1 Cronica 21
Ang Biblia (1978)
Ang bayan ay binilang.
21 At (A)si Satan ay tumayo laban sa Israel, at kinilos si David na bilangin ang Israel.
2 At sinabi ni David kay Joab, at sa mga prinsipe ng bayan, Kayo'y magsiyaon, bilangin ninyo ang Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan; at dalhan ninyo ako ng salita; upang aking maalaman ang bilang nila.
3 At sinabi ni Joab, Gawin nawa ng Panginoon ang kaniyang bayan na makasandaang higit sa dami nila; nguni't, panginoon ko na hari, di ba silang lahat ay mga lingkod ng aking panginoon? bakit kinakailangan ng panginoon ko ang bagay na ito? bakit siya'y magiging sanhi ng ipagkakasala ng Israel?
4 Gayon ma'y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab. Kaya't si Joab ay yumaon, at naparoon sa buong Israel, at dumating sa Jerusalem.
5 At ibinigay ni Joab ang kabuuan ng bilang ng bayan kay David. At silang lahat na taga Israel ay (B)labing isang daan libo na nagsisihawak ng tabak: at ang Juda ay apat na raan at pitongpung libong lalake na nagsisihawak ng tabak.
6 (C)Nguni't ang Levi at ang Benjamin ay hindi binilang; sapagka't ang pananalita ng hari ay kahalayhalay kay Joab.
7 At sumama ang loob ng Dios sa bagay na ito; kaya't kaniyang sinaktan ang Israel.
8 At sinabi ni David sa Dios, Ako'y nagkasala ng mabigat sa aking paggawa ng bagay na ito: nguni't ngayo'y alisin mo, ipinamamanhik ko sa iyo, ang kasamaan ng iyong lingkod, sapagka't aking ginawang may lubhang kamangmangan.
Nagpadala ng Salot.
9 At ang Panginoon ay nagsalita kay Gad na tagakita ni David, na sinasabi,
10 Yumaon ka at magsalita kay David na sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Pinagpapalagayan kita ng tatlong bagay; pumili ka ng isa sa mga iyan, upang aking magawa sa iyo.
11 Sa gayo'y naparoon si Gad kay David, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, (D)Piliin mo ang iniibig mo:
12 Tatlong taong kagutom; o tatlong buwan na pagkalipol sa harap ng iyong mga kaaway, samantalang ang tabak ng iyong mga kaaway ay umabot sa iyo; o kung dili ay tatlong araw na ang tabak ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang salot sa lupain, at ang anghel ng Panginoon ay mangwawasak sa lahat na hangganan ng Israel. Ngayon nga'y akalain mo kung anong sagot ang ibabalik ko sa kaniya na nagsugo sa akin.
13 At sinabi ni David kay Gad, Ako'y totoong nasa kagipitan: ipinamamanhik ko na ihulog mo ako ngayon sa kamay ng Panginoon; sapagka't totoong malaki ang kaniyang kaawaan; at huwag akong mahulog sa kamay ng tao.
14 Sa gayo'y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel: at nabuwal sa Israel ay pitongpung libong lalake.
15 At ang Dios ay nagsugo ng isang anghel sa Jerusalem, upang (E)gibain; at nang kaniyang lilipulin, ang Panginoo'y tumingin, at nagsisi siya tungkol sa kasamaan, at sinabi sa manglilipol na anghel, Siya na, ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay tumayo sa tabi ng giikan ni Ornan na Jebuseo.
16 At itinanaw ni David ang kaniyang mga mata, at nakita (F)ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa pagitan ng lupa at ng langit, na may hawak na tabak sa kaniyang kamay na nakaunat sa Jerusalem. Nang magkagayo'y si David at ang mga matanda, na nangakapanamit ng kayong magaspang ay nangagpatirapa.
17 At sinabi ni David sa Dios, Hindi ba ako ang nagpabilang sa bayan? sa makatuwid baga'y ako yaong nagkasala at gumawa ng totoong kasamaan; nguni't ang mga tupang ito, ano ang kanilang ginawa? Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon kong Dios, na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sangbahayan ng aking ama; nguni't huwag laban sa iyong bayan, na sila'y masasalot.
Si David ay nagtayo ng dambana sa giikan ni Ornan.
18 Nang magkagayo'y inutusan ng anghel ng Panginoon si Gad upang sabihin kay David na siya'y sumampa, at magtayo ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
19 At si David ay sumampa sa sabi ni Gad na kaniyang sinalita sa pangalan ng Panginoon.
20 At si Ornan ay bumalik at nakita ang anghel; at ang kaniyang apat na anak na kasama niya ay nagsipagkubli. Si Ornan nga ay gumigiik ng trigo.
21 At samantalang si David ay naparoroon kay Ornan, si Ornan ay tumanaw at nakita si David, at lumabas sa giikan, at iniyukod kay David ang kaniyang mukha sa lupa.
22 Nang magkagayo'y sinabi ni David kay Ornan, Ibigay mo sa akin ang dako ng giikang ito, upang aking mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon: sa buong halaga ay ibibigay mo sa akin: upang ang salot ay tumigil sa bayan.
23 At sinabi ni Ornan kay David, Kunin mo, at gawin ng panginoon kong hari ang mabuti sa harap ng kaniyang mga mata: narito, aking ibinibigay sa iyo ang mga baka na mga pinaka handog na susunugin, at ang mga kasangkapan ng giikan na pinaka kahoy, at ang (G)trigo na pinaka handog na harina; aking ibinibigay sa lahat.
24 (H)At sinabi ng haring David kay Ornan, Huwag; kundi katotohanang aking bibilhin ng buong halaga: sapagka't hindi ko kukunin ang iyo para sa Panginoon, o maghahandog man ng handog na susunugin na walang bayad.
25 Sa gayo'y ibinigay ni David kay Ornan dahil sa dakong yaon ang anim na raang siklong ginto na pinakatimbang.
26 At ipinagtayo roon ni David ng isang dambana ang Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at tumawag sa Panginoon; (I)at sinagot niya siya mula sa langit sa pamamagitan ng apoy sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin.
27 At inutusan ng Panginoon ang anghel; at kaniyang isinuksok sa kaluban ang kaniyang tabak.
28 Nang panahong yaon, nang makita ni David na sinagot siya ng Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo, siya nga'y naghain doon.
29 Sapagka't ang tabernakulo ng Panginoon na ginawa ni Moises sa ilang at ang dambana ng handog na susunugin, ay (J)nasa mataas na dako nang panahong yaon sa Gabaon.
30 Nguni't si David ay hindi makaparoon sa harap niyaon upang (K)magusisa sa Dios: sapagka't siya'y natakot dahil sa tabak ng anghel ng Panginoon.
1 Cronica 21
Ang Biblia, 2001
Ang Bayan ay Binilang(A)
21 Si Satanas ay tumayo laban sa Israel, at inudyukan si David na bilangin ang sambayanang Israel.
2 Kaya't sinabi ni David kay Joab at sa mga pinuno ng hukbo, “Humayo kayo, bilangin ninyo ang Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan; dalhan ninyo ako ng ulat upang aking malaman ang bilang nila.”
3 Ngunit sinabi ni Joab, “Paramihin nawa ng Panginoon ang kanyang bayan nang makasandaang higit sa dami nila! Ngunit, panginoon kong hari, di ba silang lahat ay mga lingkod ng aking panginoon? Bakit kailangan pa ng panginoon ko ang bagay na ito? Bakit siya'y magiging sanhi ng pagkakasala ng Israel?”
4 Gayunma'y ang salita ng hari ay nanaig kay Joab. Kaya't si Joab ay humayo, at nilibot ang buong Israel, at bumalik sa Jerusalem.
5 Ibinigay ni Joab kay David ang kabuuang bilang ng bayan. Sa buong Israel ay isang milyon at isandaang libo na humahawak ng tabak, at sa Juda ay apatnaraan at pitumpung libong lalaki na humahawak ng tabak.
6 Ngunit ang Levi at ang Benjamin ay hindi niya binilang, sapagkat ang utos ng hari ay kasuklamsuklam para kay Joab.
7 Subalit hindi kinalugdan ng Diyos ang bagay na ito, kaya't kanyang sinaktan ang Israel.
8 Sinabi ni David sa Diyos, “Ako'y nagkasala nang mabigat sa paggawa ko ng bagay na ito. Ngunit ngayon, hinihiling ko sa iyo, pawiin mo ang kasamaan ng iyong lingkod, sapagkat nakagawa ako ng malaking kahangalan.”
Nagpadala ng Salot
9 Ang Panginoon ay nagsalita kay Gad na propeta[a] ni David,
10 “Humayo ka at sabihin mo kay David na ito ang sinasabi ng Panginoon, ‘Inaalok kita ng tatlong bagay; pumili ka ng isa sa mga ito upang iyon ang gagawin ko sa iyo.’”
11 Kaya't pumunta si Gad kay David, at sinabi sa kanya, “Ganito ang sabi ng Panginoon, ‘Mamili ka:
12 tatlong taóng taggutom o tatlong buwang pananalanta ng iyong mga kaaway, habang ang tabak ng iyong mga kaaway ay umaabot sa iyo; o tatlong araw ng tabak ng Panginoon, salot sa lupain, at ang anghel ng Panginoon ay mamumuksa sa lahat ng nasasakupan ng Israel.’ Ngayon, isipin mo kung anong sagot ang ibabalik ko sa kanya na nagsugo sa akin.”
13 Sinabi ni David kay Gad, “Ako'y nasa malaking kagipitan, hayaan mo akong mahulog sa kamay ng Panginoon, sapagkat lubhang malaki ang kanyang awa, ngunit huwag mong hayaang mahulog ako sa kamay ng tao.”
14 Sa gayo'y nagpadala ang Panginoon ng salot sa Israel, at pitumpung libong katao ang namatay sa Israel.
15 Ang Diyos ay nagsugo ng isang anghel sa Jerusalem upang puksain ito, subalit nang kanyang pupuksain na ito, ang Panginoon ay tumingin, at iniurong niya ang pagpuksa. Sinabi niya sa mamumuksang anghel, “Tama na. Itigil mo na ang kamay mo.” Ang anghel ng Panginoon ay nakatayo noon sa tabi ng giikan ni Ornan na Jebuseo.
16 Tumingin si David sa itaas at nakita niya ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa pagitan ng lupa at langit na may hawak na tabak sa kanyang kamay na nakatutok sa Jerusalem. Nang magkagayon, si David at ang matatanda na nakadamit-sako ay nagpatirapa.
17 Sinabi ni David sa Diyos, “Hindi ba't ako ang nag-utos na bilangin ang bayan? Ako ang tanging nagkasala at gumawa ng malaking kasamaan. Ngunit ang mga tupang ito, ano ang kanilang nagawa? Idinadalangin ko sa iyo, O Panginoon kong Diyos, na ang iyong kamay ay maging laban sa akin at sa sambahayan ng aking ama; ngunit huwag mong bigyan ng salot ang iyong bayan.”
Si David ay Nagtayo ng Dambana sa Giikan ni Ornan
18 Pagkatapos ay inutusan ng anghel ng Panginoon si Gad upang sabihin kay David na siya'y umakyat, at magtayo ng isang dambana para sa Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
19 Kaya't si David ay pumunta ayon sa salita ni Gad na kanyang sinabi sa pangalan ng Panginoon.
20 Lumingon si Ornan at nakita ang anghel; samantalang ang kanyang apat na anak na kasama niya ay nagkukubli, si Ornan ay nagpatuloy sa paggiik ng trigo.
21 Samantalang si David ay papalapit kay Ornan, si Ornan ay tumanaw at nakita si David. Lumabas siya sa giikan, at yumukod kay David na ang kanyang mukha ay nasa lupa.
22 Sinabi ni David kay Ornan, “Ibigay mo sa akin ang lugar ng giikang ito upang aking mapagtayuan ng isang dambana para sa Panginoon. Ibigay mo ito sa akin sa kabuuang halaga nito upang ang salot ay tumigil sa bayan.”
23 Sinabi ni Ornan kay David, “Kunin mo na at gawin ng panginoon kong hari ang mabuti sa kanyang paningin. Ipinagkakaloob ko ang mga baka para sa handog na sinusunog, at ang mga kasangkapan ng giikan bilang panggatong, at ang trigo para sa handog na butil. Ibinibigay ko ang lahat ng ito.”
24 Ngunit sinabi ni Haring David kay Ornan, “Hindi. Bibilhin ko ito sa buong halaga, sapagkat hindi ako kukuha ng sa iyo para sa Panginoon, o maghahandog man ako ng handog na sinusunog nang wala akong ginugol.”
25 Kaya't binayaran ni David si Ornan para sa lugar na iyon ng animnaraang siklong ginto ayon sa timbang.
26 Nagtayo roon si David ng isang dambana para sa Panginoon, at naghandog ng mga handog na sinusunog, at ng mga handog pangkapayapaan. Tumawag siya sa Panginoon; at kanyang sinagot siya mula sa langit sa pamamagitan ng apoy sa ibabaw ng dambana ng handog na sinusunog.
27 Pagkatapos ay inutusan ng Panginoon ang anghel; at kanyang ibinalik sa kaluban ang kanyang tabak.
28 Nang panahong iyon, nang makita ni David na sinagot siya ng Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo, siya'y nag-alay ng handog doon.
29 Sapagkat ang tabernakulo ng Panginoon na ginawa ni Moises sa ilang at ang dambana ng handog na sinusunog, nang panahong iyon ay nasa mataas na dako sa Gibeon.
30 Ngunit si David ay hindi makapunta sa harap niyon upang sumangguni sa Diyos, sapagkat siya'y natatakot sa tabak ng anghel ng Panginoon.
Footnotes
- 1 Cronica 21:9 Sa Hebreo ay tagakita .
1 Paralipomeno 21
Ang Dating Biblia (1905)
21 At si Satan ay tumayo laban sa Israel, at kinilos si David na bilangin ang Israel.
2 At sinabi ni David kay Joab, at sa mga prinsipe ng bayan, Kayo'y magsiyaon, bilangin ninyo ang Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan; at dalhan ninyo ako ng salita; upang aking maalaman ang bilang nila.
3 At sinabi ni Joab, Gawin nawa ng Panginoon ang kaniyang bayan na makasandaang higit sa dami nila; nguni't, panginoon ko na hari, di ba silang lahat ay mga lingkod ng aking panginoon? bakit kinakailangan ng panginoon ko ang bagay na ito? bakit siya'y magiging sanhi ng ipagkakasala ng Israel?
4 Gayon ma'y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab. Kaya't si Joab ay yumaon, at naparoon sa buong Israel, at dumating sa Jerusalem.
5 At ibinigay ni Joab ang kabuuan ng bilang ng bayan kay David. At silang lahat na taga Israel ay labing isang daan libo na nagsisihawak ng tabak: at ang Juda ay apat na raan at pitongpung libong lalake na nagsisihawak ng tabak.
6 Nguni't ang Levi at ang Benjamin ay hindi binilang; sapagka't ang pananalita ng hari ay kahalayhalay kay Joab.
7 At sumama ang loob ng Dios sa bagay na ito; kaya't kaniyang sinaktan ang Israel.
8 At sinabi ni David sa Dios, Ako'y nagkasala ng mabigat sa aking paggawa ng bagay na ito: nguni't ngayo'y alisin mo, ipinamamanhik ko sa iyo, ang kasamaan ng iyong lingkod, sapagka't aking ginawang may lubhang kamangmangan.
9 At ang Panginoon ay nagsalita kay Gad na tagakita ni David, na sinasabi,
10 Yumaon ka at magsalita kay David na sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Pinagpapalagayan kita ng tatlong bagay; pumili ka ng isa sa mga iyan, upang aking magawa sa iyo.
11 Sa gayo'y naparoon si Gad kay David, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Piliin mo ang iniibig mo:
12 Tatlong taong kagutom; o tatlong buwan na pagkalipol sa harap ng iyong mga kaaway, samantalang ang tabak ng iyong mga kaaway ay umabot sa iyo; o kung dili ay tatlong araw na ang tabak ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang salot sa lupain, at ang anghel ng Panginoon ay mangwawasak sa lahat na hangganan ng Israel. Ngayon nga'y akalain mo kung anong sagot ang ibabalik ko sa kaniya na nagsugo sa akin.
13 At sinabi ni David kay Gad, Ako'y totoong nasa kagipitan: ipinamamanhik ko na ihulog mo ako ngayon sa kamay ng Panginoon; sapagka't totoong malaki ang kaniyang kaawaan; at huwag akong mahulog sa kamay ng tao.
14 Sa gayo'y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel: at nabuwal sa Israel ay pitongpung libong lalake.
15 At ang Dios ay nagsugo ng isang anghel sa Jerusalem, upang gibain; at nang kaniyang lilipulin, ang Panginoo'y tumingin, at nagsisi siya tungkol sa kasamaan, at sinabi sa manglilipol na anghel, Siya na, ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay tumayo sa tabi ng giikan ni Ornan na Jebuseo.
16 At itinanaw ni David ang kaniyang mga mata, at nakita ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa pagitan ng lupa at ng langit, na may hawak na tabak sa kaniyang kamay na nakaunat sa Jerusalem. Nang magkagayo'y si David at ang mga matanda, na nangakapanamit ng kayong magaspang ay nangagpatirapa.
17 At sinabi ni David sa Dios, Hindi ba ako ang nagpabilang sa bayan? sa makatuwid baga'y ako yaong nagkasala at gumawa ng totoong kasamaan; nguni't ang mga tupang ito, ano ang kanilang ginawa? Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon kong Dios, na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sangbahayan ng aking ama; nguni't huwag laban sa iyong bayan, na sila'y masasalot.
18 Nang magkagayo'y inutusan ng anghel ng Panginoon si Gad upang sabihin kay David na siya'y sumampa, at magtayo ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
19 At si David ay sumampa sa sabi ni Gad na kaniyang sinalita sa pangalan ng Panginoon.
20 At si Ornan ay bumalik at nakita ang anghel; at ang kaniyang apat na anak na kasama niya ay nagsipagkubli. Si Ornan nga ay gumigiik ng trigo.
21 At samantalang si David ay naparoroon kay Ornan, si Ornan ay tumanaw at nakita si David, at lumabas sa giikan, at iniyukod kay David ang kaniyang mukha sa lupa.
22 Nang magkagayo'y sinabi ni David kay Ornan, Ibigay mo sa akin ang dako ng giikang ito, upang aking mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon: sa buong halaga ay ibibigay mo sa akin: upang ang salot ay tumigil sa bayan.
23 At sinabi ni Ornan kay David, Kunin mo, at gawin ng panginoon kong hari ang mabuti sa harap ng kaniyang mga mata: narito, aking ibinibigay sa iyo ang mga baka na mga pinakahandog na susunugin, at ang mga kasangkapan ng giikan na pinaka kahoy, at ang trigo na pinakahandog na harina; aking ibinibigay sa lahat.
24 At sinabi ng haring David kay Ornan, Huwag; kundi katotohanang aking bibilhin ng buong halaga: sapagka't hindi ko kukunin ang iyo para sa Panginoon, o maghahandog man ng handog na susunugin na walang bayad.
25 Sa gayo'y ibinigay ni David kay Ornan dahil sa dakong yaon ang anim na raang siklong ginto na pinakatimbang.
26 At ipinagtayo roon ni David ng isang dambana ang Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at tumawag sa Panginoon; at sinagot niya siya mula sa langit sa pamamagitan ng apoy sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin.
27 At inutusan ng Panginoon ang anghel; at kaniyang isinuksok sa kaluban ang kaniyang tabak.
28 Nang panahong yaon, nang makita ni David na sinagot siya ng Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo, siya nga'y naghain doon.
29 Sapagka't ang tabernakulo ng Panginoon na ginawa ni Moises sa ilang at ang dambana ng handog na susunugin, ay nasa mataas na dako nang panahong yaon sa Gabaon.
30 Nguni't si David ay hindi makaparoon sa harap niyaon upang magusisa sa Dios: sapagka't siya'y natakot dahil sa tabak ng anghel ng Panginoon.
1 Chronicles 21
New International Version
David Counts the Fighting Men(A)
21 Satan(B) rose up against Israel and incited David to take a census(C) of Israel. 2 So David said to Joab and the commanders of the troops, “Go and count(D) the Israelites from Beersheba to Dan. Then report back to me so that I may know how many there are.”
3 But Joab replied, “May the Lord multiply his troops a hundred times over.(E) My lord the king, are they not all my lord’s subjects? Why does my lord want to do this? Why should he bring guilt on Israel?”
4 The king’s word, however, overruled Joab; so Joab left and went throughout Israel and then came back to Jerusalem. 5 Joab reported the number of the fighting men to David: In all Israel(F) there were one million one hundred thousand men who could handle a sword, including four hundred and seventy thousand in Judah.
6 But Joab did not include Levi and Benjamin in the numbering, because the king’s command was repulsive to him. 7 This command was also evil in the sight of God; so he punished Israel.
8 Then David said to God, “I have sinned greatly by doing this. Now, I beg you, take away the guilt of your servant. I have done a very foolish thing.”
9 The Lord said to Gad,(G) David’s seer,(H) 10 “Go and tell David, ‘This is what the Lord says: I am giving you three options. Choose one of them for me to carry out against you.’”
11 So Gad went to David and said to him, “This is what the Lord says: ‘Take your choice: 12 three years of famine,(I) three months of being swept away[a] before your enemies, with their swords overtaking you, or three days of the sword(J) of the Lord(K)—days of plague in the land, with the angel of the Lord ravaging every part of Israel.’ Now then, decide how I should answer the one who sent me.”
13 David said to Gad, “I am in deep distress. Let me fall into the hands of the Lord, for his mercy(L) is very great; but do not let me fall into human hands.”
14 So the Lord sent a plague on Israel, and seventy thousand men of Israel fell dead.(M) 15 And God sent an angel(N) to destroy Jerusalem.(O) But as the angel was doing so, the Lord saw it and relented(P) concerning the disaster and said to the angel who was destroying(Q) the people, “Enough! Withdraw your hand.” The angel of the Lord was then standing at the threshing floor of Araunah[b] the Jebusite.
16 David looked up and saw the angel of the Lord standing between heaven and earth, with a drawn sword in his hand extended over Jerusalem. Then David and the elders, clothed in sackcloth, fell facedown.(R)
17 David said to God, “Was it not I who ordered the fighting men to be counted? I, the shepherd,[c] have sinned and done wrong. These are but sheep.(S) What have they done? Lord my God, let your hand fall on me and my family,(T) but do not let this plague remain on your people.”
David Builds an Altar
18 Then the angel of the Lord ordered Gad to tell David to go up and build an altar to the Lord on the threshing floor(U) of Araunah the Jebusite. 19 So David went up in obedience to the word that Gad had spoken in the name of the Lord.
20 While Araunah was threshing wheat,(V) he turned and saw the angel; his four sons who were with him hid themselves. 21 Then David approached, and when Araunah looked and saw him, he left the threshing floor and bowed down before David with his face to the ground.
22 David said to him, “Let me have the site of your threshing floor so I can build an altar to the Lord, that the plague on the people may be stopped. Sell it to me at the full price.”
23 Araunah said to David, “Take it! Let my lord the king do whatever pleases him. Look, I will give the oxen for the burnt offerings, the threshing sledges for the wood, and the wheat for the grain offering. I will give all this.”
24 But King David replied to Araunah, “No, I insist on paying the full price. I will not take for the Lord what is yours, or sacrifice a burnt offering that costs me nothing.”
25 So David paid Araunah six hundred shekels[d] of gold for the site. 26 David built an altar to the Lord there and sacrificed burnt offerings and fellowship offerings. He called on the Lord, and the Lord answered him with fire(W) from heaven on the altar of burnt offering.
27 Then the Lord spoke to the angel, and he put his sword back into its sheath. 28 At that time, when David saw that the Lord had answered him on the threshing floor of Araunah the Jebusite, he offered sacrifices there. 29 The tabernacle of the Lord, which Moses had made in the wilderness, and the altar of burnt offering were at that time on the high place at Gibeon.(X) 30 But David could not go before it to inquire of God, because he was afraid of the sword of the angel of the Lord.
Footnotes
- 1 Chronicles 21:12 Hebrew; Septuagint and Vulgate (see also 2 Samuel 24:13) of fleeing
- 1 Chronicles 21:15 Hebrew Ornan, a variant of Araunah; also in verses 18-28
- 1 Chronicles 21:17 Probable reading of the original Hebrew text (see 2 Samuel 24:17 and note); Masoretic Text does not have the shepherd.
- 1 Chronicles 21:25 That is, about 15 pounds or about 6.9 kilograms
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.