1 Corinto 4:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 At ang katiwalaʼy dapat maging tapat. 3 Hindi mahalaga sa akin kung ano ang iniisip ninyo o ng sinuman sa akin, ni hindi ko nga pinapahalagahan ang sarili kong opinyon. 4 Kung sabagay, malinis ang aking konsensya, pero hindi ito nangangahulugan na wala akong kasalanan. Ang Panginoon lang ang makapagsasabi kung tama o mali ang aking ginagawa.
Read full chapter
1 Corinto 4:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Bukod dito, inaasahan sa mga katiwala na sila'y matagpuang tapat. 3 Ngunit para sa akin ay napakaliit na bagay ang hatulan ninyo ako o ng hukuman ng tao. Ni hindi nga ako humahatol sa aking sarili. 4 Sapagkat wala akong nalalamang anuman laban sa aking sarili, ngunit hindi ibig sabihin nito na ako'y walang sala. Ang humahatol sa akin ay ang Panginoon.
Read full chapter
1 Corinto 4:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Bukod dito, kailangan sa mga katiwala na sila ay matagpuang tapat.
3 Subalit para sa akin ay isang napakaliit na bagay ang ako'y hatulan ninyo o ng alinmang hukuman ng tao. Ako man ay hindi humahatol sa aking sarili.
4 Sapagkat wala akong nalalamang anuman laban sa aking sarili, bagaman hindi sa ako'y napawalang-sala, kundi ang humahatol sa akin ay ang Panginoon.
Read full chapter
1 Corinthians 4:2-4
American Standard Version
2 Here, moreover, it is required in stewards, that a man be found faithful. 3 But with me it is a very small thing that I should be [a]judged of you, or of man’s [b]judgment: yea, I [c]judge not mine own self. 4 For I know nothing against myself; yet am I not hereby justified: but he that [d]judgeth me is the Lord.
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinthians 4:3 Or, examined
- 1 Corinthians 4:3 Greek day. See 3:13.
- 1 Corinthians 4:3 Or, examine
- 1 Corinthians 4:4 Or, examineth
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Public Domain (Why are modern Bible translations copyrighted?)
