1 Corinto 4:7-9
Ang Salita ng Diyos
7 Ang dahilan nito, sino ang gumawa sa inyo na maging iba sa ibang tao? Ano ang mayroon sa inyo na hindi ninyo tinanggap? Ngunit yamang nakatanggap din kayo, bakit nagmamalaki kayo na parang hindi kayo nakatanggap?
8 Nasa inyo na ang higit pa sa kailangan ninyo. Kayo ay mayaman na. Naghari na kayo tulad ng mga hari na hindi kami kasama. At hangad ko na totoong maghari kayo upang kami rin naman ay magharing kasama ninyo. 9 Ito ay sapagkat sa aking palagay, ginawa ng Diyos na kaming mga apostol ay maging pinakahamak sa lahat na parang itinalaga sa kamatayan. Kami ay ginawang isang panoorin para sa sangkatauhan, sa mga anghel at sa mga tao.
Read full chapter
1 Corinto 4:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Sapagka't sino ang gumawa na ikaw ay matangi? (A)at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? nguni't kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?
8 Kayo'y mga busog na, kayo'y mayayaman na, kayo'y nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami nama'y mangagharing kasama ninyo.
9 Sapagka't iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagka't kami'y ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao.
Read full chapter
1 Corinto 4:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
7 Sapagkat sino ang nagsasabing naiiba ka? At ano ang mayroon ka na hindi mo tinanggap? At kung tinanggap mo, bakit mo ipinagmamalaki na parang hindi mo ito tinanggap? 8 Nasa inyo na ang lahat ng gusto ninyo! Mayayaman na kayo! Naging mga hari kayo kahit wala kami! Naging hari nga sana kayo upang kami ay naging hari ding kasama ninyo. 9 Sapagkat sa palagay ko, kaming mga apostol ay ipinakita ng Diyos na pinakahuli sa lahat, tulad ng mga taong nahatulan ng kamatayan, sapagkat kami ay naging isang palabas na pinanonood ng sanlibutan, ng mga anghel, at ng mga tao.
Read full chapter
1 Corinto 4:7-9
Ang Biblia, 2001
7 Sapagkat sino ang nakakakita ng kaibahan mo? At ano ang nasa iyo na hindi mo tinanggap? At kung tinanggap mo, bakit mo ipinagmamalaki na parang hindi mo tinanggap?
8 Kayo ay mga busog na, kayo ay mayayaman na, kayo ay naging mga hari nang wala kami. Ibig ko sanang kayo ay maging hari upang kami rin ay maging haring kasama ninyo.
9 Sapagkat iniisip ko, na kaming mga apostol ay ipinakita ng Diyos na kahuli-hulihan sa lahat, kagaya ng mga taong nahatulang mamatay, sapagkat kami ay naging panoorin ng sanlibutan, ng mga anghel, at ng mga tao.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
