makikita ito sa isang tekstong Hebreo at sa iilang tekstong Septuagint.
  2. 25:4 Shebuel: o, Shubael.
  3. 25:9 at ang mga … kamag-anak: Wala ito sa Hebreo, pero makikita sa Septuagint.
  4. 25:11 Izri: o, Zeri.
  5. 25:14 Jesarela: o, Azarela.
  6. 25:18 Azarel: o, Uziel.
  7. 25:20 Shebuel: o, Shubael.
  8. 25:22 Jerimot: o, Jeremot.
  9. 26:14 Shelemia: o, Meshelemia.
  10. 26:16 pintuan … paakyat sa templo: sa Hebreo, Pintuan na Shaleket na daanan sa ibabaw.
  11. 26:20 ibang mga Levita: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, Ang Levita, si Ahia.
  12. 26:24 Shebuel: o, Shubael.
  13. 26:25 Shelomit: o, Shelomot.
  14. 27:8 Shamut: o, Shama.
  15. 27:15 Heldai: o, Heled.
  16. 27:28 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.