Add parallel Print Page Options

13 Ang babae na may asawang hindi sumasampalataya ay huwag humiwalay sa asawang lalaki. Ito ay kung sumasang-ayon siyang manahang kasama ng babae. 14 Ito ay sapagkat ang asawang lalaki na hindi sumasam­palataya ay pinababanal sa pamamagitan ng asawang babae. Ang asawang babae na hindi sumasampalataya ay pinababanal ng asawanglalaki. Kung hindi gayon, ang inyong mga anak ay marurumi, ngunit ngayon sila ay mga banal.

15 Kung ang hindi sumasampalataya ay humiwalay, hayaan siyang humiwalay. Ang kapatid na lalaki o kapatid na babae ay hindi na sa ilalim ng pagpapaalipin sa ganoong kalalagayan. Ngunit tayo ay tinawag ng Diyos na mamuhay sa kapayapaan.

Read full chapter

13 At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa.

14 Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal.

15 Gayon ma'y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang humiwalay: ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay: kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios.

Read full chapter

13 At kung ang babae ay may asawang di-mananampalataya, at pumapayag ang lalaking ito na mamuhay na kasama niya, huwag niyang hiwalayan ang kanyang asawa. 14 Sapagkat ang lalaking di-mananampalataya ay nagiging banal dahil sa kanyang asawa, at ang babaing di-mananampalataya ay nagiging banal dahil sa kanyang asawa. Kung hindi gayon, ang mga anak ninyo ay marurumi, ngunit ngayon sila'y mga banal. 15 Ngunit kung humiwalay ang di-mananampalataya, hayaan siyang humiwalay; ang kapatid na lalaki o ang kapatid na babae ay hindi dapat paalipin sa gayong kalagayan, sapagkat tayo ay tinawag ng Diyos tungo sa kapayapaan.

Read full chapter