1 Corinto 7:8-11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
8 Ngayon, ito naman ang masasabi ko sa mga wala pang asawa at sa mga biyuda: mas mabuti kung magpatuloy na lang kayo sa kalagayan ninyong iyan. 9 Ngunit kung hindi kayo makapagpigil sa inyong sarili, mag-asawa na lang kayo. Mas mabuti na ito kaysa sa magkasala kayo dahil sa matinding pagnanasa ng laman.
10-11 Ngayon, sa inyong mga may asawa, may utos ako na sinabi mismo ng Panginoon: Hindi dapat hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae sa kanyang asawa. Ngunit kung hihiwalay ang babae sa kanyang asawa, dapat manatili siyang walang asawa o di kayaʼy bumalik na lang sa kanyang asawa.
Read full chapter
1 Corinto 7:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Ngunit sinasabi ko sa mga walang asawa at sa mga babaing balo: mabuti para sa kanila kung sila'y mananatiling kagaya ko. 9 Ngunit kung sila'y hindi makapagpigil, ay magsipag-asawa sila, sapagkat mas mabuti pang mag-asawa kaysa mag-apoy sa pagnanasa. 10 At sa mga may asawa ay nagtatagubilin ako, hindi ako, kundi ang Panginoon, na huwag hiwalayan ng babae ang kanyang asawa.
Read full chapter
1 Corinto 7:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Datapuwa't sinasabi ko sa mga walang asawa, at sa mga babaing bao, (A)Mabuti sa kanila kung sila'y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga'y (B)gaya ko.
9 Nguni't kung sila'y hindi (C)makapagpigil, ay magsipagasawa: sapagka't magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita.
10 Datapuwa't sa mga may asawa ay aking ipinaguutos, Nguni't (D)hindi ako, kundi ang Panginoon, (E)na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978