1 Corinto 4
Ang Biblia, 2001
Ang Ministeryo ng mga Apostol
4 Kaya't ituring ninyo kami bilang mga lingkod ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Diyos.
2 Bukod dito, kailangan sa mga katiwala na sila ay matagpuang tapat.
3 Subalit para sa akin ay isang napakaliit na bagay ang ako'y hatulan ninyo o ng alinmang hukuman ng tao. Ako man ay hindi humahatol sa aking sarili.
4 Sapagkat wala akong nalalamang anuman laban sa aking sarili, bagaman hindi sa ako'y napawalang-sala, kundi ang humahatol sa akin ay ang Panginoon.
5 Kaya't huwag muna kayong humatol ng anuman nang wala pa sa panahon, hanggang sa dumating ang Panginoon. Siya ang magdadala sa liwanag sa mga bagay na sa ngayon ay nakatago sa kadiliman, at ibubunyag ang layunin ng mga puso. Kung magkagayon, ang bawat isa ay tatanggap ng papuri mula sa Diyos.
6 Mga kapatid, ang mga bagay na ito ay ginamit kong halimbawa sa aking sarili at kay Apolos para sa inyo, upang sa pamamagitan namin ay matuto kayo na huwag lumampas sa mga bagay na nakasulat, upang sinuman sa inyo ay huwag magmataas laban sa iba.
7 Sapagkat sino ang nakakakita ng kaibahan mo? At ano ang nasa iyo na hindi mo tinanggap? At kung tinanggap mo, bakit mo ipinagmamalaki na parang hindi mo tinanggap?
8 Kayo ay mga busog na, kayo ay mayayaman na, kayo ay naging mga hari nang wala kami. Ibig ko sanang kayo ay maging hari upang kami rin ay maging haring kasama ninyo.
9 Sapagkat iniisip ko, na kaming mga apostol ay ipinakita ng Diyos na kahuli-hulihan sa lahat, kagaya ng mga taong nahatulang mamatay, sapagkat kami ay naging panoorin ng sanlibutan, ng mga anghel, at ng mga tao.
10 Kami'y mga hangal alang-alang kay Cristo, ngunit kayo'y marurunong kay Cristo. Kami ay mahihina, ngunit kayo'y malalakas. Kayo ay mararangal ngunit kami ay walang karangalan.
11 Hanggang sa oras na ito ay nagugutom kami, nauuhaw, mga hubad, binubugbog, at walang tahanan,
12 at(A) kami'y gumagawa sa pamamagitan ng sarili naming mga kamay. Bagaman nilalait, kami ay nagpapala, bagaman inuusig ay nagtitiis kami,
13 bagaman mga sinisiraang-puri, kami ay nakikiusap. Kami'y naging tulad ng basura sa sanlibutan, dumi ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon.
Payong Magulang
14 Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang kayo ay paalalahanan tulad sa aking mga minamahal na anak.
15 Sapagkat bagaman nagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala naman kayong maraming mga ama; sapagkat kay Cristo Jesus ay ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng ebanghelyo.
16 Kaya't(B) hinihimok ko kayo na tumulad sa akin.
17 Dahil dito, aking isinugo[a] sa inyo si Timoteo na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siyang magpapaalala sa inyo ng aking mga daan na na kay Cristo gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawat iglesya.
18 Subalit ang iba ay nagmamataas na parang hindi na ako darating sa inyo.
19 Ngunit ako'y darating agad sa inyo, kung loloobin ng Panginoon, at aking aalamin, hindi ang salita ng mga taong nagmamataas, kundi ang kapangyarihan.
20 Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi sa pananalita, kundi sa kapangyarihan.
21 Anong ibig ninyo? Darating ba ako sa inyo na may pamalo o may pag-ibig sa espiritu ng kaamuan?
Footnotes
- 1 Corinto 4:17 o isinusugo .
1 Corinto 4
Ang Biblia (1978)
4 Ipalagay nga kami ng sinoman na (A)mga ministro ni Cristo, (B)at mga katiwala ng (C)mga hiwaga ng Dios.
2 Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging (D)tapat.
3 Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y (E)siyasatin ninyo, o ng (F)pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
4 Sapagka't (G)wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman (H)hindi dahil dito'y inaaring-ganap ako: sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon.
5 Kaya nga (I)huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.
6 Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay (J)inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; (K)upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.
7 Sapagka't sino ang gumawa na ikaw ay matangi? (L)at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? nguni't kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?
8 Kayo'y mga busog na, kayo'y mayayaman na, kayo'y nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami nama'y mangagharing kasama ninyo.
9 Sapagka't iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagka't kami'y ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao.
10 Kami'y mga mangmang dahil (M)kay Cristo, nguni't kayo'y marurunong kay Cristo; (N)kami'y mahihina, nguni't kayo'y malalakas; kayo'y may karangalan, datapuwa't kami ay walang kapurihan.
11 Hanggang sa oras na ito'y (O)nangagugutom kami, at nangauuhaw, at mga hubad, at mga tinampal, at wala kaming tiyak na tahanan;
12 At (P)kami'y nangagpapagal, na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay: (Q)bagama't inuupasala, ay kami'y nangagpapala; (R)bagama't mga pinaguusig, ay nangagtitiis kami;
13 Bagama't mga sinisiraang-puri, ay aming pinamamanhikan: kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan, sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon.
14 Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong (S)tulad sa aking mga minamahal na anak.
15 Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't (T)kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.
16 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, (U)na kayo'y maging mga tagatulad sa akin.
17 Dahil dito'y aking sinugo sa inyo si (V)Timoteo, (W)na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siya ang sa inyo'y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo, (X)gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa't iglesia.
18 Ang mga iba nga'y nangagpapalalo, na waring hindi na ako mapapariyan sa inyo.
19 Nguni't ako'y paririyan (Y)agad sa inyo, kung loloobin ng Panginoon; at aking aalamin, hindi ang salita ng nangagpapalalo, kundi ang kapangyarihan.
20 Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.
21 Anong ibig ninyo? (Z)paririyan baga ako sa inyo na may panghampas, o sa pagibig, at sa espiritu ng kahinahunan?
1 Corinthians 4
New International Version
The Nature of True Apostleship
4 This, then, is how you ought to regard us: as servants(A) of Christ and as those entrusted(B) with the mysteries(C) God has revealed. 2 Now it is required that those who have been given a trust must prove faithful. 3 I care very little if I am judged by you or by any human court; indeed, I do not even judge myself. 4 My conscience(D) is clear, but that does not make me innocent.(E) It is the Lord who judges me.(F) 5 Therefore judge nothing(G) before the appointed time; wait until the Lord comes.(H) He will bring to light(I) what is hidden in darkness and will expose the motives of the heart. At that time each will receive their praise from God.(J)
6 Now, brothers and sisters, I have applied these things to myself and Apollos for your benefit, so that you may learn from us the meaning of the saying, “Do not go beyond what is written.”(K) Then you will not be puffed up in being a follower of one of us over against the other.(L) 7 For who makes you different from anyone else? What do you have that you did not receive?(M) And if you did receive it, why do you boast as though you did not?
8 Already you have all you want! Already you have become rich!(N) You have begun to reign—and that without us! How I wish that you really had begun to reign so that we also might reign with you! 9 For it seems to me that God has put us apostles on display at the end of the procession, like those condemned to die(O) in the arena. We have been made a spectacle(P) to the whole universe, to angels as well as to human beings. 10 We are fools for Christ,(Q) but you are so wise in Christ!(R) We are weak, but you are strong!(S) You are honored, we are dishonored! 11 To this very hour we go hungry and thirsty, we are in rags, we are brutally treated, we are homeless.(T) 12 We work hard with our own hands.(U) When we are cursed, we bless;(V) when we are persecuted,(W) we endure it; 13 when we are slandered, we answer kindly. We have become the scum of the earth, the garbage(X) of the world—right up to this moment.
Paul’s Appeal and Warning
14 I am writing this not to shame you(Y) but to warn you as my dear children.(Z) 15 Even if you had ten thousand guardians in Christ, you do not have many fathers, for in Christ Jesus I became your father(AA) through the gospel.(AB) 16 Therefore I urge you to imitate me.(AC) 17 For this reason I have sent to you(AD) Timothy,(AE) my son(AF) whom I love, who is faithful in the Lord. He will remind you of my way of life in Christ Jesus, which agrees with what I teach everywhere in every church.(AG)
18 Some of you have become arrogant,(AH) as if I were not coming to you.(AI) 19 But I will come to you very soon,(AJ) if the Lord is willing,(AK) and then I will find out not only how these arrogant people are talking, but what power they have. 20 For the kingdom of God is not a matter of(AL) talk but of power.(AM) 21 What do you prefer? Shall I come to you with a rod of discipline,(AN) or shall I come in love and with a gentle spirit?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

