1 Corinto 3:5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Sino nga ba si Apolos? At sino si Pablo? Mga lingkod na kinasangkapan upang sumampalataya kayo, ayon sa itinakda ng Panginoon sa bawat isa. 6 Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang nagpapalago. 7 Kaya't hindi ang nagtatanim o ang nagdidilig ang mahalaga, kundi ang Diyos na nagpapalago.
Read full chapter
1 Corinto 3:5-7
Ang Salita ng Diyos
5 Sino nga si Pablo at sino si Apollos? Hindi ba kami ay mga tagapaglingkod, na sa pamamagitan namin kayo ay sumampalataya kung paanong ibinigay ng Diyos sa bawat isa sa amin ang mga gawaing ito? 6 Ako ang nagtanim, si Apollos ang nagdilig ngunit ang Diyos ang nagpalago. 7 Kaya nga, siya na nagtanim at maging siya na nagdilig ay hindi mahalaga, kundi ang Diyos na nagpalago.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 1998 by Bibles International
